♕CHAPTER 32♕

2.5K 70 2
                                    

CANA ANNALIS

Akala ko hindi na ko matatakot kay Viggo pagtapos ng mga nangyari sa 'min nung nakaraang araw. Akala ko hindi na ko kakabahan sa mga titig niyang direkta sa mga mata ko.

Pero akala ko lang pala iyon, dahil ngayon sobrang bilis na naman ng tibok ng puso ko, hindi dahil sa napapakilig niya, ko kung hindi dahil sa narinig niya ang sikreto ko.

Para akong nabuhusan nang malamig na tubig na dahilan nang pagkagising ko sa pagkakalasing, hindi ko alam ano ang sasabihin ko sa harap niya habang sinusubukan niyang basahin ang iniisip ko.

Ako na ang pumutol sa titig na 'yun at yumuko, panay isip ng silusyon sa kagagahan ko.

"Ahmm.. hmm ano," palinga-linga kong sagot sa kaniya habang nilalaro ang mga daliri ko sa kamay na nakapatong sa aking binti.

"Kung ano-anong pangalan pinagsasabi mo, ano bang lenguahe ang mga natutunan mo?" sabi niya at parang kusang iniba ang usapan saka ako kinumutan at pinahiga.

Napatingin naman ako sa kaniya, parang patay malisya na lang siya sa nangyari at hindi na pinansin pa.

Hindi ko alam kung ako lang ba 'to o talagang hinayaan niya kong makatakas sa pagkakadulas ng dila ko? Alam niya bang may nililihim ako at iniintay na lang akong sabihin sa kaniya ang totoo?

Sa tagal ba ng pagsasama naming dalawa ay nakakahalata na siya sa tunay na pagkatao ko at hinayaan na lang ang desisyon na gagawin ko? Napayuko ako at humingi ng paumanhin sa kaniya, "pasensya na Viggo," iyon na lang ang na sagot ko sa kaniya at tinignan niya lang ako sabay taas ng isang kilay.

"Pinagsasabi mo? Matulog ka na at alam kong hindi ka pa rin ganu'ng nakakabawi ng lakas," sagot niya at pinatay ang kandila sa loob ng aking silid ngunit hinayaan na bukas ang fireplace dahil nagsisimula na lumamig ang klima at ito lang ang panlaban sa lamig ngayong gabi.

Sinundan ko lang siya ng tingin habang dinadagdagan niya ng panggatong ang amoy para tumagal pa ang apoy nito hanggang kinabukasan.

Sinusundan ko lang bawat galaw niya sa loob ng silid at hindi ko maiwasan isipin 'yung nangyari nung nakaraan, na ayos na naman namin ang hindi pagkakaintindihan pero ang tanong— ano bang mayroon sa 'min?

Master and slave with benefits?

"Viggo," tawag ko sa kaniya at napalingon naman siya sa 'kin habang sinasara niya ng bintana.

"Ano 'yun?" Tanong niya at lumapit sa 'kin saka umupo sa dulo ng higaan.

Napalunok ako, hindi ko alam kung itutuloy ko ba ang pagtatanong sa kaniya sa kung anong lebel namin.

Pero na isip ko baka ako lang 'tong masyadong nag-iisip? Na baka ako lang 'tong nag-aasume na dapat may roong kaming lebel?

"Ano 'yun?" Muli niyang tanong at iniba ko na lang din ang usapan.

"Wala lang, gusto ko lang matanong kung ayos ka lang?" Tanong ko sa kaniya at kasual lang siyang tumango.

Ito 'yung iniisip ko eh, baka ako lang 'tong kabado masyado pagkami na lang dalawa ang magkasama, na baka normal na sa kaniya 'yun o hindi kaya baka iba naman ang rules pagdating sa relasyon ng mga bampira.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now