CHAPTER 17: REOCCUR

1.5K 45 4
                                    

Quebec's POV
Iniwan ko na rin siya agad sa kusina at nagmamadali akong pumunta sa kwarto ko. Mukhang hindi naman na niya ako susundan pa kaya nang malapit na ako sa kwarto ko ay dahan-dahan na lang ako sa paglalakad. Nanghihina ang mga tuhod ko at ang katawan ko ay nanginginig dahil sa ginawa sa akin ni Xenon.

Oo, aaminin ko na gusto ko ang ginawa niya dahil gusto ko siya. Pero paano kung may makakita sa amin? Ano na lang ang sasabihin ng makakakita sa amin. Na pumapatol ako sa amo ko? O kaya paano kung bumalik na siya sa tamang katinuan? Baka sabihin pa sa akin ni Xenon na inaabuso ko ang kalasingan niya.

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. Akala ko roon na matatapos ang engkwentro namin ni Xenon pero hindi pa pala. Sinundan niya pa rin ako rito sa kwarto ko.

"Xenon ano ba?!" Sabi ko sa kanya nang pumasok din siya sa loob ng kwarto ko.

Tinaasan lang niya ako ng kilay at dahan-dahan na lumapit sa akin. "Alis! Ano ba?! Umakyat ka na at yung mga bata kanina pa natutulog sa tabi ni ma'am Sarah."

Nilapitan ko siya at pilit ko siyang pinalalabas pero mas malakas siya sa akin. "Paano kung ayoko?" Nanghahamon na tanong niya.

"Hindi pwedeng ayaw mo. Nahihibang ka na. Lasing ka kaya kung anu-ano na ang pinaggagagawa mo. Halika na ihahatid na kita sa kwarto mo kung gusto mo. Please lang lumabas ka na rito. Naudlot na ang tulog ko tuloy."

"Hindi pwede? Sa ating dalawa ako ang masusunod. Nasa puder ka namin at ako ang nagpapasahod sayo." Sabay ngiti niya ng pilyo sa akin.

"Oo alam ko naman 'yon. Pero dahil lasing ka, ako muna ang masusunod. Labas na kasi." Nagpapadyak na ako sa inis ko sa kanya.

"Hindi ako lasing. Nakainom lang ako." Kaswal na sabi nito kaya hindi makapaniwala ko siyang tinignan.

Sinong niloko niya?! Halatang wala na siya sa sarili niya at amoy na amoy pa ang alak sa kanya. Hindi naman siya ganito kapag hindi lasing. May pagkamakulit talaga siya kapag ganito siya. Dapat pala hindi na ako lumabas ng kwarto kahit na uhaw na uhaw na ako.

"Come on. Konting-konti na lang talaga magagalit na ako. Labas na Xenon."

Tila hindi niya nagustuhan ang sinabi ko dahil kumunot ang nuo niya at umiling ng marahas. "Ako ang amo rito kaya ako ang masusunod."

Naglakad siya palapit sa pinto at nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay aalis na siya. 'Yon ang akala ko. Dahil lumapit lang pala siya sa pinto para ilock 'yon at mabilis na pumihit paharap sa akin.

"Ano ba Xenon?! Labas na. Nakakainis ka na. Susumbong kita kay ma'am Sarah bukas." Pananakot ko sa kanya pero lumapit lang siya sa akin at hindi natinag sa pananakot ko.

"Magsusumbong ka? Masarap yung gagawin natin kaya bakit isusumbong mo ako kay mama?"

Lumayo ako sa kanya nang akmang hahalikan na niya ako pero hinila lang niya ako at wala na akong nagawa nang angkinin niya ang mga labi ko.

Palag Quebec! Hindi ka pwedeng magpadala sa bugso ng damdamin mo dahil boss mo siya! Sigaw ng isip ko na hindi ko naman kinontra. Sinubukan ko siyang itulak at hindi ako tumigil sa pagtulak sa kanya hangat hindi siya humihiwalay sa akin.

"Damn you Quebec! Don't make this hard for me. Alam ko na gusto mo rin." Naiinis na sabi niya at itinulak ako ng malakas sa higaan ko at mabilis siyang umibabaw sa akin.

"This is rape, Xenon!" Kinakabahan kong sabi sa kanya.

"Nope. Kapag gusto ng babae ang pang-aangkin sa kanya ng lalaki hindi rape 'yon." Bwelta niya.

"Sino nangsabing gusto ko ang ginagawa mo sa akin?! Kanina pa kita pinapaalis!"

"Your nipples says it all. Paninigas pa lang ng mga nipples mo halatang nag-iinit ka rin sakin."

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now