2

47 1 0
                                    

Chapter 02

Pag ibig ang dahilan kaya minsan nakakapag patawad ang isang tao, kahit gaano kasakit, kahit gaano kahirap, kapag may pagmamahal ka sa taong nanakit sayo mapapatawad mo siya. Ang pamilya ko ang isa sa patunay non, hindi ako kulang sa pagmamahal sapagkat pinaramdam sa akin ng pamilya ko ang tunay na pag ibig.


Kaya akala ko makakatagpo ako ng pag ibig na katulad non sa iba, akala ko nararamdaman ko rin yun kay Angelo… pero hindi.


“Kapag matalino ka academically, bobo ka sa pag ibig”. Sabi ng ibang kaklase ko nang malaman nila na kami na ni Angelo. Nagtataka sila kung anong nagustuhan ko dito, samantalang hindi naman daw matalino si Angelo, at laman pa lagi ng gulo sa section nila.


Hindi ko maintindihan, kailangan ba matalino ka para magustuhan ka? Kailangan ba gwapo/ maganda ka para mahalin ka? Kailangan ba mabait ka para hangaan ka? Ganun ba ang basehan ng tao para magustuhan ka nila?


Lahat ng mga sinasabi nila ay binalewala ko, lahat ng pang aasar, at pang mamata nila sa relasyon namin ay pinasa walang bahala ko. Pero sa dulo heto ako ngayon, nakatingin sa kamay ni Angelo na hawak ng iba.


Masakit palang magmahal, lalo na kung alam mong ginawa mo ang makakaya mo para mag work ito. Kasabay ng pagka wala nila sa paningin ko ay ang pagkawala ng pag asa ko na maayos pa ang lahat sa amin.


“Kasi sasaluhin kita”. Paulit ulit yun sa utak ko hanggang sa pag uwi ko galing school. Parang sirang plaka na hindi na natapos.


Kaibigan ko si Kenzo. Alam niya na kaibigan ko siya, hindi ko maintindihan kung bakit niya nasabi yon? O baka para pagaanin ang loob ko? Naguguluhan ako pero lamang ang kaba na baka tama ang hinala ko. Hindi pwede.


“Posible kayang— Arghhh!!!!”. Tinalukbong ko ang kumot at tumagilid sa kabilang side ng kama ko. “Magkaibigan kayo, Asteria!”.


Huminga ako ng malalim at tinanaw ang langit, walang bituin ngayong gabi dahil nagbabadya ang ulan. Nakatitig lamang ako ng matagal doon, hanggang sa bumuhos na nga ang malakas na ulan. Umupo ako para mas makita ang pagbagsak neto.


“Bakit kaya nagawa ni Angelo sa akin ‘yon?”.


Gusto ko pa ring malaman ang sagot niya, ang dahilan niya. Gusto kong malaman kung bakit? Kasi alam kong naging maayos akong nobya sa kaniya. Naging tapat ako sa kanya, kaya hindi ko alam kung paano niya nagawa sa akin yon.


“Di ba kapag mahal mo hindi mo kayang saktan?”. Naninikip ang dibdib ko at ayan na naman ang luha kong kanina ko pang pinipigilan. “Kasi ako, hindi ko siya kayang saktan”.


Sabagay, bata pa kami kaya naiintindihan ko rin na baka hindi niya pa sineseryoso ang lahat. Pero hindi yon rason para lokohin niya ako. “Dapat sinabi mo na lang na ayaw mo na, Angelo. Hindi yung ganito na iisipin ko kung anong kulang sa akin, para ma justify yung ginawa mong pang loloko”.


Fuck cheater, so disgusted.


Tumayo ako para isara na ang bintana ng may makita akong tao na nasa labas sa tapat ng bintana ko. Lumapit pa ako para maaninagan ito. Pero dahil madilim hindi ko mamukhaan, kahit na ganon alam kong nakatingin ito sa akin. Dahil naka angat ang ulo niya, sinara ko ang bintana, saka ko kinuha ang phone ko nang umilaw ito.


From: Kenzo
Good Night, Asteria :))


Agad akong tumakbo pababa saka naghanap ng payong, lumabas ako at nakita ko na naglalakad na palayo si Kenzo. Kaya binilisan ko pa ang paglalakad para maabutan siya, anong ginagawa niya rito? Saka ang lakas ng ulan.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 24, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Counting Stars (Senior High Series #5) Where stories live. Discover now