5

5.1K 393 130
                                    

Ville Jet Abellar

Tinanaw ko ang mga football players sa malaking grounds mula dito sa third floor ng building. Kanina pa dapat ako nauwi kaso may isa akong cliyente na hindi nakapagbayad on time kaya ito at inaabangan ko sa harap ng classroom nila para bogbogin.

Charez! Mas malaki pa nga katawan non sakin.

"Girl, may chika ako." Mahina akong napadaing nang masagi ng bag ang mukha ko.

Galit akong napalingon sa dalawang babaeng parehong naka-bleached ang patay na buhok.

"What? 'Yong mga ka-fling mo na namang mukhang oyster?"

"Gaga, hindi! Mas exciting doon. Yesterday di ba nag-dinner kami nila mom sa resto nila Rocket. And guess who we saw?"

Mabilis akong bumalik sa pwesto ko kanina nang marinig iyong sinabi niya. Aba! Ano na naman kaya ang tea natin ngayong hapon.

Saglit kong sinulyapan ang naghiyawang football players na kasalukuyang may practice game kasama ang mga alumni namin.

"Gaga, sino?!"

"Family lang naman ni Rocket at Blythe."

Napangisi ako. Kahit hindi siya mag-effort mukhang gumagawa naman pala ng paraan ang tadhana para paglapitin sila.

Muling bumalik ang paningin ko kay Rocket na seryosong nakikipag-usap sa mga alumni ngayon. Mukhang tapos ba ang laro nila. Nakaabang pa rin sa paligid niya iyong mga fans niyang ginawang sports ang pagtili. Hindi ko tuloy maiwasang maisip iyong mga teen fiction na binabasa ko sa wattpad dati.

Pakiramdam ko nasa loob ako ng libro at sinusubaybayan ang mga kaganapan sa buhay ng mga bida doon. Napangiwe ako nang tila may pumipilipit sa bituka ko.

Shet. Natatae ba ako? Parang hindi naman.

Hindi din nagtagal iyong naramdaman ko kanina. Kasabay nitong nawala ang naisip ko kanina.

Napakamot ako ng ulo at nilingon ang classroom ni Jasper. Ang tagal naman ng unggoy na 'yon. Kainis.

"Ville!" Speaking of the dibil. "I was looking for you during our break but I didn't see you in your classroom."

Inarapan ko ito. "Neknek mo! Nakita kita kanina sa Coliseum nakikipaglaro sa mga varsity ng school. Lolokohin mo pa ako eh. Pera ko?"

Nilahad ko ang kamay sa kaniyang harapan pero dumaan na lang ang sampung bagyo wala pa ring perang dumadapo sa kamay ko.

"Hoy, Jasper ah. Wala ako sa mood makipaglokohan sa'yo." Isang masamang tingin ang ibinato ko sa direksyon niya pero ang loko nakangite lang sa akin.

Dati ko pa talaga napapansin ang boang na 'to. Mahilig itong mangtrip sa akin. Kapag nagkikita kaming dalawa wala siyang ibang gustong gawin kung hindi ang inisin ako.

"Can't I pay you in another way instead?"

Umasim ang mukha ko sa narinig mula sa kaniya. Okay, gwapo naman siya. Matangkad din at mayaman. Pwede naman siguro?

Mismatch With The PlayboyWhere stories live. Discover now