Chapter 30: Start Again

11 3 5
                                    

You can listen to this song 'A bit sweet' by Silence Wang ft. By2 and Scarlet Heart Ost 'For you' song by EXO CBX.

I listen to this songs habang nagsusulat ng chapter. Baka gusto niyo rin hehe.

Enjoy reading!

-----------------------------------------------------------

Nayakap ko ang sarili ko sa sobrang lamig. Nandito kasi ako sa rooftop, hindi na ako nakatulog ng maayos kagabi. Nag-iwan na lang ako ng sulat kali Merlyn at Ann na nauna na ako sa kanila. Alasingko palang ng umaga gising at nakapagasikaso na ako.

Ngayon pasikat na ang araw pero sobrang lamig parin, nakajacket na akong lahat pero sobrang lakas talaga ng hampas ng hangin.

Bakit ba kasi ang tagal niya?

Hindi ko malaman sa sarili ko, hindi na nawala sa isip ko si Hendrix. Palagay ko dahil guilty ako. Ganon naman talaga kapag may kasalanan ka sa isang tao hindi makakatulog at gusto mo siyang makita.

Tama ganon nga yon.

Wala man kasiguraduhan, nagpunta ako dito kasi... Malakas ang kutob na pupunta siya sa lugar na ito. Madali akong napahawak sa ulo ko at madali iyong nailing.

Hays ano bang ginagawa ko? Tingin ko nababaliw na ako...

"What are you doing here?"

"Ay saltik!" gulat na sabi ko, paano ba naman biglang may nagsalita.

Teka nga lang....

Madali akong lumingon sa pinanggalingan ng boses na yon at madali akong napatayo ng makita siya, ang sama ng tingin niya sa akin!

Sabi na dadating siya!

"Ikaw!" sigaw ko sa kaniya with matching panduduro pa. Kita kong bahagyang nanlaki ang mata niya na kaninang naniningkit. Tingin ko kagigising niya lang.

"Tinakbuhan mo ako kahapon!" pagrereklamo ko sa harap niya. Umakto akong galit sa harap niya kahit na deep inside nagugulahan din ako sa pinaggagawa ko ngayon.

Bakit ko ba ito ginagawa?

"Ah ayon ba..." iwas tingin na sabi niya at may nalalaman pang pag-hawi sa buhok niya ngayon. Mamaya lang nagtama ang mata namin nakaramdam ako ng kaba nong oras na iyon.

"W...Wala—Bakit ka nandito? Huwag mong sabihin natulog ka dito?"

Tsk. tsk. tsk. Talagang pinaplano niya pang baguhin ang pag-uusap namin.

"Oo natulog ako dito! May angal ka?" pagmamalaki ko, nilapitan ko siya at agad kong kinapa ang barya na nasa bulsa ng p.e ko ngayon.

Tama, P.E namin ngayon at nakahanda na ako.

Nilabas ko ang isang piso at pinakita sa kaniya ng malapitan iyon.

"Nakikita mo ang piso na ito?" tapang-tapangan na tanong ko sa harap niya. Kunot noo niyang tinignan ang pisong hawak ko at ako naman napangisi.

It's showtime!

"Nakikita mo itong piso? sa piso na ito nakasalalay ang kapalaran ko, ito-toss ko ito at kapag lumabas ang tao, papasok ako sa lahat ng klase ko kapag naman ibon ang lumabas mananatili ako dito sa rooftop buong magdamag—"

"Kapag ibon ang lumabas, hindi ka pwedeng lumayo sa akin."

0_0

Gulat ko siyang tinignan, hindi ko inaasahan ang pagsabat niya at pagbabago niya sa plano ko.

Si Author naging EXTRA?! Where stories live. Discover now