♕CHAPTER 44♕

1.8K 50 10
                                    

VIGGO

♕♕♕

Masukal na damuhan, matataas na puno at mga bundok ang nakapaligid sa 'kin ngayon.

Hindi ko alam saan ako mag-uumpisa pero nais ko sana makahanap ng lion na nais ni Cana.

Kanina pa rin ako paikot-ikot sa masukal na gubat na ito pero ni isang usa o ano mang hayop ay wala akong mahanap.

"Saan ba ang parte na maraming hayop?" Tanong ko sa sarili ko habang binabaybay ang daan sa gubat.

"Ilang lion ba ang gusto niya?" Muli kong tanon at napangiti nang makita ang pulang laso na nakatali sa palapulsuhan ko.

Kailangan kong bilisan dahil gusto ko na agad makabalik sa tabi niya, ayokong pakabahin siya o pag-intayin pa kaya naman agad kong pinatakbo ang kabayo ko papasok pa sa masukal na parte ng kagubatan kung saan maari akong makahanap ng lion na nais niya.

Ngunit sa pagpapatakbo ko ay bigla tumigil ang kabayo ko at nakita kong nakaharang sa daraanan ko ang crown prince.

Masama ang tingin niya sa 'kin at halatang hindi nais makita ang pagmumukha ko, tahimik siyang nakatingin sa direksyon ko at para bang iniisip kung susugurin o papatayin niya ko hanggat wala pang tao sa paligid.

Pero ayoko ng gulo at ayoko naman na siya pa ang mapatay ko, kaya naman ako na ang kusang umiwas sa kaniya dahil iyon ang paulit-ulit na bilin sa 'kin ni Cana.

Kailangan kong makaiwas sa gulo at dapat hindi ako magdulot ng kahit anong sakit niya sa ulo kung hindi katakot-takot na sermon ang makukuha ko.

Ngunit hindi pa ko nakakalayo ay agad ko nang narinig ang sigaw at tawag niya sa pangalan ko.

"Viggo!" Tawag sa 'kin ng crown prince at wala na kong na gawa kung hindi itigil ang pagpapatakbo ng kabayo at lingunin siya.

"Yes your highness?" Magalang kong tanong at patagong tinignan ang buong paligid kung may iba pa bang tao na maaaring makinig sa pag-uusapan naming dalawa.

"Anong mayroon sa inyo ni lady Kiera?" Direksya niya tanong at halata sa mga mata niya ang pagkainis sa 'kin.

"Wala po you highness," maikli kong sagot kahit na gusto kong ipagmalaki sa kaniya na nobya ko na si Cana ay hindi maaari dahil alam kong hindi pa ko nababagay sa kaniya.

Nais kong ipaalam sa kanilang lahat na nagmamahalan kami ni Cana kung ganap na kong may ipagmamalaki at may ibubuga para wala silang masabi at hindi madamay ang reputasyon ni Cana bilang noble lady..

"Pinaka-ayoko sa lahat ay iyong sinungaling," saad niya at napabuntong hininga na lang ako at hindi na siya sinagot.

"Kung wala na po kayong ibang nais sabihin ay mauuna na po ako sa inyo," sagot ko sa kaniya at akmang papandarin na ang kabayo ko nang may biglang tumamang palaso sa puno na nasa harapan ko.

Napalingon ako sa crown prince at may hawak siyang palaso na nakatutok sa 'kin. Diretsyo ang kaniyang tingin at kitang-kita sa mga mata niya na hindi siya nagdadalaang isip na ituloy ang pagpana sa 'kin.

"Magsisinungaling ka o papanain ko ang bungo mo?" Tanong niya at hindi ko alam bakit nais kong ngumiti sa harap niya para lalo siyang asarin.

Blood Contract with her Royal VillainessOnde as histórias ganham vida. Descobre agora