1

98 1 0
                                    

Chapter 01

Pagmamahal ang dahilan kung bakit hanggang ngayon pakiramdam ko masarap ang mabuhay, kahit na mapait ang buhay. Pagmamahal ang nagpapanatili sa isang tao sa lugar kung nasaan siya, eto rin ang dahilan kung bakit ayaw netong umalis.


Mahal ako ng mga magulang ko sa paraan na hindi kayang iparamdam gamit ang pera, hindi kami mayaman pero nabubusog nila ako sa hindi materyal na bagay.


Kaya akala ko makakahanap din ako ng pagmamahal na ganun sa ibang tao, kaya sinubukan ko.


"Nakita ko yang si Angelo kanina sa labas ng gate may kasamang babae". Sumbong ng kaklase kong lalaki pagpasok niya sa room.


Tumawa ako. "Ayan ka na naman!". Inabot ko sa kanya yung papel para sa attendance.


"Hala! totoo nga, tarantado talaga yang si Angelo e hindi na nagbago, ewan ko bakit mo nagustuhan yan".


"Hmm? Bakit?".


"Kasi pressy ganito yan, tignan mo ang galing mo naman sa acads, mabait ka pa, maganda ka rin. Ang daming nagkakagusto sayo pero bakit nag titiis ka sa lalaking 'yon".  Tuloy tuloy niyang paliwanag, habang nagsusulat siya ng pangalan niya sa papel.


Nang matapos siya ay kinuha ko na 'to. "May assignment tayo sa TLE magpasa ka na muna, bago ka chumismis".


"Totoo nga kasi! Bahala ka na nga diyan".


Ganon na lang palagi, madalas yon ibalita sa akin ng mga nakakakilala sa amin. Lagi raw nilang nakikita si Angelo sa labas ng gate na may kasabay pumasok, o kaya naman ay may kasama sa ibang lugar.


Pero ni isa walang nakapag patunay non, kaya tinatawanan ko na lang. Siguro dahil ayaw nila kay Angelo para sa akin, at ayoko rin na naapektuhan dahil alam kong isa 'yon sa insecurities ni Angelo sa relasyon namin.


"Angelo!". Nakangiti niya akong sinalubong, break time namin ngayon. Ganito naman kami lagi, susunduin niya ako para sabay kaming kumain.


"Anong gusto mo?". Sabi niya, saka kinuha ang hawak kong notebook.


"Sa canteen na lang tayo kumain".


Tumango siya. "Sige".


Pagkarating namin sa canteen marami ng estudyante kaya sinabihan niya ako na siya na lang ang bibili, tumango naman ako at nag presinta na ako na ang maghahanap ng upuan namin.


Nakita ko agad ang dalawa kong kaibigan sa hindi kalayuan, kumaway lang sila pero hindi na lumapit dahil alam nilang kasama ko si Angelo. Nang makahanap na ako sakto naman na kakarating lang din ni Angelo.


"Nakakainis talaga yang science namin, may kulang lang ako isang activity". Reklamo niya habang kumakain kami.


"Anong activity ba?". Tanong ko.


"Yung sa volcano".


Kinuha ko ang notebook ko sa science saka ko binigay sa kanya. "Kumpleto ako ng activity, tignan mo na lang".


"Talaga??". Kinuha niya ang notebook ko, saka ngumiti sa akin.


Niligpit na namin yung pinagkainan namin pagkatapos, palabas na kami ng canteen ng marinig namin ang ingay. Pagtingin namin si Myla 'yon, kaklase ni Angelo. May nagbibigay kasi doon ng bulaklak, kaya inaasar ng mga estudyante.


"Tara na, mala-late na ako". Aya ko kay Angelo, pagtingin ko sa kaniya diretso siyang nakatingin kay Myla.


"Sagutin mo na Myla!". Sigaw ng isang kaklase nila.


Counting Stars (Senior High Series #5) Where stories live. Discover now