6

5.3K 409 120
                                    

Ville Jet Abellar

"Sinabi ko na sayo, bakla, masama talaga ugali niyang Rocket na 'yan. Naku nanggigigil ako."

Awtomatikong tumaas ang kilay ko nang magsalita itong baklang gala sa harapan ko. Sarkastiko akong natawa at saka ibinato sa direksyon niya ang isang piraso ng popcorn na nabili nitong si Louise sa labas.

"Kingina ka talaga, halos idugtong mo na nga lahat ng magagandang adjectives sa pangalan niya," ang paalala ko sa kaniya. "Huwag na nga nating pag-usapan ang lalaking 'yan. May alam ka bang bagong raket diyan?" 

Isang linggo na ang dumaan simula nang mangyari iyong sa mall. Agad akong nag-chat kinabukasan kay Rocket na hindi ko na ipagpapatuloy ang trabaho ko sa kaniya. Wala ng point para ipagpatuloy ang trabaho ko. Hindi ko magagawang umakto na parang walang lang sa akin ang nangyari. 

Wala akong pake kung ano man ang iisipin niya sa akin. Pinoprotektahan ko lang ang sarili ko mula sa mga taong kagaya niya. Ito lang ang kaya kong gawin para sa sarili ko. Hindi ko na rin hinintay ang reply niya. Basta 'yon na 'yon. 

"Ay meron! Naghahanap ng tutor iyong amo ng tita ko para sa grade 3 niyang anak. Game ka? Kaso kailangan daw ng resume eh." 

Agad nagliwanag ang mukha ko sa sagot niya. "Walang problema. Kailangan ko lang talaga rumaket ngayon malapit na kasi ang birthday ni mama." 

Napakapit ang mga kamay ko sa bakal na upuan nang bigla niyang hampasin ang lamesa. "OH MY GOD!" 

"ANO BA?!" Ang sigaw ko pabalik at lumingon-lingon sa buong canteen. Napatigil silang lahat sa kaniya-kaniyang ginagawa at napatingin sa akin. 

Isang masamang tingin ang ibinaling ko sa kaniya at hinila siya paupo. "Umayos ka nga!" Ang nanggigigil kong bulong sa kaniya. 

Akala ko matatakot ang loko sa tingin ko pero nanatili ang pamimilog ng mga mata niya, walang pake sa mga matang nakamasid sa amin ngayon. Ang kapal talaga ng mukha ng isang 'to. Hindi ko alam kung paano ko natitiis maging kaibigan siya. Lakas ng tama eh. 

"Hindi ba't birthday mo na bukas?" Ang excited niyang tanong sa akin. "Debut mo na!"

Napaikot ang mga mata ko nang marinig iyon. Alam niyang hindi ako nagc-celebrate ng birthday kaya anong pinupunto ng isang 'to? 

"Alam mong hindi ako nagc-celebrate ng birthday, accla. Wala din akong budget para diyan." 

Hindi ko na maalala kung kailan ako huling nag-birthday. May mga pictures ako dati noong one year old ako na may maliit na birthday party kasama iyong mga yagit naming mga kapitbahay pero hanggang doon lang iyon. Simula nang magkaisip ako, kung paano lang namin malalagpasan ang araw-araw na hindi nanginginig sa gutom ang iniisip ko. 

Hindi ko sinisisi si mama. Kahit kailan hindi ko sinisisi si mama kung bakit kami napunta sa ganitong sitwasyon. Dahil alam ko sa sarili ko at nakikita ko kung paano kami igapang ni mama. minsan kinukulang man kami pero iyong sikap niya? Grabe. Hindi matutumbasan ng kahit ano. 

Kaya kahit hindi ko nararanasan iyong mga pa-birthday okay lang. Basta malusog okay na 'yon. Ang wish ko lang palagi ay sana pahabain pa ni lord ang buhay ko at sana hindi ako magkakasakit. Madami pa akong kailangan gawin at ibibigay sa pamilya ko. 

Mismatch With The PlayboyWhere stories live. Discover now