Chapter 2

4K 205 76
                                    

I did not expect you to say yes. Immediately. Not that I enjoyed waiting. But I knew that I needed to prove my worth and only time could do that.

"Maaga ka yata," you said the third time we met.

"Maaga ka rin naman," I replied.

You rolled your eyes at me.

"Pero, mas maaga ka dahil nauna ka sa akin, eh."

"So, inaamin mong inagahan mo nga?"

"Uy, h'wag kang feeling. Anong gusto mong palabasin?" you asked.

I laughed.

We talked about neutral topics – we started with the weather and ended up talking about our dreams. We never talked about our families. And I knew, without you telling me, that you were escaping from yours, too, just like how I was running away from mine.

"Actually, gusto kong maging teacher," you said.

H'wag naman, kawawa naman ang mga estudyante mo. Malamang papasok lang sila para makita ka at hindi para makinig sa lessons mo. At baka mag-enroll pa ako maging estudyante mo lang.

"Bakit teacher?"

"Bakit hindi?"

"It's a noble profession and if that's what you want to be, susuportahan kita."

"Napansin ko lang unti-unti kang nagiging sweet sa akin. Anong meron?

I felt my ears grow hot.

"Sweet ba 'yung sasabihin kong susuportahan kita d'yan sa pangarap mo?"

"Sour ba 'yun?"

We both laughed.

"So, sisimulan ko na bang tawagin kang Teacher Agatha? I queried.

You shook your head. "Actually, parang hindi ko kayang maging teacher, maigsi pasensya ko, eh. Baka manghampas pa ako ng estudyante at mapakulong pa ako. Pero, kung 'yun ang tanging paraan para magkaroon ako ng silbi sa mundo, kahit sa mga estudyante ko man lang, ay baka sugalan ko 'yan."

"What made you think na wala kang silbi? Sinong nagsabi sa'yo n'yan?"

"Bakit, aawayin mo?"

"Oo. How dare that person lie. May silbi ka, h'wag kang maniwala sa sinasabi ng iba na wala."

"O kalma na..." You smiled before you sighed. "Wala namang nagsabi sa akin n'un, pero, minsan pakiramdam ko wala akong bilang. Parang bula lang ako na hindi nila nakikita at naaalala lang nila ako tuwing may kailangan sila."

You sounded so wistful and heartbroken that I briefly wondered about the kind of family you have.

"H'wag ka nang malungkot."

"Hindi naman ako nalulungkot, eh."

"Hindi raw. Kita mo nga nagingilid na 'yang mga luha mo, o."

"Napuwing lang ako."

"Agatha..."

"Ano?"

"Kahit wala akong kailangan sa'yo ay naaalala kita."

You tearfully smiled. "Talaga?"

"Oo."

"Hindi mo kailangan itong ganda ko? Hindi mo kailangan ng inspiration?"

I averted my face to hide my smile from you.

"Alam mo ang cute-cute mo, Marcus. Nakakaaliw ka. Para kasing ang inosente mo. Hindi katulad ng mga tambay malapit sa amin na ang sarap pagtatadyakan sa mukha."

My Dear AgathaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora