Chapter 13: Crazy

18 5 0
                                    


"Anong pinag-usapan niyo ni Franz?"

"San ka dinala ni Mr. President?"

"Nililigawan ka na ba niya"

"Kamusta lakad."

Sunod-sunod na pagtatanong nila Kristine sakin. Kakauwi pa lang namin ng dorm. Tinignan ko silang apat na ngayon ay abang na abang sa pagkwe-kwento ko.

"Dali chika na." naiinip na sabi ni Raven. Napabuntong hininga tuloy ako. Wala namang special na nangyari.

"Sa office kami pumunta..." paunang kwento ko at lahat sila nagulat sa sinabi ko.

"Sa laki-laki ng BSU sa opisina ka niya dinala?" hindi makapaniwalang sabi ni Princess.

"Ano ba kayo...kung ano-ano iniisip niyo. Kinausap niya lang ako tungkol kay...." hinarap ko si Kristine. "Tungkol kay Rica at Kristal."

"Bakit? anong meron?" agad na tanong ni Kristine sakin.

"Kinausap niya about sa page-expelled-"

"Papaalisin ang kapatid ko dito?!"

"No, listen to me first. May kasalutan na ginawa sa office at once na pirmahan ko yun talagang mapapatalsik sila sa BSU. Marami narin daw nagreklamo na naging biktima nila or nabully din gaya ko."

"W...What did you do? did you sign the papers?" aligagang pagtatanong sakin ni Kristine sakin. Agad akong umiling at kita ko na don lamang ito nakahinga ng maluwag. Nagmamadali akong niyakap nito ng sobrang higpit.

"Jasmine, super thank you. alam ko walang kapatawaran ang pinagagawa ng kapatid ko at ng kaibigan niya sayo pero pinatawad mo sila..."

Naiiyak itong humiwalay sakin.

"Ang bait naman jas, Sana all."

"Nako jasmine iwasan mong maging mabait." sabi sakin ni Cecil. Nagtataka kong tinignan ito.

"Bakit n...naman?"

"Baka kunin ka kaagad ni Lord."

>_<

"Siraulo 'tong si Cecil." natatawang sabi ni Princess.

"Elehh nakisali yung isa na may crush sa guro."

"Yan ka na naman, imbento ka talaga. Ikaw nga 'tong may crush sa bakla!"

"Hep! tama na yan!" saway ni Raven sa dalawa. Mamaya lang napadako ang tingin nito kay Kristine.

"Uy kristine bakit parang ang close niyo ni Luigi? umamin ka nga samin, kayo na ba?" pangiintriga ni Raven kay Kristine.

She look nervous right now. Kaming apat nakatanghod sa kaniya naghihintay kami sa ikwe-kwento niya. Tama need ko malaman kung may improvement na sa relasyon nila.

"A...Actually, Luigi and I were dating."

0_0

"Omg!" princess.

"Ang kire ng taon!" Cecil.

"Wala daw gusto tapos nade-date na marupok." raven.

"Congratsss!" ako.

"Nahihiya akong magsabi sa inyo eh,"

"Nahiya ka pa? pero sana all kina-Crushback." pagpaparinig ni Raven dito. Tsk. Ayaw pa kasing umamin kay Carl.

"Jasmine sorry."

"Bakit ka nagsosorry?"

"Diba gusto mo din si Luigi?"

Natawa ako sa sinabi nito. Akala niya talaga gusto ko yung Luigi na yun, haler character ko lang siya sa wattpad. He is just fictional character kaya hindi ako magkakagusto don.

"Wala naman talaga akong gusto don."

"Ha?"

"Sinabi ko lang yun para mapaamin ka."

"Kainis ka! nakita kaya kita niyakap mo si Luigi sa court! kunwari ka pa alam kong gusto mo rin siya."

Tsk. Ginawa ko yun para magselos ka talaga tungaw!

"Nako wag mo ng ipagpilitan si Jasmine Kay Luigi kasi for sure wala naman talaga siyang gusto kay Luigi, ang gusto niya ay si...." pambibitin ni Cecil. Nakatinginan pa silang apat na tila nag-uusap gamit ang Mata.

Sino naman mga nasa-isip nito.

"Sabay-sabay nating sabihin, in 3, 2, 1!"

"Franz!"

"Hendrix??"

0_0

Gulat ako sa sinabi ni Princess. Si Hendrix like ew yung lalaking may saltik na yun? magugustuhan ko. Never!

"Yuck! princess ano ka ba si Franz ang gusto niya!"

"Ay si Franz nga pala. Nakalimutan ko."

"W..Wala akong gusto kay Franz!" pagde-deny ko.

Gwapo si Franz, matalino, mabait lahat na ng magandang katangian ng lalaki na sa kaniya pero...hindi naman ako nakakalimot, balang araw lilisanin ko ang lugar na'to. Tsaka pa, ang gusto ko makatuluyan ni Franz ay walang iba kundi si Kristal.

"Wala daw gusto?! alam mo susunod ka sa yapak ni Kristine eh, deny pa nong una tapos malalaman namin nagde-date na pala."

"Tama ka jan raven!"

>_<

Eh sa wala nga akong gusto. Paghanga lang pero...hayss

"Wag niyo ngang i-pressure si Jas..." buti pa si Kristine pinagtatanggol ako. "Mamaya pakasalan niya na agad si Franz HAHAHA."

>_<

Mga baliw.

Natapos ang gabi namin na puro kwentuhan lang sa crush namin. Mamaya lang nakatulog na silang apat at ako ito. Gising pa. Narealize ko na bawat araw na tinatagal ko dito sa lugar na ito, ma's lalo akong napapamahal sa nga karakter na ginawa ko lang sa isip ko.

Nagsulat muli ako sa diary, Nang mga naganap ngayon.

Unting tiis na lang, makakaalis na ako sa lugar na ito.

-----------------------------------------------------------

To be continue, Don't forget to vote and comment!

Si Author naging EXTRA?! Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin