Chapter 1

49 0 0
                                    

Chandler.


"wala na bang ibibilis 'tong sasakyan mo?".

Muntik na 'kong mabingi sa sigaw na iyon ni Francis.

"Puta! Hinaan mo nga boses mo". Sigaw ko rin habang dinudutdot ng isang daliri ko ang aking tainga.

Pinabilis ko ang andar ng sasakyan dahil kaunti nalang ay mabibingi na ako sa sobrang lakas ng mga reklamo niya.

Nakarating na kami sa restaurant nila, napakaganda ng disenyo nito. Vintage style ang itsura ng resto. Hindi ito ganoong kalakihan katulad ng mga pangkaraniwang resto. Siguro ay pang tambayan lang talaga ang ganitong resto.

Bago bumaba si Francis ay dali dali siyang nagpalit ng kaniyang damit. Isinuot niya iyong binigay noong babaeng tshirt sa akin. Nagtanggal din siya ng ilang kolorete at abubot na pambabae sa kaniyang katawan.
Isang mukhang lalaking lalaking Francis ang tumambad ngayon sa akin.

"Ayos a". Natatawang sabi ko habang nakatingin sa kaniya nang makababa kami sa sasakyan.

"Ulol". Sagot niya.

"Anong trip mo ba't ka nagbihis?" Tanong ko.

"Francisco!". Hindi niya nasagot ang tanong ko nang mat sumigaw na isang lalaki na kalalabas lang sa resto. Batid kong ito amg tatay niya.

"Pa, sorry ngayon lang daming humarang na chicks". Halos gustong bumulwak ng tawa ko matapos marinig ang napakalalim na boses ni Francis. Napatingin silang dalawa sa akin ng bahagyang napaubo ako sa kakapigil ng tawa kaya bahagya akong siniko ni Francis.

Ang lalambot lambot na si Francis ay biglang naging maskuladong lalaki ngayon.

"O, sino itong kasama mo?". Tanong ng tatay niya. Nag aalangan namang tumingin sa akin si Francis.

"Si Chandy po... A si Chad pa". Napaubo pa si Francis habang pinapakilala ako.

"Nice to meet you iho". Nakangiting bati ng tatay niya kaya nginitian ko rin ito.

"Nice to meet you po". Sabi ko.

"Mabuti naman at mayroon ng ipinakilalang lalaking kaibigan itong si Francisco, halos lagi kasing kadikit ang pinsan niya at ibang babae... kung hindi lamang siya chickboy ay iisipin kong bakla ang anak ko". Natatawang kwento nito at nakitawa naman ako habang si Francis ay awkward na nakikitawa rin.

"Chickboy nga po ha..ha..ha". Pilit na tawa ko habang si Francis ay pinandidilatan ako ng mata.

"O siya siya, pakideliver na ang lahat ng 'to Francisco at naghihintay na si madam". Sabi nito at tinuro ang mga kahon na hindi ko alam kung ano ang laman.

Hindi kalaunan ay nagpaalam na ito at muling pumasok sa resto.

"Hindi alam ng tatay mo?". Tanong ko.

"Chandy, salamat pwede ka ng umalis". Sabi sa akin ni Francis hindi pinansin ang tanong ko. Huminga ako nang malalim at iniba na lamang ang usapan.

"Ha? Anong aalis baka may nakakalimutan ka?". Pang aasar ko na ikinakunot niya.

"Ano?". Tanong niya.

"Edi yung favor ko". Sabi ko.

"Psh, alam ko na 'yon, sino ba yang babae na gusto mo". Naiiritang tanong nito. Napangisi naman ako.

"Pinsan mo?".

"Ano? Hindi pwede 'yon Chandy". Agad na tanggi nito.

"Baka may napagkasunduan tayo Fransisco?". Pang aasar ko.

"Sige". Taka akong tumingin nang kaagad siyang sumang ayon akala ko makikipag sapilitan pa e. I really like this gay.

"Yon!". Sigaw ko, nagsulat siya sa isang papel at iniabot sa akin.

The BarkadasDonde viven las historias. Descúbrelo ahora