Chapter 20

33K 1K 604
                                    

Chapter 20

Ilang minuto kong pinag-isipan kung pupunta pa ba ako sa party o hindi na. I could just make up some excuse... pero alam ko na alam ni Gem na nagsisinungaling ako. Pero bakit niya ba ipipilit na pumunta ako roon kahit alam niya naman na makikita ko roon si Zion at Nikki? Oo, alam ko sa sarili ko na wala naman kami ni Zion. It was just a shortlived fun for the two of us. Wala ako sa posisyon para magalit sa kanya.

Pero tao lang din naman ako.

Hindi ako ganoon kalakas para makita siya at iyong kaibigan ko na magkasama.

I love Nikki... but god, sometimes I just get so insecure... Na siya, maganda... Na siya, successful... Na siya, kayang kunin lahat ng lalaki na gusto niya.

I just wanted this one guy.

Just Zion.

Tapos kinuha niya pa?

Wala ba akong karapatan na masaktan?

Huminga ako nang malalim. I just needed to get through this day. Hindi gumana sa akin iyong magfocus sa trabaho, o sa sarili, o sa ibang lalaki. Parang therapy na ata ang kailangan ko. I didn't want to be the kind of person who lost her friends dahil lang sa lalaki. I needed to work on myself.

Dumaan muna ako sa 7-11 para bumili ng tubig. Thankfully, pagbalik ko sa condo nila Erick ay wala na akong kasabay doon sa elevator. I was still dreading every step that I took towards the unit.

"Hey," sabi ni Nikki nang buksan niya iyong pinto. Alam ko na inaabangan niya ako na dumating. I knew her. Hindi siya iyong tipo ng tao na magbubukas ng pinto para sa iba. During parties, she'd just sit and drink and have fun. Totoo ata iyong sinabi ni Gem na nase-stress sa akin si Nikki. Bakit? Kasi kahit alam niya na meron kaming history ni Zion, nagkaroon pa rin ng sila?

"Hi," sagot ko na may maliit na ngiti. "Papunta na raw ba si Gem?" tanong ko dahil the sooner that she's here, the quicker I'd be able to get home. Gusto ko na lang mahiga sa kama ko at manood ng kung anuman.

"Yeah, I think they're ten minutes out," she replied.

Ang awkward naming dalawa na para bang hindi namin alam iyong mga sikreto ng bawat isa. She just stood there in front of the door kaya hindi ako makapasok.

"Can I come in?" tanong ko kasi ang weird naman na nasa labas ako.

"Oh, yes, of course. I'm sorry," sabi niya at saka binuksan iyong pinto.

Pumasok ako sa loob. I saw a couple of familiar faces. Nakita ko na sila sa party. I knew them enough to say hi to them, but not enough para maupo ako sa tabi nila. I looked around para humanap ng bakanteng pwesto.

Of course.

Of course ang bakanteng pwesto ay sa tabi ni Zion.

I should sit there and not make anything awkward. As far as the other people here were concerned, I dated Fabian. It would make no sense na ayaw kong maupo sa tabi ni Zion. At kung meron man ngang namamagitan kina Nikki at Zion, I would not want to make things awkward for them kapag nalaman ng mga tao na may history sa pagitan namin ni Zion.

I miss my boring life.

Huminga ako nang malalim bago ako humakbang papunta roon. I tried to tune out Zion. Sandali lang naman 'to. And it wasn't as if he'd talk to me. Come to think of it, we never really talked with other people around. It's usually just the two of us—if he could help it. Sa ibang pagkakataon na may nakakakita sa amin na magkausap, hindi naman 'yon sadya. Kaya hindi dapat ako kabahan na kakausapin niya ako dahil maraming tao sa paligid namin ngayon.

The Lies That We Tell (COMPLETED)Where stories live. Discover now