Chapter 09

34.4K 1.1K 154
                                    

Chapter 09

"No," I said for the third time. Nandito ngayon sina Gem at Nikki (weirdly enough, my situation brought them closer) para dalhin ako sa isang party kung saan ipapakilala ako sa mga lalaki. I already said no sa Instagram, sa text message, at ngayon, sa personal. Kung may alam lang akong ibang language bukod sa Tagalog at English, malamang sinabi ko na rin 'yon sa kanila.

"Sige na, please?"

Umirap ako kay Gem. "Gusto mo lang makakita ng gwapo, e."

"Duh!" sabi niya.

"Kayo na lang."

"Ikaw nga 'yung main agenda, e," sabi ni Gem at tumango naman si Nikki. Ang weird talaga na sa tinagal-tagal na kaibigan ko silang dalawa, ngayon lang sila naging friends. Kung meron mang magandang nangyari sa whole Zion debacle ko, ito siguro 'yon. Well, at least merong magandang nangyari.

"Wala ako sa mood uminom," I said.

"You don't have to drink," Nikki said. "Duh. When did I ever force you to drink?"

I rolled my eyes. Never niya naman talaga ako pinilit uminom. Nagagalit pa nga 'yan kapag may kaibigan siya na pinipilit ako uminom, e. For her, no means no. Also, you don't need alcohol to have fun. True naman. Mas madalas kasi na nakakairita kapag lasing. Although meron din namang mga fun kasama kapag lasing na.

"Kayo na lang. Pass muna ako."

"I promise Zion won't be there."

I hated how my body had this... reaction at the mention of his name. It had been a whole week since he told me to have a good life. If any, he wished me something good. Dapat matuwa ako doon, 'di ba? It wasn't as if he cursed me to live a miserable life.

"Please?" Nikki asked.

"Di bagay sa 'yo," sabi ko kasi nagpa-cute pa siya.

Umirap siya sa akin. "Please na kasi!" she said, more like her speed dahil mas brat siya kaysa pa-cute.

"San nga ulit?"

"Pob," she said.

"Fine," I replied since malapit lang naman 'yon saka may kainan ng tacos doon na gusto ko. Takasan ko na lang 'tong si Nikki at Gem kapag nakakita ako ng tyempo.

Sobrang mukhang tanga silang dalawa dahil tumambay sila sa condo ko hanggang kailangan na naming umalis. Pinakuha nila ako ng susuotin ko tapos pumunta kami sa condo ni Nikki para doon mag-ayos. I wasn't really planning on dressing up, but Nikki said that as my friend, she would never let me be around hot guys na hindi nakaayos. She said like it's a mortal sin.

"So cute," sabi niya habang kinukuhanan ako ng video.

I tried to cover the camera of her phone. "Wag nga," I said kasi malay ko ba kung naka-follow sa kanya si Zion? 'Di naman sa assumera ako na interesado siya sa ganap sa buhay ko, but still. Ayoko lang na aware siya sa mga ginagawa ko. Pwede ba 'yon?

"You look so hot," Nikki said and Gem gave me thumbs up, too. Feel ko ay bumalik ako sa 2000s era dahil sa flare jeans at black fitted halter neck top na pinasuot sa akin ni Nikki. Na-stress din ako na kumasya sa akin 'yung pantalon niya! Normal na skinny jeans lang kasi iyong dala ko, pero pina-try niya sa akin 'to. 'Di naman ako nag-diet kaya bakit ako pumayat?

Feeling ko rin ay pwede na akong maging disco ball dahil nilagyan niya ng glitters iyong shoulder blades ko pati iyong eyelids ko. 'Di ko alam kung themed party ba 'tong pupuntahan namin. Tinatamad na akong magtanong dahil parang no choice naman ako kung hindi ang pumunta.

The Lies That We Tell (COMPLETED)Where stories live. Discover now