Chapter 07

34.6K 1.2K 187
                                    

Chapter 07

Sobrang pathetic lang na tuwing bababa ako sa lobby para kumuha ng delivery, may maliit na parte ng utak ko na umaasa na makikita ko roon si Zion.

And then I'd remember that I was the one who ended... whatever it was that we had.

I knew it was the right thing to do—self-preservation, sabi nila. Pero bakit parang hindi naman ako masaya? I still felt like shit. Parang mas maganda na pinagpatuloy ko na lang iyong sitwasyon namin. Because either way, I'd still feel like shit. The only difference was, I'd have way more fun with him.

'Shut the fuck up, Arielle,' I reminded myself.

Huminga ako nang malalim at pinagpatuloy iyong ginagawa ko. Initially, I wanted to go to Sagada, pero iniisip ko pa lang iyong layo nung byahe, tinamad na agad ako. Ayoko namang umuwi sa probinsya dahil magtatanong iyong pamilya ko dahil kakauwi ko lang tapos nandon na naman ako. 'Di ko naman pwedeng sabihin sa kanila na miss ko na sila dahil mas lalo silang magdududa. Hindi kasi ako affectionate na tao. Baka isipin pa ng nanay ko na may sakit ako kapag sinabi ko 'yon.

"Bakit kayo nandito?" I asked, a bit confused nang buksan ko iyong pinto at makita ko both si Gem and Nikki na nandon. Pareho pa silang may hawak na paper bag.

"Welfare check," sabi ni Nikki. Tumango si Gem.

"Okay?"

"Two weeks ka na kaya na hindi nagpaparamdam," sabi ni Gem. Si Nikki naman iyong tumango.

I just shrugged, but I widened the door para makapasok silang dalawa. It was just... weird. Nung tumawag iyong lobby para sabihin na nandito iyong kaibigan ko, I thought na si Gem iyon. Hindi ko alam na nandon din si Nikki. Hindi naman kasi sila close.

"Friends na kayo?" I asked.

"No," sabi ni Nikki. Natawa ako kasi mukhang offended si Gem. "I was really supposed to visit you, but then I saw her sa lobby din."

"Gem," sabi ni Gem.

"What?" Nikki asked, confusion painted on her face.

"Name," sabi ni Gem.

Nikki extended her hand. "My name's Nikki," sabi niya and Gem just groaned in annoyance. Mas mauuna pa ata akong mamatay kaysa magkasundo iyong dalawa na 'to.

Instead of listening to them argue (one way tho dahil si Gem lang naman ata ang naiinis), inilabas ko na lang iyong dala nilang pagkain. Kinuha ko rin iyong maliit kong table at saka binuksan iyon sa may carpet ko. May dala si Gem na dalawang burger at fries habang dalawang crab salad naman iyong dala ni Nikki.

"Kain na tayo," I said.

Nasa isang side ako habang magkatabi sila sa kabilang side. I began to eat and ignored the fact that they were both staring at me. But after a while, na-conscious na rin ako. "What?"

"Are you okay, babe?" Nikki asked.

I nodded. "Yeah. Why not?" I asked as I grabbed another fries.

"I don't know..."

"Okay?" I asked, confused.

"Are you sure?" she asked again, looking really worried.

Tumingin ako kay Gem. Mabilis siyang umiling at saka tinaas iyong dalawang kamay niya. "I swear, wala akong sinabi!"

Nikki looked at me again. "She didn't say anything," she said. "I just kinda figured it out."

Nakakunot lang ang noo ko. What the fuck were we talking about? It wasn't as if bago sa kanila na hindi ako nagparamdam. May mga panahon na mas gusto ko lang talaga mapag-isa. Nababasa ko naman iyong messages nila, but in my head, I categorized them as non-emergency. I mean, if importante talaga, magrereply naman ako.

The Lies That We Tell (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें