Chapter 5: Lost You

467 51 9
                                    

"Kai.."

"Hmm?"

"Thank you."

"Huh?"

Ngumiti ang bata habang namumula ang mataba nitong pisngi.

Umiling ito at nahihiyang nagsalita.

"Masaya ako na nakilala kita. Ngayun lang ako nagkaroon ng matalik na kaibigan. Noon, walang gustong lumapit at makipag-kaibigan sakin o kung meron man... gusto lang nila yung meron at ibinibigay ko pero ikaw.... iba ka sakanila. Kasi ikaw lagi mo akong ipinagtatanggol, sinasamahan, kinakausap... minsan di ko naramdamang ibang tao at kinaka-ayawan ako. Tinuring mo akong kaibigan at kapatid kaya....sobrang saya ko... sobrang saya ko na nakilala kita Kai.."

*****

Patuloy ang pag-buhos ng luha ni Kai habang patuloy parin ang mabilis na pagtakbo nya papuntang ospital. Nanginginig ang buong katawan niya at pakiramdam niya ay titigil ang pagtibok ng kanyang puso.

Natatakot siya....natatakot syang mawala ang kaibigan.

Hindi nya alam kung pano sya nakapunta ng ospital matapos manggaling sa eskwelahan, basta't ang alam niya pagkarating nya sa eskwelahan......

Maingay ang buong paligid. Bulungan ng mga estudyante at guro, sigaw ng pulis, tunog ng ambulansya at sasakyan ng pulisya....pero napakatahimik ng mundo ni Kai. Tanging paghinga niya, mabilis na pagtibok ng kanyang puso. at ang mahinang iyak at sigaw ng kanyang puso't isipan ang kanyang naririnig.

Acielle.....

Nakita niya ang nagkalat na dugo sa kalsada na napapaligiran ng pulisya. Piraso ng basag-basag na bubog, ilang nagkalat na kagamitan at...basag na salamin.

Nanginig ang kanyang daliri, ang kanyang balikat, at buong katawan. Hindi niya napansin ang pag-tulo ng kanyang luha.

Garalgal ang kanyang boses na nagtanong kung saang ospital itinakbo ang katawan ng kaibigan hanggang sa namalayan nyang tumatakbo na pala siya.

Natanaw niya ang gusali ng ospital at binilisan pa ang pagtakbo. Matapos makapasok ay tinanong niya kung nasan ito sa nurse.

"Acielle Cree Ellyston? Wait, i-checheck ko."

Binuksan ng babae ang computer at pagkatapos ng ilang minuto ay nagsalita.

"I'm sorry, pero inilipat na ng ibang ospital si Mr. Ellyston one hour ago."

Nanginig si Kai at muling nagtanong.

"Miss, s-san po'ng ospital inilipat si Acielle?"

Bago pa man makasagot ang babae ay lumapit ang isa pang nurse sakanila.

"Excuse me, kakilala ka ba ng pasyente?" anya nito na tiningnan sya.

"O-Opo."

"Masyadong kritikal ang lagay at sitwasyon ng kaibigan mo at hindi kayang magamot sa publikong ospital na ito. Dahil narin sa kakulangan ng mga instrumento, inilipat siya ng ospital ng kanyang pamilya kanina. Di ako sigurado pero ang dinig ko sa kasamahan nila, sa Martini Private Hospital yata ang punta nila." anya nito.

Namutla ang buong mukha ni Kai matapos marinig ito.

'Martini?'

Dinig niya sa mga magulang nya na isa sa pinaka-pribado at mamahaling ospital ito. Nai-kwento ng kanyang ama na minsan nang naisugod rito ang boss ng kompanyang pinagtatrabahuhan nito.

Rebirth of Mr. Fattyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें