11

3.6K 283 65
                                    

Ville Jet Abellar

"Dito na lang ako," ang paalam ko kay Rocket nang makita si ta Bebe na nakatayo sa ilalim ng waiting shed. 

Kinunutan niya ako ng noo pero hindi na rin naman siya nagtanong. Tumunog iyong lock ng sasakyan na kaagad ko namang nabuksan. Lakad-takbo ang ginawa ko para lang marating ang kinaroroonan niya.

"Ta," ang problemado kong tawag sa kaniya. "Anong nangyari kay mama?"

Pansin sa mukha niya na galing lang siya sa pag-iyak. Napahilamos siya ng mukha at huminga ng malalim.

"Nahuli ng misis 'yong mister niyang regular sa bar. Boang man ata iyong babaeng iyon at ang mama nimo ang pinagbuntunan ng galit. Pina..." Ramdam kong nagdadalawang isip siyang sumagot.

"Pinabaril man siya, nak. Murag plano talagang patayin siya ba kay hindi man siya tinigilan ui."

Parang biglang umikot ang mundo nang marinig ko iyon kay tita. Nanlambot ang mga binti ko at parang matutumba na sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong dapat gawin anong dapat i-react.

"Ville! Hoy, Ville. 'Wag kang mahimatay, dodong."

Mabilis akong dinaluhan ni tita at tinulungang makaupo. Napatakip na lang ako ng mukha at malakas na napahagulgol.

Bakit kailangang ganito kahirap? Sobrang hirap na nga noong nawala si papa tas ngayon si mama naman. Hindi ko kaya. Mababaliw ako.

"Ta, si mama, ta. Ayaw ko siyang mamatay," umiling ako at mas lalong napaiyak.

Niyakap ako ni tita at alam kong umiiyak na rin siya. Siguro ay pinagtitinginan na kami ng mga dumadaan pero hindi ko na iyon pinansin pa. Sobrang bigat lang ng pakiramdam ko.

"Kakayanin ng mama mo iyon, dong. Magtiwala lang jud tayo niya."

"Bakit si mama pa, ta? Nagtra-trabaho lang naman siya ng maayos. Bakit si mama ko pa? Pano na mga kapatid ko, ta? Ang bata pa nila."

Ano bang nagawa namin sa nakaraang buhay at tila pinaparusahan kami? Alam kong hindi desinte ang trabaho ni mama pero ginagawa lang naman niya ang trabaho niya. Iyong asawa niya sana pinabaril niya.

Ang hayop nila. Ang sama nila. Ang sama-sama nilang lahat.

"Puntahan muna natin mama nimo ha? Nagpahinga pa 'yon. Bumili lang ako ng gamot ni mama mo."

Bawat hakbang na ginagawa ko patungo sa hospital ay mabibigat. Blanko ang utak ko. Ang gusto ko lang mangyari ngayon ay ang makita si mama na humihinga.

Nasa ER pa rin si mama nang marating namin ang ospital. Dahil private itong ospital na pinagdalhan kay mama, may aircon sa paligid, kaya kahit papaanoy komportable naman siya.

"Ma," ang mahina kong tawag sa kaniya kahit alam ko namang hindi siya makakasagot.  "Sabi ko naman kasi ibang trabaho na lang eh. Alam mong delikado, ma."

Gusto kong sisihin si mama pero hindi ko magawa. Gusto kong panagutin ang may sala pero wala akong kakayahan. Ang tanging alam ko lang gawin ay ang siguraduhing okay si mama.

Mismatch With The PlayboyWhere stories live. Discover now