CHAPTER 34: THINK WISELY

1.7K 50 1
                                    

Quebec's POV
"Morning." Nagising ako sa bulong ni Landon sa tenga ko at ang unti-unti niyang pagdagan sa akin.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at bumaling ako sa bintana. Hindi pa gaanong sumisikat ang araw. Anong oras na kaya? Sinilip ko pagkatapos ang orasan na nakasabit sa ibabaw ng tv at medyo maaga pa.

"Baby, maaga pa masyado. Pero good morning. Sleep pa tayo?" Yumakap siya sa akin habang nakadagan pa rin at umiling.

"Play." Mahina niyang sabi na ikinangiti ko.

"Still very early to play. Let's get some sleep then we have all day to play. Sounds good right?"

Tumango siya at humikab. "Milk." Ungot naman niya sa pagkakataon na 'to. Hindi na ako umangal pa at pinaghanda ko na lang siya ng gatas. Buti ay meron ditong isang gallon ng tubig, gatas na nasa latang malaki at malilinis na milk bottle.

Habang nagtitimpla ako ng gatas ay nanatili lang si Landon sa kama habang nakatitig sa kisame. Ano naman kaya ang iniisip niya ngayon? Ang aga niya gumising.

"Here you go baby." Sabi ko sabay abot sa kanya ng hiling niyang gatas.

Kinuha niya naman ito sa akin at ininom na hanggang sa unti-unti nang bumigat ang talukap ng mga mata niya. Akala ko ay makakatulog na siya dahil pinipikpik at kinakantahan ko pa siya pero hindi. Nagpabuhat pa siya sa akin at isinayaw-sayaw ko pa habang buhat ko para makatulog siya.

Nakatulog naman siya at saktong ngawit na ngawit na ang mga braso ko kaya ibinaba ko siya sa kama. Kapag minamalas nga naman ako, nasira ang tulog niya at nagising. Akmang iiyak siya kaya binuhat ko na lang siya ulit. Hindi na siya nakatulog non hanggang sa tuluyan ng sumikat ang araw at nagising na rin si Xenon.

Pupungas-pungas siyang lumapit sa amin at hinalikan ang batang makulit na karga ko. "Morning baby. Anong meron at ang aga mo nagising? Excited to start the day with your mom? Huh?" Malambing na sabi niya kay Landon na hindi naman siya pinapansin.

Nang wala siyang makuhang tugon kay Landon ay sa akin siya bumaling at inilapit pa mabuti ang mukha sa mukha ko. Kaya naman baka kung ano pa ang gawin niya ay lumayo na kami ng anak namin.

"Ang baho mo. Kahit si Lanaia sinabihan ka ng mabaho kagabi. Magsipilyo ka na nga." May halong biro kong saway sa kanya.

Lumukot ang mukha niya at hindi niya inaasahan ang narinig mula sa akin. "What?! How can you say that word to me while in front of our kids!" Pagdadrama niya.

Lalong nalukot ang mukha niya nang biglang tumawa si Landon. "Landon, my boy. Why are you laughing?" Sabi ni Xenon at lumapit na naman sa amin ng konti.

"Mommy's right! You smell!" Pagtutusta nito sa ama.

Pati tuloy ako ay natawa nang makita ang mukha ni Xenon. "How can you do this to me! Pinagtutulungan niyo ako. Okay! I'm out of it!" Tinalikuran niya kami at pumasok na sa banyo.

"Nagwalkout?!" Patanong kong sabi kay Landon.

Hindi naman siya kumibo. Dinala ko siya malapit sa bintana para panuorin ang pagsikat ng araw. "What can you say about that my boy? Is it pretty?" Sabay turo ko sa araw na unti-unti ng nagpapakita.

Tumango siya. "Wow!" Sabi niya na ikinatawa ko.

"You're cute when you say that." Sabay halik ko sa pisngi at leegan niya.

Nang matapos maligo ni Xenon ay dinala ko na si Landon sa banyo para kami namang dalawa ang maglinis na dalawa. Napahinto ako sa paghihilamos kay Landon nang may kumatok.

"Quebec open this." Sabi ni Xenon sa labas.

"Don't move." Bilin ko kay Landon na nasa ibabaw ng lababo. Tumango naman siya. Buti na lang ay ilang hakbang lang naman ang pinto ng banyo kaya panatag ako.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now