Chapter 7

10.7K 362 45
                                    

Jasmine

Mabilis lumipas ang buwan, at finals na para sa second semester. Marami na rin ang nangyari isa na doon ay ang parang aso't pusa namin ni Ma'am Athena. 

Madalas kasi na pag nakikita ako nito ay hindi maaaring wala itong gagawin na kung hindi ako mapapahiya au maasar ako dito o kaya naman ay makakatikim ako ng pag lalambing nitong sampal sa akin. 

Mapanakit talaga siya. Di ko nga alam kong anong nagustuhan ko doon. Kaya ang madalas mangyari ay tinataguan ko na lang ito at pasimpleng tinatanaw na lang sa malayo. 

Masaya na ako maka silay lang sa kanya. Lakas tama tayo mga lods. At saka hindi ako mag lalakas ng loob na lumapit dito noh. Mahal ko pa buhay ko kahit papaano. 

Buti na nga lang ay di ko pa siya nagiging Professor. Ewan ko nalang talaga kung anong mangyayari pag nagkataon. Baka tuluyan na akong lumipat ng ibang school pag naging Professor ko pa ito. 

Naka yuko lang akong nag lalakad na ngayon dito sa hallway ng building namin at sasaglit muna ako sa aking locker at kukunin ko kasi iyong books ko sa Psychology magbabasa muna ako habang break time pa. 

Wala kasi akong gana ngayong kumain eh. Tsaka baka makita pa ako doon ng anak ni satanas mahirap na. Mamaya kung ano na naman ang ipagawa nito sa akin. 

Isama mo pa yung apat pa nitong barkada na katulad din nitong may attitude na kung makatingin ay pagka susungit na parang mga pinaglihi sa sama ng loob ng kanilang mga magulang. 

Buti na lang at di gumaya ang itsura nila sa ugali nila. Mga demonyetang dyosa ang mga fota hahaha

Hind ko naman maiwasang mapangiti sa aking naisip. Tumuloy na lang ako sa bench dito sa may oval banda at hindi maiwasang humanga sa aking napapanood ngayon. 

Nagpa practice kasi ang mga cheerleaders ng kanilang daily routine. Ang galing kasi nila at ang gaganda pa. 

Dami nga rin nanonood sa kanila. Karamihan pa ay mga lalaki na halata namang iba ang pakay. Kundi ang mambuso lamang sa mga ito. 

Napailing na lang ako at tinuloy ko na lang ang magbasa ng libro. Medyo mababa kasi ang grades ko nung medterm kaya kailangan ko makabawi ngayong finals. 

Tahimik lang akong nag babasa ng may biglang nagsalita sa aking likuran na aking ikinataas ng balahibo ng makilala ko ang boses nito. 

"Cordova, sumunod ka sa akin sa office at may ipapagawa ako sa iyo" sabi nito na nakataas pa ang kilay habang nag sasalita at tinalikuran na ako na di manlang hinintay na makapagsalita ako. Attitude talaga ng bruhang matanda na ito. 

Kabadong sumunod na lang ako kay Ma'am Athena papuntang office nito. 

Nang makapasok kami sa office nito ay hinarap niya na ako kaagad.  

"Cordova, gusto kong linisin mo itong office ko ha. Dapat pag balik ko nitong hapon ay malinis na ito at wala na akong makikitang anumang kalat o alikabok ha." Tuloy tuloy nitong sabi sa akin 

"Alam mo naman na siguro mangyayari sayo pag hindi mo ako sinusunod. Alam ko naman na mayang hapon pa ang next class mo kaya wala kang dahilan para hindi ako sundin. Nagkakaintindihan ba tayo ha Cordova?" Masungit nitong sabi sa akin na lalo ko lang ikina inis.

Napipilitan na tumango na lang ako. "Yes Ma'am, masusunod po. Maya po pagdating nyo ay pwede na po kayong mag salamin dahil sa sobrang linis." Medyo di na nakapag pigil at inis na nasabi ko sa kanya. 

Kapal kasi ng mukha kung makapag utos. May mga pwede naman siya utusan dito na siyang maglinis dito sa room nya, eh kung bakit ba naman ako pa talaga ang gusto nitong pahirapan.

Hindi yata ito masaya pag hindi nakikitang nahihirapan ako. Sadista talaga. Mukhang magiging kawawa yata ako kung makakatuluyan ko ito ah. Dapat pala ngayon pa lang masanay na ako na maging isang utusan. 

"Mukhang may reklamo ka yata Cordova ah. Sabihin mo lang kaagad kung ayaw mo at hindi iyang pinipilosopo mo ako." Medyo mataas na rin ang boses na sabi nito sa akin. 

"Hindi po Ma'am Athena, medyo high pitched lang po talaga minsan ang boses ko." Kinakabahang dahilan ko dito

"Oh siya magsimula ka ng maglinis diyan at ng mabilis kang makatapos. Siguraduhin mo lang na walang mababasag dyan ha. Dahil babayaran mo kung may mabasag ka" Bilin pa nito bago tuluyan ng umalis. 

Nakahinga naman ako ng maluwag ng tuluyan na itong lumabas ng kanyang room. 

Agad ko naman inikot ang aking paningin dito sa loob ng office nya. Hindi ko maiwasang humanga sa loob ng kanyang room. Napaka feminine kasi ng ayos nito. Mahilig pala sa pink si Ma'am Athena. Infairness ha di halata sa kanya. 

Mas bagay kasi dito ang kulay pula eh. Para katerno ng ugali nitong may pagka dragon. Hehehe pero kahit ganun yun mahal ko yun ha. Matagal ko ng tanggap na ganun talaga siya. 

Nagsimula na akong linisin ang room ng mahal ko. Maingat kong pinupunasan ang mga gamit nito, gusto ko kasing ma impressed siya sa akin kahit manlang dito ay mabawasan ang pagka inis niya sa akin. 

Saktong katatapos ko lang linisin ang kanyang room ng pumasok ito. 

Agad nitong ginala ang kanyang mga magagandang mata at mahahalata mo dito na nagustuhan niya ang kanyang nakikita. Medyo sumablay nga lang ng ako na ang binalingan nito ng tingin. 

"Buti naman pala at kahit papaano ay may maganda ka rin palang nagagawa." Ang walang pakundangan nitong sabi sa akin.

Nakapasimangot naman ako sa tinuran nito. Bakit kaya hindi nalang siya magpasalamat?  

"Halika na dito at mag meryenda ka muna bago ka umalis. At baka maya ay ipagkalat mo pa dyan sa labas na pinagod na kita at lahat ay di man lang kita pinakain." Ang yaya nito sa akin pagka lapag niya ng kanyang mga dala sa table

Medyo namula ang mukha ko ng parang may ibang meaning ang kanyang sinabi sa pinagod at pinakain. 

Nahihiyang umupo naman ako sa harap nang table nya. Magkaharap na kami ngayon. At kitang kita ko lalo kung gaano siya kaganda. Lalo na ang mga mata nito na parang laging nakikiusap at inaakit ako. 

Pati na rin ang manipis at mapupula nitong labi na ng iinganyong halikan ito. Pag ako talaga di nakapag pigil hahalikan ko na ito. Kahit na maka tanggap nanaman ako ng mag asawang sampal at mura dito eh okay lang. At least natikman mo ulit ang napaka sarap nitong labi. 

_______

Guys nasa GoodNovel na po ito ha. Doon nyo na po ma read ang complete story nya.Kung namamahalan po kau sa Goodnovel pm nyo lang ako sa aking fb account Avril Del Carmen pag usapan natin ang price. Salamat 🥰🥰🥰






Ms. Athena Saint Claire Where stories live. Discover now