Wattpad Original
There are 7 more free parts

Chapter Two

710K 13K 1.1K
                                    

May kaba sa dibdib na pinagmasdan ni Sheila si Mrs. Legaspi habang kumakagat ng dala niyang cupcake. Kapag pumalpak na naman siya rito, sa kangkungan na talaga sila pupuluting mag-iina. Nakita niyang napapikit ang ginang. Mayamaya uli, kumagat na naman. Pero hindi pa rin nagsasalita. May kulang kaya sa timpla niya?

"Ang sarrraaap! Grabe! This is the best cupcake I have ever eaten!" eksaheradang komento nito. Dinilaan pa ang frosting na dumikit sa kamay.

Ang tensed na tensed na mukha ni Shiela ay biglang napangiti. "Talaga po?" excited pa niyang tanong.

"Oo naman. Pupwede mo ba akong gawan para sa birthday ng anak ko bukas? Kaya mo bang gumawa ng singkwenta agad-agad?"

"Opo! Pupwede ko na pong gawin ngayon at idedeliver ko na rin bago po kayo umuwi mamayang hapon."

Hinuli ng babae ang dalawa niyang kamay.

"Pasensya na talaga sa nangyari noong isang araw, ha? Naramdaman ko ang masidhi mong pangangailangan sa trabaho. Kung may maitutulong nga lang sana ako sa iyo, nagawa ko na. Kaso lang, policy na talaga ni Sir Magnus na huwag tumanggap ng batang sekretarya. Kaya kung napapansin mo, puro gurang na ang mga staff ng top executives namin."

"Wala po iyon. Naiintindihan ko po siya. Kahit hindi naman po sa isyu ng edad, palagay ko hindi pa rin ako nababagay sa ganoong posisyon. Kulang na kulang pa rin po ako sa karanasan. Desperada lang po akong makahanap ng trabaho kung kaya kahit ang ganoong trabaho ay inaplayan ko na."

"Mabuti naman at hindi mo ininda iyon. Hayaan mo. Tutulungan na

lang kita sa ibang paraan. O siya. Hindi na kita pipigilan dahil alam kong magbe-bake ka pa ng cupcakes ko."

"Maraming salamat po, Mrs. Legaspi."

Sa sobrang kasiyahan, tinakbo na ni Sheila ang hagdan pababa. Muntik na tuloy niyang mabangga ang nakasalubong. Buti na lang nakailag ito.

"Ikaw na naman? What are you doing in my building? Didn't I make myself clear? You're not qualified for the job!"

Kung kahapon, medyo tiklop ang tuhod niya dahil nagbabakasakali siyang i-consider nito sa trabaho, this time ay wala na siyang pakialam sa iisipin nito. She held her head up high at buong tapang na hinarap ang lalaki.

"I didn't come here for the job."

Tumaas ang kilay nito at tumingin sa pinanggalingan niyang palapag. Iisa lang ang nag-oopisina roon—ang Human Resources Department.

"Oh, so you went for other positions?"

Ngumisi ito at dahan-dahang pumanhik hanggang sa magkasing baitang na lang sila. Nilapit nito ang mukha sa mukha niya at mariing nagsabi ng, "I assure you Miss Mariano, we have no available jobs for you here. Kahit makapasa ka pa sa HR, ako pa rin ang magdedesisyon kung matatanggap ka o hindi. At nililinaw ko na sa iyo ngayon pa lang na hinding-hindi ka papasa sa akin." Pagkasabi niyon, tumalikod na ito at umakyat ng hagdan.

"Dahil inakala mong pag tinanggap mo ako, madadagdagan ka lamang ng babaeng poproblemahin? Dahil iniisip mong, kagaya ng iba riyan ay magkukumahog din ako sa paghabol sa iyo? Para sabihin ko sa iyo, Mr. San Diego, kahit ikaw na lang ang natitirang lalaki sa mundo, never akong magkakagusto sa iyo. Hindi ko type ang mga aroganteng katulad mo!"

Napalingon ito sa kanya. Tiningnan siya mula ulo hanggang paa at nag-smirk pa. Ganunpaman, parang hindi iyon nakabawas sa kaguwapuhan.

"Do you think I would bother to make you my problem if indeed that happens? Hindi iyan ang dahilan kung bakit hindi kita tinanggap at hinding-hindi tatanggapin. Dishonest people like you who would cheat to get to where they want to be have no place in my company," malamig nitong sagot.

PERFECT STRANGER (WATTYS 2016 winner)Where stories live. Discover now