Chapter Twenty

4.8K 75 15
                                    

Habang naglalakad kami ni Mommy sa loob ng mall, may napansin akong dress na color white sa harap ng shop.

"Mom I like that dress" sabay turo kung saan nakapwesto iyong damit.

"Puntahan natin at bilhin"

"Good Morning po mga Ma'am, How may I help you?" tanong noong sales lady.

"That dress" turo ko.

Kunuha naman ni ate iyong dress at ibinigay sa akin.

"Isukat muna anak doon sa fitting room para makita natin kung bagay sayo" Mom said. Kahit ano namang isuot ko is bagay sa akin.

Naisukat ko na ito, napakaganda niyang tignan sa akin. Fitted kase siya at nakikita ang shape ng katawan ko.

Pagkalabas ko sa fitting room. Nakita ko si Mommy na may kausap na lalaki.

"Mom" tawag ko kay mommy habang naglalakad ng papalapit sa kanya.

"Hazell, come here. Nakita ko si Emman na nagshoshopping din kasama mommy niya"

Ang laki na ng pinagbago ng itsura ni Emman. Guwapo naman talaga siya dati pa e, matikas din ang pangangatawan niya at matangkad siya sa akin pero syempre mas guwapo at matangkad parin si Ezequel.

"Hello Emman" bati ko sa kanya ng may ngiti sa labi.

Napansin kong may dumaan na sakit sa kanyang mga mata. Pero agad ding naglaho iyon sa isang iglap.

"Hi Hazell, How are you?" masayang tanong niya na nangingislap pa ang kanyang mga mata.

Nagagandahan parin siguro siya sa akin hanggang ngayon.

"Okay na ako, ikaw Kumusta na?" tanong ko sa kaniya hindi na ako nakakaramdam ng sakit at galit sa kaniya. Minahal ko din naman siya.

"Pinipilit na magpatuloy sa buhay" sabi niya ng may lungkot sa kaniyang boses.

"Tita Mauna na po kami, may gagawin pa po kase si Mama" paalam ni Emman.

"Okay Hijo, ingat kayo." sabi ni Mommy sa kanila.

"Bye Tita, Bye Hazell"

"Bye Emman"

Pagkaalis nila is nagpatuloy kami ni Mommy sa pagshoshopping ng makaramdam ako ng pagkahilo at bigla nalang nagdilim lahat ng paningin ko.

My Possesive Bestfriend To My Possesive BoyfriendWhere stories live. Discover now