Wattpad Original
There is 1 more free part

Chapter Eight

576K 10.3K 543
                                    

Naghahanda na silang apat na bumalik ng Maynila nang bigla na lang may dumating na bisita sa mansyon. Natigil sa paghaharutan ang kambal at napatitig sila sa bisita na dahan-dahang umibis sa kararating na sasakyan. Pati ang ina nila'y napatingin din sa bagong dating.

Ang unang nakita ni Sheila ay ang mahahaba at makinis na binting lumabas mula sa driver's side ng kotse. Pagkatapos ay ang mapuputi nitong hita na litaw sa suot nitong bestida na siguro'y mga anim na pulgada ang layo mula sa tuhod. Nang tuluyang iluwa ang isang sopistikadang babae na kaagad na lumapit kay Magnus at humalik sa pisngi nito, may naramdamang kakaiba si Sheila. Kinumpara niya agad ang sarili sa babae at nakaramdam siya ng panliliit.

"Who are they?" maarteng tanong ng bisita kay Magnus at sinulyapan sila. May talim sa mga titig ng babae.

Instinctively, napahawak agad si Shiela sa dalawang bata. Bahagya niyang tinapik ang balikat ng mga ito para sawayin na huwag nilang pakatitigan nang mabuti ang bagong dating.

"They're mom's friends," sagot naman ni Magnus sabay sulyap sa direksyon nila.

"I didn't know Tita Minerva has poor friends."

Hindi na sumagot doon si Magnus. Sa halip, pinaliwanag nito sa babae na hindi na siya magtatagal sa Baguio dahil may mga naghihintay na trabaho sa Maynila.

"Are you just driving to Manila?" maarte pang tanong ng babae.

"Yeah," kaagad namang sagot ng lalaki.

"Nasaan ba ang helicopter n'yo?"

"Ginagamit ni mom."

May helicopter sila? Kung sa bagay, sa yaman ng pamilya nila, hindi na iyon dapat ikabibigla. Ang dinig pa nga niya, mayroon din daw silang sariling eroplano.

Kung si Sheila'y sinarili niya ang pagkamangha, ang mga bata'y hindi nakapagpigil. Inurirat nila si Magnus. Parang wala silang pakialam na nadoon pa ang bisita.

"May alicopter ka?" excited na tanong ni Marius.

"Anong alicopter ka riyan?" sabi naman ni Markus. "Haricopter kaya iyon," pagtatama niya sa kakambal. Tumingin pa siya kay Magnus na parang proud na alam niya kung paano iyon bigkasin nang tama. Imbes na sumagot, ginulu-gulo ni Magnus ang buhok ni Marius at ngumisi pa. Samantala, napatitig naman sa dalawang bata ang babae at napaismid.

"E nasa'n na ang halicopter? Gusto ko sanang sumakay doon," tanong ni Marius. Sinundan-sundan pa si Magnus.

"Magnus, I'm thirsty. I want to drink some orange juice," sabi ng bisita.

Tinawag ni Magnus ang isa nitong katulong at humingi ng inumin.

"Why don't we go inside?" suhestyon ng babae at nauna na itong maglakad papasok sa loob ng mansyon. Pero nang hindi sumunod ang binata, napalingon ito at napahalukipkip. Tinawag uli ang lalaki.

"Manang will take you inside," sagot naman ni Magnus at sinenyasan pa ang isang katulong na samahan ang bisita sa loob. Siya nama'y naging abala sa pagbibigay ng instruksiyon sa driver tungkol sa mga dadalhin niyang bagahe sa Manila. Ang mag-iina naman ay naghihintay lang sa isang tabi.

Nang umungol ng pagpoprotesta ang seksing babae, napatingin dito ang tatlo. Nagtama uli ang paningin ng dalawang babae. Si Shiela ang unang umiwas ng tingin lalo na nang maramdaman ang inis ng bisita sa kanila.

Tila bingi naman si Magnus sa reaksyon ng bisita. Ni hindi ito tumigil sa pakikipag-usap sa driver niya kung kaya naiinis na pumasok ng mansiyon ang babae. Nang wala na ito sa paligid kaagad na napasabi ng, "Hay salamat!" ang kambal at eksaheradong bumuntong-hininga. Napatingin tuloy sa kanila si Magnus. Nagtatanong ang mga mata.

PERFECT STRANGER (WATTYS 2016 winner)Where stories live. Discover now