♕CHAPTER 27♕

2.6K 76 0
                                    

CANA ANNALIS

♕♕♕

Pagtapos nang mahaba at nakakapagod na byahe ay nakarating na rin kami sa border ng Lumire Empire kung saan matatagpuan ang kastilyo at lupain na binigay ng emperor sa Romulus.

Pinapaligiran kami ng matataas na bundok at malalawak na lupaing sakahan, ang lugar na 'to ay kilala bilang sentro ng pananim ng Lumire empire at ito rin ang nag su-supply ng mga gulay at iba pang pagkain sa buong central.

Sa pagkakaalam ko pag nalagpasan namin ang maliit na baryo sa lugar na 'to ay doon magsisimula ang lupain na ngayon ay pagmamay-ari na ng Romulus.

Wala pa itong pangalan o ano pa mang titulo kaya napapaisip din ako kung ano ang itatawag ko rito.

"Natatanaw na po ang kastilyo my lady," rinig kong anunsyo ni mang Solomon kaya napasilip rin ako sa bintana at nakita kung gano katayog ang gate ng kastilyo at ang bandera ng Romulus na ngayon ay nakasabit na sa dalawang tore ng kastilyo.

Sa pagdaan ng karwahe ko ay lahat ng mamamayan na aming nadadaanan ay napapalingon, iniisip na ako ang panibagong hahawak sa lupain na 'to.

Wag naman sana nilang isipin na isa akong kalaban na may balak na huthutan sila ng pera, dahil sisiguraduhin ko na bibigyan ko pa sila ng magandang trabaho at papalaguin ang bayan na 'to na napapabayaan na ng monarkiya.

Nang makapasok sa loob ng malaking gate ng kastilyo ay sinalubong ako ng mga katulong na isang araw na nauna sa pagdating sa lugar na 'to.

"Greeting lady Kiera," bati nila sa pagbaba ko sa karwahe habang inaalalayan ni Viggo. Halata sa mga mukha nila ang pagkabahala dahil narito na ko, ang bagong amo nilang magpapahirap sa kanila.

Pero syempre wag silang mabahala, hindi pa naman ito ang simula ng paghihirap nila sa impyerno, sasalain ko muna silang mabuti kung sino ang nais maparusahan at sino ang gusto makatikim ng kaginhawaan.

"Maligayang pagdating lady Kiera," bati sa 'kin ng head butler na si sir Wilbert ang anak ng kanang kamay ng aking ama sa Romulus.

"Maraming salamat, ayos na ba ang ilan na kailangan unahin?" Tanong ko sa kaniya pagkababang-pagkababa ko sa karwahe na kinagulat niya ngunit agad din naman siyang sumagot sa aking tanong.

"Naayos na po namin ang pangunahing kailangan katulad ng mga tutulugan at ang kusina," sago niya at tumango naman ako.

"Ituro mo sa 'kin ang silid ko at nais kong magpalit ng damit," utos ko sa kaniya at agad niya naman itong sinunod.

Pumasok kami ni Viggo sa loob ng kastilyo at pansin kong medyo luma na nga ang lugar at kulang sa pag-aalaga ngunit malaki ito at sapat na para maging kampo o pagsimulan ng bagong pagkakakitaan.

Ang malamig na sementong nakapaligid sa 'min ay yari lang gamit ang bricks at walang kakulay-kulay o kahit anong wallpaper, ang sahig ay simentado ngunit makikita mo ang pagbibitak ninto, ang mga bintana ay yari sa mumurahing materyales na maaring masira agad kung dadaanan kami ng bagyo.

"Mukhang sinusuri niyong maige ang lugar my lady," sabi ni Wilbert sa 'kin habang pumapanhik kami sa hagdan papunta sa aking silid.

"Kailangan masuri bawat sulok hanggat maaga para maisabay sa kailangan ayusin agad-agad," sagot ko sa kaniya at ngumiti naman siya sabay tango.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now