Chapter 3: Consequences of Choices

713 60 14
                                    

"Ikaw na naman?!"

Galit na galit na sininghalan ni Rafael si Acielle matapos nilang makita ito sa labas ng basketball court. Kakatapos lang ng laro nilang tatlo at medyo mainit ang ulo ng kanyang kaibigan matapos na matalo ng kabilang section sa laro.

Bahagyang nanginig si Acielle sa malakas na tono ng pananalita nito dahilan upang bahagya syang mapaatras.

"I-I... j-just want to t-talk with Kai—.."

Hindi pa nito natatapos ang sasabihin ng bigla itong kwelyuhan ni Rafael. Malakas na itinulak nito ang matabang bata sa kalapit na pader sabay mas hinigpitan pa ang pagkakakwelyo rito.

"Rafael! Tama na—.."

Nanlaki ang mga mata ni Kai sa inakto ng kaibigan dahilan upang mapaabante sya. Agad naman syang pinigilan ni Eric na nasa tabi nya ng makita ang kanyang reaksyon.

Napayuko na lamang sya sabay napakagat-labi.

"Bingi ka ba?! Oh sadyang bobo ka lang talaga?!"

"P-Pero—.."

"Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko?! Ang sabi ko layuan mo kami lalong-lalo na si Kai, naiintindihan mo?! Dahil kung hindi.. malalaman ng buong school na isa kang nakakadiring bakla!" singit ni Rafael.

Namilog ang nanginginig na mga mata ni Acielle mula sa narinig. Napalunok ito at unti-unting napayuko habang nakakuyom ang mga kamao.

"G-Gusto ko lang naman m-makausap si Kai—...!"

/whack!/

Malakas na sinuntok ni Rafael ang kawawang bata dahilan upang mabasag ang suot nitong salamin. Pabagsak itong napaupo sa mabatong bahagi at nanginginig na hinawakan ang dumudugong gilid ng mata.

Agad namang lumapit si Kai sa kaibigan sabay pinigilan ang braso nitong nagbabadyang muling sumuntok.

"Ano ba Rafael?! Sabing tama na!!" sigaw nya rito.

"Anong tama na?!! Hindi mo ba nakikita?!! Pinipeste ka ng nakakadiring baklang to tapos ayos lang para sayo?! Gusto mo bang malaman ng lahat na nakikipag-kaibigan ka sa isang bakla?!! Alam mo ba kung ano ang pwedeng isipin at sabihin ng iba tungkol sayo at satin?!! Hindi mo manlang ba naisip yun ha Kai?! O baka naman kapareho ka rin ng baboy na to—!!"

/whack!/

Malakas na sinuntok ni Kai si Rafael at agad na kinuwelyuhan ito. Nanlaki ang mga mata nito na napatingin sa nanlilisik nyang mga mata. Hindi nito lubos akalain na magagawa nya ang bagay na ito lalo na sa kaibigan nya.

"Anong sabi mo?! Ulitin mo nga ang sinabi mo!!" sigaw nya rito.

Nagmamadali namang lumapit sa kinatatayuan nila si Eric upang pigilan ang mainit na komprontasyon sa pagitan nila ni Rafael. Pilit sila nitong pinaghihiwalay ngunit tila nakadikit ang mga kamay nya sa higpit ng pagkakahawak rito.

"Kai! Rafael!! Tama na, baka mahuli tayo ng Dis—..."

Malakas na itinulak ni Rafael si Eric sabay muling nagpakawala ng isang pang malakas na suntok kay Kai. Agad na bumagsak ang mga kamao nito sa mukha niya dahilan upang mapaatras at mapasandal sya sa may kalakihang puno.

Maya't maya pa ay naramdaman nya ang pamamanhid ng kanyang pisngi at ang pamamaga nito. Unti-unti nyang iniangat ang paningin rito sabay pinunasan ang namuong dugo sa gilid ng kanyang labi gamit ang mapuputi nyang braso.

Rebirth of Mr. FattyWhere stories live. Discover now