CHAPTER 3: REST DAY

2.5K 62 1
                                    

Xenon's POV
"Oh medyo tinanghali yata kayo ng gising na mag-aama. Hindi ka ba papasok ngayon sa restaurant?" Tanong ni mama pagpasok namin sa kusina na apat.

Una kong inilagay si Lanaia sa upuan dahil siya ang buhat ko, sinunod ko si Lancelot at huli si Landon. "Baka bukas na ako pumasok ma. Gusto ko muna silang libangin kasi mukhang nagkaroon nga sila ng konting trauma sa ginawa ni Brenda sa kanila."

May awang tinignan ni mama ang mga bata. "Ako tuloy ang natatakot sa ideya na kukuha ka na naman ng panibagong mag-aalaga sa kanila. Paano kung yung susunod mong makukuha na babysitter nila mas malala pa kay Brenda?"

Sumagot ako sa sinabi ni mama habang ikinukuha ko ng pagkain ang mga anak ko. "Wala naman akong choice ma. Hindi ko naman kasi sila pwedeng laging dalhin sa trabaho kasama ko. Hindi ko rin naman sila pwedeng ipagkatiwala sayo ng buong araw dahil alam nating pareho na hindi mo kakayanin."

"Pasensya ka na anak at hindi mo ako gaanong maasahan sa mga anak mo. Alam mo naman, tumatanda na ako ng husto. Pero hanggat kaya ko naman, aalagaan ko sila sa abot ng makakaya ko." Nginitian ko si mama saka inasikaso ko na sa pagkain ang tatlo.

Napangiti ako nang makita kong maganang kinain ni Lanaia ang isinubo ko sa kanya. Si Lancelot naman ay hotdog lang ang gusto kaya sinaway ko. "Nak hindi pwedeng laging hotdog ang kinakain. Magvegetable ka kung hindi magagalit ako." Pananakot ko rito.

Tumingin ito sa akin ng matagal bago isinubo ang gulay na isinubo ko sa kanya. Takot din kasi sa akin ang bata na 'to kaya kapag sinabi ko na magagalit ako ay alam niyang magagalit talaga ako. Si Landon naman ay chocolate cereal na may gatas ang breakfast kaya hinayaan ko na.

Pagkatapos kumain ay inakyat ko ulit sila sa kwarto namin saka ko sila pinaliguan. Tuwang-tuwa naman silang tatlo na nasa bathtub at may mga bibe pang laruan na isinama nila sa pagligo nila.

"Quack quack!" Sabi ni Landon habang pinagsasama-sama ang mga bibe na ginugulo naman ni Lance.

"Very good kuya. That's the sound of the duck." I said then I joined them in the bathtub. Agad naman silang dumagan sa akin at tawanan sila ng tawanan na tatlo.

"Oh mauntog ka sige." Sabi ko kay Landon na nakikipag-unahan dumagan sa akin laban sa dalawa.

Nashampoohan at nasabunan ko naman na sila kaya wala ng problema. Mamayang konti ay paaahunin ko na rin sila dahil hindi ko sila hinahayaan na magbabad masyado sa tubig. Natatakot kasi ako na magkasakit sila kahit na nga ba sagana naman sila sa vitamins.

Nagwisikan kami ng tubig hanggang sa manawa kaming apat. "It's time to dry ourselves." I told them when I left the bathtub. Ngumuso naman sila pero wala silang nagawa nang buhatin ko na sila isa-isa at dinala sa labas ng banyo.

Pinunasan ko sila isa-isa, nilagyan ng polbo at pabango saka dinamitan. Hinayaan ko silang maglaro sa kama at ako naman ang nagbihis. Naglalagay na ako ng konting pabango sa katawan nang may kumatok sa pintuan ng kwarto. Nilapitan ko ito saka binuksan.

"Nak nasa baba si Cassandra. Dumalaw dito para idaan ang ilang pasalubong mula Dubai." Sabi ni mama nang mapagbuksan ko siya ng pinto.

"Sige ma, sabay-sabay na tayong bumaba ng mga bata." Tumango ito at hinintay kami na makalabas ng kwarto at saka sabay na nga kaming apat na bumaba ng hagdanan.

Pagdating namin sa sala ay nakaupo roon si Cassandra at may dalawang kahon malapit sa kanya na sa tingin ko ay pasalubong niya sa mga bata. "Hello cuties! Where's tita Cassandra's kiss?" Bungad niya sa mga anak ko.

Patakbo namang nagtungo sa kanya ang mga bata at humalik sa pisngi niya. "Tumataba yata kayong tatlo." Pinanggigilan niya ang mga bata saka kiniliti.

"Open the boxes. Tita's pasalubong from Dubai. I hope you'll like all the stuffs and food that is inside." Cassandra said while pointing the big boxes.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon