Chapter 3: Piglet

24 5 0
                                    


"Jas, wake up."

Dahan-dahan kong binuksan ang Mata ko at bumangon. Kinuha ko ang salamin ko sa lamesang malapit sakin.

Nakabalik na ba ako?

Bumungad sakin ang mukha ni Kristine na nakauniform na.

So hindi pa din ako nakabalik?! huhu

"Mag-asikaso kana, hihintayin ka namin." imik sakin ni Kristine at ako no choice kundi ang kumilos, binuksan ko yung maleta ko at nakita ang pares na uniform ko.

Ginawa ko ang morning routines ko. Pagkatapos nagbihis na ako. Kinuha ko ang bag ko at nag-ayos ng sarili ko.

"Tara na!"

Sabay kaming Lima naglakad papuntang classroom namin ngayon. Buti na nga lang tugma yung schedule namin ngayon. Hinawi ko ang buhok ko sa mukha ko sa hiya kasi pinagtitinginan kami ng studyante ngayon siguro sa nangyari kagabi.

Yung Hendrix na yun. Nakakapagsisi na ginawa ko pa siyang character sa story ko.

Pumunta kami sa kabilang building at pumasok sa Cabeighm. May ilang studyante na rin don at gaya ng inaasahan ko lahat ng tingin nila na samin este sakin.

Pambihira.

Umupo kami sa gitna, katabi ko si Kristine, while sila Cecil, Raven at princess nasa hulihan pumwesto. Nagsimulang magbulungan ang mga kaklase ko lalo na sa nanagyari kagabi.

"Diba siya yun?"

"Oo nga."

"I guess siya na yung bagong target ni Hendrix."

"Really?"

"Grabe yung eksena kagabi."

"Kaya nga, kawawa si Girl."

Napaubo-ob na lang ako para matulog, total wala pa namang guro. Matutulog muna ako.

"Good morning class!" agad akong nag-angat ng tingin at pagminamalas ka nga naman, patulog palang ako eh kaso dumating na ang prof namin.

"Good morning sir!" bati namin pabalik dito.

"Okay this is not the first time na maging guro niyo ako but for sure may mga baguhan dito, sila na lang yung magpapakilala."

Hays. Kailangan pa ba yun?

"Sir! siya na po mauna." sigaw ng isang classmate namin.

Gaya ng sabi ni Sir, nagpakilala na ang mga baguhan, hindi na sila pumunta sa harapan tumayo na sila sa pwesto nila.

"I'm Elizabeth Gozon."

"I'm Marry Batacandulo."

"I'm henry Lorde."

"I'm Klare---"

Lahat kami nagulat ng biglang bumukas yung pinto at halos manlaki ang mata ko ng makita si Hendrix, not wearing a uniform, plain black t-shirts and yan na naman yung piercing niya.

"Mr. Mendoza, first day of class your late."

"Tsk. Parang hindi naman kayo sanay."

Whut? classmate namin siya?! What the hell!

Kinilabutan ako ng magtama ang mata namin at sumilay ang nakakalokong ngiti nito sa mukha.

"Baboy!"

What the f! tinawag niya akong baboy?! Damn this Hendrix!

Rinig na rinig ko ang tawanan ng kaklase ko dahil sa tinawag sakin nong Hendrix na yun!

Si Author naging EXTRA?! Where stories live. Discover now