Chapter 6

9.2K 329 5
                                    

Jasmine

Nakapag usap na kami ni Raymond at maayos na tuluyan ko ng tinapos kung ano man ang ugnayan namin. 

Balak pa nga nitong tuluyang ligawan na ako. Pero sinabihan ko na agad ito na wala siyang maaasahan sa akin dahil hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya. 

Pero baka pari iyon ay hindi ko na rin maibigay. Lalo pa nga at talagang sumama ang loob ko dito sa ginawa niyang pag iwas sa akin noon. 

Hiniling ko rin sa kanya na huwag muna kaming magkita at baka pati siya ay madamay sa akin. Sabi ko palipasin muna ang chismiss about sa akin bago ulit ako makikipag lapit sa kanya. 

Kahit naman kasi na ganun ang nangyari ay ayaw ko siyang madamay sa ginawa kong gulo. 

Tahimik lang akong naglilibot ngayon dito sa Mall. Maya na lang ako aakyat sa office para ayusin ang sinabi sa akin ni Dad na problema dito. 

Panay naman ang bati sa akin ng mga employee namin dito na sinusuklian ko lang ng ngiti at tango. 

Nang mapagod mag ikot ay tumuloy na ako sa office at nagpatawag ng emergency meeting sa aking secretary. 

"Miss Mandy pwede ka bang sumunod sa akin at may pag uusapan tayo." Sabi ko sa secretary ng madaanan ko ito bago pasok sa office. 

"Paki tawag ang lahat ng managers sa conference room at may importante tayong pag uusapan" ang instructions ko kay Miss Mandy. 

"Yes, Miss Jasmine. Iyon lang po ba Miss? Coffee po?" 

"Sige paki dalhan na rin ako ng coffee, at paki bigay na rin ang ating sales inventory para makita ko kung bakit biglang bumaba ang revenue natin ngayong buwan na ito. Yun lang Miss Mandy." Ngiti kong utos sa kanya. 

Lumabas naman na agad si Miss Mandy pagkatapos kong sabihin dito ang mga hinihingi ko. 

Medyo nahihiya din kasi ako dito kay Miss Mandy eh. Isa kasi siya sa nagturo sa akin noon nung mga bago bago pa lang akong sinasama ni Dad dito sa Mall, upang matuto. 

Isa ito sa matiyagang ipinaliwanag sa akin ang mga dapat kong malaman. Madalas kasi na dito ako iwan ni Dad at aalis na siya upang sa ibang branch naman namin bumisita. 

Sa totoo pa nga nyan ay si Miss Mandy ang first girl crush ko noon. High School pa lang ako ng una akong dalhin dito ni Dad at una ko rin siyang makita. 

Ang ganda kasi nito tapos ang bait bait pa niya sa akin. Parang kaka graduate nga lang nito noon nung maging secretary siya dito sa amin ni Dad. 

Siguro kaidaran lang ito nila Miss Athena, hay si Miss Athena na naman. Kailan ba nito pag papahingahin ang aking utak kakaisip sa kanya. Hindi ba ito napapagod sa panggugulo sa isip ko. Lalo na dito sa puso ko. Sumusulpot na lang kasi bigla eh. 

Busy ako sa pagpapantasya kay Ma'am Athena ng ma distract ako sa pagkatok ni Miss Mandy. 

"Miss Jasmine ito na po ang coffee nyo at ang sales inventory." Sabay abot nito sa akin ng folder. 

"Thank you Miss Mandy, upo ka muna at pag usapan natin itong nilalaman ng folder na ito. Saglit lang at tatawagan ko lang yung PA ko at ipapa deliver ako dito ang favorite mong milk tea." Ngiti kong sabi dito

"Naku huwag na Miss Jasmine. Ok lang ako. Maya na lang po. Hindi ko na kailangan pang mag milk tea." Namumula sa hiyang sabi niya sa akin. 

"Hayaan mo na, paminsan minsan lang naman ito eh. So pag usapan na natin kung bakit ganito lang ang profit natin ngayong buwan na ito. Sa tingin mo ano ang kulang at ano ang dapat natin e improve pa? Diretsuhan kong tanong dito. 

" Sa tingin ko ay parang kulang tayo sa promotion ngayon. At maganda siguro na dagdagan natin ng product ng mga pang Korean ang mga binebenta natin. Parang iyon kasi ang nakikita kong trends ngayon sa mga kabataan eh. Tsaka palagi din tayo mag invite dito sa Mall ng mga artista para ma engganyo ang mga kabataan na dito na lang pumunta." Ang diridiritso nitong sabi sa akin. 

"Gusto ko pa nga rin sanang e suggest na kung kaya din lang naman ng Mall na kumuha at mag bayad ng malaking talent fee sa mga artist at model para e promote itong mall ay bakit hindi na lang ang bts or black pink ang kunin. Balita ko kasi sobrang sikat daw ng mga iyon eh. " Sagot pa nito sa akin. 

Napatango na lang ako sa sinabi ni Miss Mandy. Di talaga ako nagkamali na kunin ang kanyang opinions. Napaka talino niya talaga. Nakakabilib.

Napangiti na lang ako sa kanya at nag pasalamat. "Salamat talaga Miss Mandy at never mo akong binigo. Napaka galing mo talaga." Ang humahanga kong sabi sa kanya. 

Napayuko na lang ito at lalo pang namula ang mukha nito ng marinig ang aking sinabi. Maya lang ay dumating na ang aking PA at binigay ang pinabili ko ditong milk tea. 

Pagka abot ko kay Miss Mandy ng milk tea ay nagpaalam na rin ito sa akin na lalabas na at tatawagin nalang daw ako pag ready na ang conference room.

Agad naman na akong tumango dito at di na pinigilan pa itong lumabas na ng aking office.

Hinarap ko naman agad ang folder na binigay niya sa akin at pinasadahan ng tingin ang nilalaman nito. 

Busy ako sa pagbabasa ng report ng kumatok si Miss Mandy at sinabi na andoon na raw lahat ng Managers sa conference room at ako na lang ang hinihintay. Tumango na lang ako dito at sinabing susunod na lang sa kanya at mauna na ito doon. 

Agad kong inayos ang aking sarili at nag retouch na rin ako ng make up ko. Nakakahiya din naman kung mukha akong ewan na haharap sa kanila. 

Lalo pa nga at mga may edad na rin naman ang mga ito. Halos kami na nga lang ni Ms. Mandy ang bata pa. 

Minsan mahirap din na kausapin ang mga ito kasi ang tingin nila ay mas magaling pa sila sa iyo at mas may experience kasi bata pa nga lang daw ako. Pero never ko hinayaan na mas magaling pa sila sa akin. Hindi ako magpapatalo sa mga ito lalo na kung sa ika gaganda naman ng Mall ang pinaglalaban ko. 

Pero marunong din akong magpakumbaba lalo na kung may point naman sila. 



Ms. Athena Saint Claire Where stories live. Discover now