Chapter 6: I Killed Him

708 59 28
                                    

Dalawang buwan.....

Lumipas ang dalawang buwan at ngayun ay ika-21 na bisita ng mag-asawang Ricoblanco sa ospital ng St. Francis.

Mahinang kumatok si Ginang Ricoblanco sa puting pintuan bago dahan-dahan nitong binuksan ang pintuan. Napatingin siya sa babaeng nakatayo sa tabi ng upuang nakaharap sa bintana.

Lumingon ito sabay ngiti sa kanilang kinaroroonan. Mahina nitong tinapik ang balikat ng batang lalaki at mahinang bumulong. Matapos ito ay tumango ang babae sakanila bago tahimik na lumabas ng pintuan upang bigyan ng oras ang buong pamilya.

Maingat na inihakbang ng ginang ang ang kanyang mga paa na tila ba takot istorbohin ang bata. Pansin ang muling pamumula ng mga mata nito at bahagyang panginginig ng daliri sa nakaangat na kamay.

"Sweetie, si Mommy 'to. Nandito ulit kami para bisitahin ka."

Palagi nilang binibisita ang kanilang anak at ilang beses na nilang pinipilit ang sariling maging kalmado sa harap ng bata pero.... hindi parin nila mapigilan ang paulit-ulit na sakit sa tuwing nakikita nila ito.

Payat na pangangatawan, lubog at maiitim na gilid ng mga mata, mapuputla at tuyong labi at higit sa lahat.... ang tulala at walang emosyon nitong mga mata.

Ito si Kaiden o mas kilala sa palayaw na Kai. Labing-apat na taong gulang ngunit may pangangatawang hindi angkop sa edad nito.

Ang batang masayahin, palangiti, palakaibigan at mapagmahal. Tila biglang naglaho ang kinang ng bata matapos lamang ang dalawang buwan. Para sa magulang na tanging siya ang kulay ng madilim na mundo...

Tila ba wala nang mas sasakit pa sa ang makita ang paghihirap ng sarili nilang anak. Ang pagbabago nito na hindi nila inakalang mas magiging malala ng dahil lang sa pagkamatay ng kaibigan nito.

Hindi nila maintindihan at siguro hindi nila maiintindihan kung ano ang totoong kinakaharap nito. Minsan naisip nila kung mas mahalaga pa ba ito kaysa sa kanila na mga magulang at kadugo nito.

Ang katanungan na 'nang dahil lang sa pagkawala ng kaibagan mo ay kaya mong papabayaan ang sarili mo?' ay tila naging sikretong sama ng loob ng mag-asawa. Hindi nila alam kung anong meron sa kaibigan nito na dahilan upang humantong sa ganitong sitwasyon ang kanilang anak.

Pero hindi nila kayang ilabas ito dahil mas importante ang nararamdaman ng bata. Gusto nila itong gumaling at muling makasama....ang bumalik ang dating Kai na pinakamamahal nila.

Pinigilan ng ginang ang pagtulo ng luha nito. Pilit itong ngumiti ngunit pansin parin ang panginginig ng daliri nito habang hawak ang buto-butong kamay ng bata.

"Nandito kami ng Daddy para kamustahin ka. Namimiss ka na namin....hiling namin na....g-gumaling ka na."

Napa-kagat labi ito iniangat ang paningin sa asawang nasa likuran ng anak. Mapupula ang mga mata nitong lumapit sakanila.

Ngunit sa kabila ng sakit na nararamdaman ng mga magulang ay tila hindi ito pansin ni Kai.

Tulala parin ang walang buhay nitong mga mata. Tahimik na nakadungaw sa bintana at malayo ang tingin.

Hinimas ng ginang ang pisngi ng bata sabay hinalikan ito sa noo. Yinakap ni Jerome ang kanyang asawa't anak bago napapikit. Hiling nitong makabalik na ang kanyang mahal na anak.

*****

Halos isang oras na matapos makaalis ang mga magulang ni Kai at isang oras naring siyang tulala't nakatingin sa labas ng bintana.

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: May 26, 2021 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

Rebirth of Mr. FattyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ