CHAPTER 7

4.9K 116 0
                                    

CHAPTER 7

ALAS SAIS palang ng umaga ay may kumakatok na sa pintuan ng bahay nila Carisha. Nagtatakang nagtungo siya sa pintuan. Napakaexcited naman ata ni Yunna—

"Ashton?" Napamulagat siya at tumayo ng tuwid sa harapan nito. "Anong ginagawa mo rito ng gantong oras?" Nakakunot ang noong tanong niya rito ngunit hindi ito sa mukha niya nakatingin.

Sinundan niya ang tingin nito at napagtantong sa leeg niya nakatingin ang binata ng masama. Pasimple niyang tinakpan ang kiss mark niya. "Ashton, ano'ng kailangan mo?" Tanong ni Carisha ulit ngunit tinignan lang siya nito ng masama kaya't napaatras siya.

Gumagalaw ang panga nitong dinuro ang leeg niya. "Who putted that kiss mark on your neck?!" He's gritting his teeth in so much angerness.

Nagtataka naman siya kung bakit ito nagagalit samantalang ito naman ang naglagay noon sa kaniya.

Takang nagtanong si Carisha. "Ha? Eh ikaw ang naglagay niyan kahapon." Nag-iinit ang pisngeng aniya. Halatang nagulat ito sa sinabi niya at napaawang ang labi pero walang lumabas na salita sa bibig nito. And then she realize that he's drunk last night. "Hindi mo maalala?"

"A-ako? P-paano ko 'yan..." Parang inaalala nito ang nangyari kahapon.

Naiinis na kwinento ni Carisha ang nangyari kagabi. "Diba nga lasing ka kagabi kaya tinulungan kitang humiga sa kama at tinanggal ko 'yung tux, polo, medyas at sapatos mo tapos kumuha ako ng towel sa banyo, pagkalabas ko nakahubad ka na at nakatakip 'yong kumot sa'yo tapos sabi mo hindi ka nakakatulog ng nakadamit. Tapos nung paalis na ako hinila mo yung kamay ko tapos pumaibabaw ka sa'kin tapos hinalikan mo ako at hinawakan yung dibdib ko! Tapos binigyan mo pa ako ng kiss mark sa leeg bago ka nakatulog. Naalala mo na?!" Halos pasigaw na ang naging tono niya sa huling sinabi.

"I-i did that?" Hindi makapaniwalang anito.

Sinamaan niya ito ng tingin. "Malamang! Alangan naman gawa-gawa ko lang diba?!" Angil ni Carisha rito.

"Eh ba't ka sumisigaw?" Magkasalubong ang kilay na anito.

Umikot ang mata niya, “masama?”

Umiling ito at nagsalita. "Hindi." May sinusupil ang binata na ngiti sa mga labi.

"Kung ganoon, umalis ka na. May pupuntahan kami ng anak ko at ni Yunna." Pagtataboy niya rito.

"Saan?"

"Beach."

"Sama ako." Biglang sabit ni Ashton.

Sinamaan niya ito ng tingin. "Hindi pwede."

"Sige na, please!" Nagmamakaawang anito ngunit umiling lang siya at natutuwa sa pagmamakaawa nito.

"Hindi nga pwede."

"Sige na!"

"Ba't ka sumisigaw?!"

"Hindi...hindi ah." Tanggi ng binata.

"Hindi ka pwedeng sumama, boss, dahil may kumpanya ka." Nakacross-arm na aniya. At, syempre andito parin sila sa labas. Nagmeywang rin naman ito. Para silang magkabitbahay na kaaga-aga e nag-aaway.

"My company can survive for days without me."

Umiling siya. "Hindi parin." Akmang papasok na si Carisha sa loob ng hilain nito ang kamay niya at sinakop ng matigas na malambot nitong braso ang beywang niya. “Ashton!” Nanlalaki ang mata niya sa gulat dahil sa ginawa nito.

"Sige na...please...i wanna be with baby Gabby and... you." Nakangusong anito saka napatingin sa dibdib niyang kaharap nito dahil mataas-taas ang bahay nila at nasa labas ito habang siya ay nasa pintuan.

 Amour Series #1 : Aimer La Maman Célibataire (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ