Chapter 2

26 0 0
                                    

Chandler.


"kairita". Bulong ko. Saan naman ako hahanap ng photographer. Nandito ako sa viewdeck ng mall at nag iisip matapos kong maglaro sa arcade.

"Kung ako nalang kaya, marunong naman ako magpicture". bulong ko sa sarili at kinuha pa ang cellphone ko.

"Chad?". Napalingon ako sa gawing kanan ng may tumawag sa akin

"Mica?". Saad ko ng makita ang dati kong classmate noong highschool. Gulat pa ko ng makita si Jackie sa tabi niya na nagtatakang nakatingin sa akin.

"Oh yes. Long time no see playboy!". Natatawang bati nito sa akin at nakipagbesohan.

Playboy pa nga. Napatingin ako kay Jackie ngunit busy na ito sa pagcecellphone.

"not anymore Mica". Awkward na sabi ko.

"Really?". Natatawang sabi niya na akala mo ay may sinabi akong joke.

"anong ginagawa mo dito?". Pag iiba ko.

"Wala naman nag iikot ikot lang, uh by the way this is my friend Jackie". Sabi niya at bahagyang hinatak si Jackie na walang pakialam sa paligid niya.

"Hi Jackie! I'm Chad". Pagpapakilala ko sabay kindat na ikinakunot ng noo ni Jackie, siya namang ikinatawa ni Mica.

"Wag siya Chad, nag aaral mabuti yan". Biro nito. Ngumuwi naman ako. Bakit? Ako ba ay mukhang hindi nag aaral nang mabuti? "E ikaw anong ginagawa mo dito Chad?".

"Wala..ano.. libang lang". Sabi ko ngunit napaisip din.

Maraming kaibigan ito si Mica, baka may kakilala siyang photographer.

"That's nice, by the way una na kami. Nice to see you again Chad". Paalam nito ngunit pinigilan ko.

"Wait". Sabi ko taka naman siyang tumingin at ngumisi.

"Why Chad?".

"May kakilala ka bang photographer?". Tanong ko.

"Yup meron, bakit?". Tanong din nito.

"Birthday kasi ng pinsan, kailangan ng photographer". Sagot ko.

"What a destiny". Natatawang sabi nito na kinataka ko. Nakita ko naman si Jackie na mukhang interesado sa usapan namin.

"pwede mo bang bigay sa'kin ang number ng photographer na 'yan badly need na kasi". Sabi ko at inilabas ang phone ko.

"Sure".

"Teka sino ba yang photographer na 'yan". Tanong ko. Ngumiti naman siya at hinatak ang kasama.

"My friend, Jackie".

***

"what? You mean.. wala ng photographer sa debut ko?"

Pag kauwi ko ng bahay ay yung pinsan ko agad ang bumungad sa akin nasa gate palang. Binalita ko sa kanila na hindi sumipot sa lugar na pinag usapan yung inarkela nilang photographer, at nagtext din sa akin na cinancel na yung reservation nila.

"Oo kaya umiyak ka nalang ." Sagot ko dito habang kumakain ng salad.

"Ano?.. I hate you Chad! Ma pano na?" Tanong nito kay Auntie.

"Okay dont worry.. susubukan kong humanap okay?" Pagpapalubag loob ni Auntie dito sa babaeng maarte.

Nag iisa at unica ija itong pinsan ko kaya masyadong spoiled ng mga magulang niya. Ang pangit nga lang ay masyadong lumaki ang ulo at naging tamad dahil alam niyang kahit hindi siya kumilos ay makukuha niya ang kanyang gusto sa pamamagitan ng pagrequest ng kung ano ano sa magulang niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 19 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The BarkadasWhere stories live. Discover now