Chapter 8

212 19 3
                                    

Chapter 8

Bumangon ako at niyakap ang tuhod ko. Nakatitig ako sa kawalan ng bigalang bumukas ang pinto. I looked up.

"Gising na pala ang Prinsesa namin." Nakngiting bungad ni Kuya Luke.

His smile was so calming and reassuring. Para bang sinasabi niya sa akin na everything's alright.

Lumapit siya sa akin. Nakita ko na may dala siyang tray na naglalaman ng mga pagkain.

"Buti naman at gising ka na. You've been asleep for many hours now." He said. Nang makalapit na siya sa akin ay umupo na din siya sa kama ko. Inilapag niya ang tray na dala niya sa hita ko. He smiled at me. He leaned towards me a little then he patted my head.

I smiled back.

"Kuya paano ako napunta dito? Nasa guidance office lang ako kanina ehh. I mean kami. Tapos si Saph.." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Naalala ko si Sapphire. Ano na kaya ang mangyayari sa kanya?

She did something inappropriate. She's my friend, yes. Pero alam ko na mali ang ginawa niya.

'alam na kaya ng mga friends namin ang nangyari? Maybe?'

Mga tsismoso at tsimosa sila ehh. Kaya malabong hindi nila alam ang nangyari.

Kuya Luke put his hands down from my head. Itinukod niya ang mga kamay niya sa kama. He looked up at the ceiling.

"Nahimatay ka." He chillingly said.

"Alam ko kuya. Pero what happened afterwards? Si Sapphire? Si Nathan? Sina sira Dela Paz at Prof. Lopez? Kumusta sila?" I worriedly uttered.

Napabuntong hininga nalang si Kuya.

"You're really fond of worrying about others." He stated.

"Hindi mo man lang ba itatanong kung ilang araw ka nang tulog?" He asked me. He looked at me. Shock was written on my face.

"Ha?" Kumunot ang noo ko. "Ano ka ba kuya? Wag kang magbiro. Hapon pa lang oh." Sabi ko. Bahagya pa akong tumawa. But he did not do the same. So totoo nga?

Inalis ko ang tray ng pagkain sa hita ko. Inilapag ko ito sa side table ko dito sa kwarto.

I looked for my phone to see the date. Nang makita ko kung anong petsa na nanlaki na naman ang mga mata ko.

'nakalimutan ko kung anong petsa nung nahimatay ako.'

Bumaling ako kay kuya  na ngayon ay nakadapa na sa kama ko. He's hugging my human teddy bear. Maya-maya ay niwrestling niya na ito.

"Take that bear! Watahh! Pugsh! Blag! Bang!" Napataas naman ang kilay ko. Baliw ba siya?

"Kuya" tawag atensyon ko sa kaniya. He's not listening. Nire-wrestling niya padin si Blueberry ko.

He always do that. Minsan nga pupunta lang siya dito sa kwarto para awayin ang baby Blueberry ko. Wala siyang awa! Sinasaktan niya ang anak ko! Dapat siyang kasuhan ng Teddy bear abuse!

"Kuya" mas nilakasan ko pa ang pagtawag ko sa kanya. Pero balewala padin.

"Take that! Hahaha! Ang hina mo naman na oso ka! Wahahaha. Di mo ako matatalo." He stood up. Raised his both arms. Tinalunan niya si Blueberry (the human bear) ko at dinaganan.

I put my two hands on my hips. I breathe a heavy breath then..

"LUKE LYANDIER PETERSTEIN!" I shouted.

Napabalikwas naman siya ng bangon. Bababa na sana siya sa kama ng pumulupot ang kumot ko sa isang paa niya. Kaya nahulog siya sa kama. Sumubsob ang mukha niya sa sahig.

When The Sun Sets (R18)Where stories live. Discover now