Chapter 1

4.9K 274 82
                                    

I wasn't able to see you for days after that day at the park. I couldn't meet you on a weekday because my summer was filled with piano lessons, fencing lessons, golf lessons, Advanced Biology lessons, Advanced Chemistry lessons, Advanced Math lessons, and all other lessons that my Mom could pay a tutor for.

But I decided, even if you did not ask, that my Saturdays were going to be yours. I reasoned that you would have agreed, felt ecstatic even, with my plan. I was sure that you were desperate to see me, talk to me, and be with me. Like how I was desperate to breathe the same air with you in close proximity.

"Sige na po, Mang Caloy. Sa park lang naman po ako, eh."

"Ay, naku po, Sir Marcus, malilintekan po ako sa Mommy ninyo. Alam n'yo naman po si Doktora, dinaig pa po ang tigre kapag nagalit. Mamaya n'yan sisantehin pa po ako n'un. Kawawa naman po ang mag-ina ko."

"Bakit naman po kayo sisisantehin ni Mommy, eh, hindi naman po n'ya malalaman?"

"Paano kung may magsumbong po sa Mommy ninyo?"

"Sino naman po?"

"Hindi po talaga pwede, Sir, pasensya na po at kailangan na kailangan ko po ang trabahong ito," my driver pleaded.

"Alam ko po. Ayoko rin naman po kayong mawalan ng trabaho. Isa po kaya kayo sa mga itinuturing kong kaibigan."

Mang Caloy's wrinkled face brightened. "Si Sir Marcus talaga binobola pa ako."

"Tulungan n'yo na po ako Mang Caloy. Sige na po, please. 'Di po ba malapit na po ang birthday ng anak ninyong si Junie? May ireregalo na po ba kayo sa kanya?"

"Sanay naman po 'yun na walang regalo. Pansit nga lang sa birthday n'ya at tinapay galing sa panaderya ay masaya na po 'yun. Minsan nga po kahit nagsisimba lang kaming magkakapamilya dahil wala kaming panghanda ay okay na po d'un."

"Hindi n'yo po ba s'ya binibilhan ng cake?"

"Naku, Sir, ang mahal po ng cake kahit 'yung sa bakery sa may kanto malapit sa amin lang. Ilang araw na din po naming ipambibili ng ulam 'yung ipambibili namin ng birthday cake n'ya."

"Ako na po ang bahala sa cake ni Junie."

"Sir Marcus, hindi po ako nagpapabayad sa inyo kaya sinasabi kong hindi ko po kayo matutulungan."

"Alam ko naman po. Gusto ko lang din po na may cake si Junie. Ito po ang one thousand pambili po ng cake—"

"Hindi ko po 'yan matatanggap, Sir Marcus."

"Magtatampo po ako Mang Caloy kung hindi n'yo po tatanggapin. Regalo ko po ito para kay Junie. Para n'yo naman po akong hindi itinuturing na kaibigan n'yan kung hihindian po ninyo."

"Hindi naman po sa gan'un..."

"'Tsaka ito po two thousand pambili po ng sapatos ni Junie, narinig ko pong kausap n'yo s'ya sa telepono minsan at 'yun po ang hinihingi n'ya."

"Naku, lalong hindi ko po tatanggapin 'yan—"

"Tanggapin n'yo na po," I said handing him the money but he did not take it.

"Sir, hindi na po. Hindi n'yo po kailangang magbayad para lang po ihatid ko kayo doon sa park dahil trabaho ko po 'yun. Ang sa akin lang po kaya po ako tumatanggi ay dahil alam ko pong magagalit ang Mommy ninyo."

"Naiintindihan ko po..."

"Ano bang sadya n'yo doon sa park? Pwede namang dito na lang kayo maglaro sa loob ng subdivision. Lilima ang parks dito sa pagkakaalam ko bakit naman po 'yung nasa malayo pa ang gusto ninyong puntahan?"

"Mang Caloy naman, binata na po ako," I shyly murmured pushing my glasses up my nose. "Hindi po ako pupunta d'un para lang po maglaro."

"H'wag n'yong sasabihin sa aking may nililigawan na po kayo?" he teased.

My Dear AgathaWhere stories live. Discover now