Prologue

52 0 0
                                    

Chandler.

"Nasan po sila?"

"Nandoon sa kwarto ni Bryann umakyat ka nalang daw don"

"Ah sige manang salamat ah." Sabi ko rito at tumango naman ito bilang tugon.

Mabilis akong tumakbo paakyat ng hagdan at pumunta ng ika tatlong palapag kung nasaan ang kwarto ng kaibigan ko. Bakit naman kasi sa pinaka tuktok pa ng bahay nila yung kwarto niya. Napangisi tuloy ako ng maalala ang dahilan. Kinuwento niya samin na mas maganda daw kung sa pinakatuktok at kulob ang kwarto niya ng saganon ay hindi marinig ng striktang nanay niya kung ano man ang ginagawa katarandatuhan niya sa mga babae niya. Nabilib ako sa naisip niya at the same time naawa din sa mga babae niya. Papaano banaman! Hirap na hirap tumalon ang mga babae niya sa balcony niya makatakas lang sa nanay ni Bryann.

Nasa pangalawang palapag pa lamang ako ay rinig na rinig ko na ang iyong ng mga kaibigan ko kaya minadali ko na ang pag akyat.Nang nasa tapat na ako ng kwarto ay hindi na ako kumatok kaya hindi nila namalayang nakapasok na ko.

"Pare ano? malapit na ang bakasyon pero hanggang ngayon wala parin tayong balak?" Rinig kong sabi Bryann

Nakatalikod sila sa akin at nakaharap sa telebisyon mukhang may pinapanood na movie. Lumapit na ako sa likod nila at dumaklot ng kinakain nilang chips kaya gulat itong napatingin sa akin.

"Oh! Chad darating ka pa pala." Nang aasar na tono ni Wacks.

"May dinaanan pa kasi ako... Sa bilyaran" Palusot ko. Totoong may dinaanan ako pero hindi sa bilyaran.

"Pare pinuntahan niya yung kalandian niya" Biglang singit ni Terence kaya napatingin ako sa kanya. Nawala sa isip kong tinawagan ko pala siya para sabihin kung saan ako pupunta kanina.

"Di ko na fling yun" Tanggi ko at patalong humiga sa kama roon at kinuha ang isang komiks na nakapatong sa lamesa.

Sana nga hindi ko inentertain yun. Hindi naman na siya counted.

"Oh anong nangyare parang noong isang araw pinagmamalaki mo pa saming fling mo na yung babaeng yon" Natatawang sabi ni Bryann na hindi nakatingin sa akin.

"Eh wala eh... ganoon talaga" Balewala kong sabi.

Ang totoo ay may nakakahiyang dahilan kaya nakipag break ako don sa ex fling kong yon.

Sino ba namang siraulo ang hindi makikiapg break kung niloloko sa tunay na kasarian nito?

"Alam ko yung dahilan," Bigla akong napalingon kay Terence. Nakatingin lang rin ito sa akin.

"Ano yun?" Tanong nilang lahat

"Pare naisahan yung tropa natin," Natatawang sabi nito. Nambibitin.

"Oh ano na nga?"

"Pare ano ichika ko na ba?" Pang aasar sa akin ni Terence na gumamit ay gay words. Hindi ko siya sinagot kahit namang sabihin kong wag niyang sabihin ay itutulog niya ito. "Ganito kasi yan mga pare... Naisahan yung kabarkada natin," Pag uulit niya.

"Tangina naman neto! puro ka naisahan! paano nga naisahan?" Pigil ang inis na tanong ni Bryann.

"Pare k-kase," Hindi pa man niya nasasabi ito ay natatawa na. "Pare kase yung akala ni Chad na bebot niyang kalandian ay may sabit pala" Pagpapatuloy niya.

Mabilis kong hinagis sa mukha niya ang binabasa kong komik kaso sa kasamaang palad ay hindi ito sumakto sa mukha niya. Tumayo ako pag katapos ihagis ito at dumiretso sa banyo sa loob ng kwarto.

Ayoko marinig ang susunod niya sasabihin! dahil Jahe yon! Buong buhay ko ngayon lang ako naisahan ng ganito. Matinik ako sa mga babae pero gaya nga ng sinabi ko babae.. babae lang.

The BarkadasWhere stories live. Discover now