Chapter 11

207 15 1
                                    

Chapter 11

'Aray ko po' yun nalang ang naging daing ko ng dinamba ako ng isang malaking halimaw.

Oo, ang isang pusang halimaw.

Narinig ko ang tawa ng mga kaibigan ko na naka salampak sa carpet.

"Naman! Alis! Apollo! Umalis ka sa likod ko. Ang bigat mo!" Naiisis na sambit ko sa liger na ginugulong-gulongan ang likod ko.

"Apollo, isa!" Umalis naman agad ang halimaw ng bilangan ko na siya. He growled at me.

I stood up. I glared at Apollo who's looking cute. I hissed at him

'Edi ikaw na ang cute na halimaw' ismid ko

"Nasaan ba ang amo mo?" Tanong ko sa Liger na nasa harap ko na para bang mabibigyan niya ng sagot ang tanong ko.

Hinimas-himas ko ang balahibo niya. Para naman siyang maamong pusa. He purred like a little cat under my palm. That makes me smile.

I looked at my friends na nakikipaglaro na ulit sa mga alaga nila. Mga snob na high breed. I rolled my eyes. Nagulat ako nang may tumutulak sa akin. I looked at Apollo. Sinamaan ko ito ng tingin pero hindi parin siya natinag. Instead mas milakasan niya pa ang pagtulak tulak sa akin. Naging sunod sunuran naman ang katawan ko da pagtulak niya. Kaysa naman sa madapa na naman ako magpadala nalang ako pero sinasaway ko parin siya.

"Apollo, stop! Hey! Ikaw na halimaw ka" Apollo growled. Patuloy parin sa pagtulak sa akin gamit ang ulo niya.

Naman ehh. Nang lumingon ako sa likod ko nakita ko na gusto niya akong dalhin sa pool.  I fought back. Ang lamig na kaya. Ano gusto niya mag night swimming kami?

"Apollo! Hey. Tama na. Apol-----" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil naramdaman ko nalang ang pagbagsak ko sa tubig. Pagkatapos noon ay nakaramdam ako ng isang malaking alon. Alam ko na tumalon din ang halimaw sa pool.

Agad naman akong umahon. Suminghap ako ng hangin.

Naramdaman ko na may bagay na dumampi sa mga balikat ko.

Inis na inis ako. Basang basa ako.

Sumampa naman ang halimaw sa likod ko. Tuwang-tuwa dahil pareho kaming basang dalawa. Inalis ko ang mga kamay at paa ni Apollo na nakapulupot sa akin.

Umahon ako mula sa pool.

Sumunod naman sa aking ang walang hiyang Liger. I stomped my foot heavily and fast. Hinabol naman ako ni Apollo.

Tumigil ako at nilingon ko siya.

"BAKIT KA SUMUSUNOD SAKIN HA?! HINDI MO BA ALAM NA INIS NA INIS AKO SAYO?! HA?" Sigaw ko sa halimaw na nasa tabi ko.

Tumakbo naman siya papunta sa kwarto ni Saph.

"ABA! AT MAS NAUNA KA PA SAKIN DIYAN HA?! HINTAYIN MO AKO! APOLLO!!" sigaw ko kay Apollo na mabilis na tumakbo.
Napalingon naman sila Clyde, Earl, Cerisse at Gaeve sa akin.

"Noona, bakit basa ka? Di mo naman sinabi sa amin na pool party pala ang meron at hindi sleep over" Tumatawang sabi no Clyde. I glared at him. Tinikom niya naman ang bibig niya bago nag act na nag zip ng bibig.

Tumawa naman ng mahina ng ibang mga high breed na half breed.

Nagmartsa na ulit ako patungo sa direksyon ng kwarto ni Saph. At nang nasa harap na ako ng kwarto niya ay agad ko itong binuksan.

There, I saw Sapphire sleeping in her comfy California king sized bed. Nasa tabi niya ang isa pa niyang Liger na si Callisto na nakadapa sa kalahati ng katawan ni Sapphire. Si Marioline naman at Yvaine ay natutulog din sa tabi ni Sapphire. Niyayakap niya ang dalawa niyang cute na puting Teacup na puppies.

When The Sun Sets (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon