Prologue

194 1 0
                                    

Love Code (Senior High Series #1) Completed
Chasing You (Senior High Series #2) Completed
Until The Last Sunset (Senior High Series #3) Completed
Captured The Remedy (Senior High Series #4) Completed
________________________________________________________
Warning: Every story in this series contains spoilers

Isa… dalawa… tatlo

sa bawat pag bilang ko ay ang unti unting panunumbalik ng mga alaala na nalimot ko na, ilang beses ko man na takasan, para itong ulap na hinihipan ng hangin pabalik.

Apat… lima… anim

ang mga sakit na ayaw ko na muling maramdaman pa, mga sugat na naghilom na, at mga paalam na natanggap ko na.

Hindi kami mayaman sa materyal na bagay, pero pinayaman ako ng magulang ko sa pagmamahal. Kaya hindi ko naramdaman ang hirap at sakit ng isang sirang pamilya, dahil sa magulang ko palang nakikita ko na ang tunay na pagmamahal.

Namulat ako sa tunay at wagas na pagmamahal, na kahit sa hirap ng buhay namin, basta magkakasama ang pamilya namin, ang importante nagmamahalan kami ng totoo.

Tinuruan ako ng magulang kong magmahal, magpahalaga, at umunawa. Kaya ang akala ko, kahit na anong mangyari basta totoo ang pagmamahal kahit mahirap ay ayos lang.

Well, that's the reason why I stayed in a relationship where I'm the only one giving pure love. That's fuck up, but I don't care. Because yes, again the power of L.O.VE.? umunawa.

After being cheated on, I manage to risk it again. I want to try again, I want my pure love to reciprocate, I want my love back, I want to forget the pain of loving a person who chose to hurt me, after giving nothing but a pure heart.

"Sabi nila kapag sobrang mahal mo yung tao, kahit saktan ka ng paulit ulit, balewala ang sakit". Tinignan ko si Alex, at inisip ko na hindi ba parang pag papaka tanga 'yon?

Mali siya.

Ayon ang inilalaban ko sa sarili ko, dahil ang dating pananaw ko sa pagmamahal ay nabago dahil sa paulit ulit na sakit na naranasan ko.

Talo ang nagmamahal ng totoo

Pero hindi ko alam na may iba pa palang kahulugan ang mga sinabi ni Alex sa akin, na akala ko ganon lamang 'yon kababaw.

"Ayoko ng magmahal!". Sigaw ko.

Narinig ko ang mahinang tawa niya. "Magmahal ka ulit, pero sa taong deserve na ng pagmamahal mo".

"Ganon din. Masasaktan lang din ako".

"Mali ka lang ng minahal, pero kaakibat na ng pagmamahal ang masaktan. Hindi ka nagmamahal, kung hindi ka masasaktan".

"Ang dami mong alam sa ganitong topic ah, nagka gf ka na ba?".

Sinandal niya ang siko niya sa railings saka ako tinitigan, habang nakangiti sa akin. "Hindi pa. Bakit mag a-apply ka ba?".

"Magtigil ka huy!". Tumawa siya ulit, saka muling tumahimik ang paligid, tanging ang malakas na hangin na lamang ang naririnig namin.

Tinignan ko ang madilim na kalangitan, napakaraming bituin. Napangiti ako, saka isa isang binilang 'yon. Kasing dami ng bituin ang luha at sakit na naranasan ko dahil sa pag ibig.

"One, two, three, four.." Tinuturo ko, hanggang sa naramdaman ko ang pag hawak niya sa kamay ko, dahilan kaya napa hinto ako at tinitigan siya.

"Don't count the pains, count the pure love you gave instead, Asteria". Seryosong sabi niya.

Matagal kong tinitigan ang mga mata niya, bago muling nag angat ng tingin sa langit. Ang kanina na puno ng bituin, ay natabunan na ng ulap.

Ang madilim na langit na sa tuwing makikita ko ay nakakapag pagaan ng paghinga ko at kasiyahan sa puso ko. Kaya nakaugalian ko na ang pagbibilang ng bituin tuwing gabi.


"Wake up!". Naramdaman ko ang pag alis ng comforter sa katawan ko, binuksan ko ang mata ko at nakita ko si Lia.

"I'm sleeping, can't you see?". Tinakpan ko ng unan ang mukha ko.

"Nakikita ko, kaya nga ginigising kita e".

"Oh come on! Wala akong panahon makipagtalo sayo, pagod pa ako. Do me a favor, give me some peace". Pumaling ako sa kabilang side ng kama ko.

Narinig ko ang paghawi niya ng kurtina ko. "Baka nakakalimutan mong ngayon yung engagement party ni Melai?".

Binuksan ko ang mata ko, at nakita ko agad ang city lights, at ang bilog na buwan kasama ang napakaraming bituin. Nakaramdam ako ng puwang sa puso ko, tila may kulang.

Hindi ko alam na darating ang araw na masasaktan na ako sa tuwing titignan ko ang langit at hindi ko na nanaisin pang bumilang ng bituin sa ilalim ng malawak na kalawakan.

I shut my eyes. Nahinto si Lia sa panenermon sa akin, at narinig ko agad ang pag sara ng kurtina. "S-sorry".

Tumayo na ako. "Give me 30 minutes to prepare".

Hindi na ako nagtagal sa pag aayos, dahil hindi rin naman ako magtatagal dahil wala pa akong tulog mula kahapon. Mabilis lang din kaming nakarating sa bahay nila Melai, doon kasi gaganapin ang party.

Pagdating namin, marami na agad tao. Kaya pumunta na kamo sa assigned table namin, dahil magsisimula na rin ang party. Pinakilala lang si Melai saka ang mapapangasawa niya, they looked so happy with each other.

Eto na naman ako sa pagiging hopeless romantic ko, pero takot naman sa commitment. Hays. The audacity, self.

After non nagsimula na ang dinner, konti lang ang kinain ko dahil wala akong gana, mas gusto ko pang matulog kesa kumain. Kumuha lang ako ng wine saka ako lumapit kay Melai, sinalubong niya ako ng yakap.

"Thank you for coming, I know you are busy".

I smiled. "It's fine. Be happy, okay?".

Nag toss kami ng glass saka uminom, napahinto ako sa pag inom ng marinig ang tunog ng piano. Malakas 'yon kaya kahit ang mga bisita ay natahimik din, at pinakinggan 'yon.

(piano playing..)

♪ ♪ ♪

♪ ♪ ♪

Parang nanlamig ang buong katawan ko, hindi ako makagalaw. Mabilis na bumalik ang ala ala ko noong bata pa lamang ako, kay tagal na non ngunit ng marinig ko ang piyesa ng piano na 'yon, tila kahapon lamang nangyari ang lahat.

♪ ♪ ♪

♪ ♪ ♪

Pinilit kong humakbang, habang nakatingin pa rin sa itaas, dahil nasa ikalawang palapag ng bahay nila Melai nanggagaling ang tunog ng piano.

♪ ♪ ♪

♪ ♪ ♪

Nanghihina ang tuhod ko habang humahakbang, pero wala akong paki alam. Gusto kong malaman kung sino siya? At kung parehong tao lang ba sila ng batang nakilala ko noon.

Hanggang sa matapos ito sa pag tugtog at nag palakpakan ang lahat, saka sila sumigaw na isa pang kanta. Nagbulungan pa ang bisita kung sino 'yon, narinig ko naman ang kapatid ni Melai.

"I think, It's Zeus".

Agad akong napatingin sa lalaking bumababa sa hagdanan, tila napako ako sa kinatatayuan ko ng mag tama ang tingin naming dalawa.

Pito…

Walo…


Nagpalakpakan ang lahat ng makababa na siya, at dire diretsong lumapit sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw, kinakapos ako sa hininga.

He smiled at me. "No matter how far the distance of each star you count, it will be aligned…"

Siyam… itutuloy ko pa ba ang susunod na bilang?

"Aligned just for us".

Counting Stars (Senior High Series #5) Where stories live. Discover now