Chapter Twenty Seven

1.7K 34 16
                                    

*Hazell

Hindi ko na alam kung ano na ang aking gagawin. Paano na ito? Makakaya ko bang pakinggan ang paliwanag niya?

"Anak" si Mommy na kumakatok sa pinto.

"Mom?" Anong ginagawa niya sa labas ng pinto ko.

"Pwede ba tayong mag-usap? buksan mo ang pinto my princess." naiiyak ako.

Tumayo ako at binuksan na ang pinto.

"Pasok ka po Mommy"

Umupo ako sa aking kama na tinabihan ako ni Mommy at hinaplos haplos ang aking mukha.

"Anak, subukan mo kayang kausapin at pakinggan ang paliwanag ni Ezequel?"

" Hindi ko po alam Mommy, hindi ko po alam kung papaniwalain ko pa po ba ang explanation niya. I dont know what to do anymore."

Wala akong planong kausapin siya ngayon, I need some space from him.

"Anak, hindi kita pipilitin. Pero para naman sa anak niyo gawin mo ang nararapat."

"Princess!!!! Si Ezequel nagwawala sa labas" Nagulat nalang ako ng pumasok sina kuya sa kuwarto ko.

"Ha? Sinabi ko na sa kanyang I need to rest!!"

"Nasuntok na siya ni Harvin at Daddy sa sobrang gusto niyang makita ka" Harlie

"Sige. bababa na ako kuya, Mommy kakausapin ko po siya na umuwi at bumalik nalang po bukas."

Tumayo na ako at bumaba papunta sa gate namin, nakita ko si Ezequel na nakayuko at sobrang dumi ng kanyang damit.

"Ezequel" tawag ko sa kaniya. Mabilis siyang humarap sa akin na nanlalaki ang kaniyang mga mata.

"Honey" Kinuha niya ang kamay ko  at niyakap ako ng mahigpit habang ang kanyang labi ay hinahalikan ang aking leeg.

"Im sorry, I miss you. Please hear me out" sinasabi niya iyan habang patuloy siya sa pag amoy at paghalik sa aking leeg.

Tinutulak ko siya para makita ko ng maayos ang kanyang mukha, at natagumpay naman ako at nakita na may pasa siya sa tabi ng labi at sa mata, pero pogi pa din siya.

"Look at me."

"You are drunk Ezequel, go back tomorrow okay? We will talk tomorrow when you are not drunk na"

"No, I want it now. Please Honey." napakatigas talaga ng ulo. Huwag kang magmamana sa Daddy mo ah baby.

"Kung ayaw mo bukas, edi wag."

"Fine, babalik ako bukas ng maaga para kausapin ka ah?" parang batang tanong niya pa sa akin.

"Oo, I promise."

"Okay. I love you" He kissed me and after that sumakay na siya sa sasakyan niya.

My Possesive Bestfriend To My Possesive BoyfriendWhere stories live. Discover now