Chapter 18

235K 5.1K 329
                                    

#ADMwp Chapter 18

“Ate...”

Nakatulala lang ako. I can’t even process what I heard. Akma niya akong lalapitan nung tinaas ko ang kamay ko. “No.”

“Ate, sorry...”

Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ko. I can’t even look at her. Hindi ko maintindihan.

“Niloloko niyo ako?” I couldn’t recognize my own voice. “Bakit, Maicy? Kapatid mo ako, ‘di ba? Bakit si Uno?”

I couldn’t control my breathing. Hirap na hirap akong huminga. My head was twirling. My heart was aching.

“Ate, hindi... Ate, hindi ka namin niloloko ni kuya Uno...” sabi niya at saka lumuhod sa harapan ko. “Ate, sorry... hindi ko gusto ‘to...”

Wala akong pakielam kung umiyak siya o kung lumuhod siya sa harapan ko. The only thing that registered was that they made a fool out of me. Dahan-dahan kong inalis ‘yung kamay niya sa binti ko.

Hindi ko na inisip kung paano siya uuwi. I got in my car and drove to Uno’s unit. I didn’t mind the stares. Wala akong pakielam kung titigan nila ako habang umiiyak ako.

I was pressing the doorbell relentlessly.

“Mira?” Uno said when he opened the door. “Gabing-gabi na, ah.”

The first thing I did is to slap him.

“Bakit, Uno? Bakit ‘yung kapatid ko pa?!”

Natulala si Uno. He’s guilty. Ayaw ko pa sanang paniwalaan na totoo lahat ng mga nangyayari. Bakit? A second ago I was living my fairytale. Sa isang iglap natapos ang lahat.

Hinintay ko siyang magpaliwanag. Hinintay ko siyang sabihin na hindi totoo ang lahat, na nagkamali lang ako ng rinig. I waited for him to tell me that I was wrong, to assure me that everything was fine.

But all I got was his sorry.

A Drunken Mistake (COMPLETED)Where stories live. Discover now