Chapter 1

18.6K 467 94
                                    

Jasmine

Ako nga pala si Jasmine Cordova 18 years old, and first year college student sa course na Business Administration sa isang sikat na University dito sa Pilipinas.

Nandito ako ngayon sa isang branch ng mall na pag-aari ng family namin.

Bibili na kasi ako ng mga school supplies na magagamit ko sa pasukan para sa susunod na Lingo.

Abala ako sa pamimili ng gamit ng may biglang lumapit sa akin na mga lalaking gustong makipagkilala.

"Hi Miss beautiful!," sabi sa akin ng isang lalaki na mukha naman may itsura, pero mapaghahalataan mo na fuckboy siya.

Poker face na tinignan ko lang sila. Wala akong panahon sa mga katulad ng mga ito isa pa, hindi ko sila type wala pa sa vocabulary ko ang magkipagkilala sa mga mukhang adik na tulad ng mga ito.


Hindi naman sa mapanghusga ako ha. Pero mahahalata mo kasi sa itsura nila.

Tsaka priority ko ngayon ay makapagtapos kaagad ng pagaaral upang matulungan ko na ang mga magulang ko sa pagpapatakbo ng negosyo namin.

At isa pa natatakot ako na baka e judge lang ako pag nalaman na isa akong hindi pangkaraniwan na babae.

Isa akong hindi ordinaryong babae isa akong intersex. Yung may kasarian ng lalaki at babae.

"Miss makikipag kilala lang sana kami sa iyo, tapos yayain ka na rin sana naming kumain at manood na rin tuloy tayo ng sine kung papayag ka." Nakangiting pangungulit pa nila.

"Don't worry baby libre naman namin eh." Ang dagdag pa nila at todo ngiti pa sa akin na talagang mahahalata mo sa mukha nila ang pangungumbinsi at nag pa cute pa na hindi naman u ubra sa akin.

Duh ang pangit nila no. Nag mumukha lang silang aso sa paningin ko.

Feeling naman nila wala akong pambayad, at anong tingin nila sa akin uto uto. Yung iba siguro nadadaan nila sa kanilang pagpapa cute.

Pero sorry na lang sila dahil nga sa hindi kami talo at hindi ko rin sila type. Hmp

Bakit ba pinapapasok nila dito sa mall ang mga ganitong tao. Nag kakalat lang sila dito at nanggugulo ng mga namimili. Minsan nga masabihan tong mga guard na ito.


Hindi nila dapat hinahayaan magpakalat kalat dito ang mga ganyang klase ng tao. Ano na lang ang sasabihin ng mga costumer namin pag ganyan.

"Pwede bang umalis nalang kayo. Wala ako sa mood ngayon na maki paglukuhan." Ang naiirita kong sabi sa kanila.

Agad naman nila akong pinalibutan at masama akong tinignan. "Ang sungit mo naman Miss para makikipagkilala lang eh." Medyo inis naman na sabi ng isa.

Nabwisit na yata sa akin kasi hindi ako nakuha sa mga pag papa cute nila.

"Bakit ba ang kukulit ninyo!? Hindi ba kayo makaintindi na ayaw ko nga? "Ang sigaw ko ng hindi na ako makapagtimpi pa. Nakaka inis kasi hindi na lang magsipagalisan.

Nasaan na ba ang mga guard dito? Bakit wala pang lumalapit? Medyo nakakagawa na kami ng kunting komosyon. May mga napapatigil na kasi sa pamimili nila dahil sa amin.

Ms. Athena Saint Claire Where stories live. Discover now