Chapter 33: Bloody Mary

311 0 0
                                    

Creepy story 7
xxx file || horror
April 22, 2023

Nandito ako ngayon sa isang abandonadong mansyon dito sa aming bayan at may dalang malaking salamin para sa paglalaro ng bloody mary.

Di talaga ako naniniwala sa mga multo nagkataon lang na kalat sa buong bayan namin na totoo daw ang bloody mary, pero hindi ako naniniwala kaya nandito ako para patunayan sa kanila na hindi ito totoo.

Sinet-up ko na ang camera para sa video na gagawin ko na magiging ibidensya din ito na hindi talaga totoo ang bloody mary.

May dala din akong kandila at lighter para makumpleto na ang paglalaro nito. Umupo ako sa labas ng bahay kung san nakapwesto ang pinto sa mansyon na ito at sinindihan ang kandila at humarap sa salamin. Medyo nangingilabot ako dahil malamig ang simoy ng hangin dito.

Pinikit ko ang mata ko at sinimulan na ang pagbabanggit ng pangalan na bloody mary.

Saad pa sa naponood ko nung nakaraan ay kailangan labingtatlo ang pagsasabi nito dapat tuloy tuloy ang pagsasambit dito at hindi putol putol.

"Bloody mary, bloody mary, bloody mary... Bloody mary... Bloddy mary..." Nakailang sambit palang ako ng pangalan nya ay nararamdaman ko na ang paglakas ng hangin na para bang may dumadaan sakin o binabangga ako na hindi niya magawa dahil tao ako at isa lamang syang multo.

"Bloody mary... Bloody mary..." Sa pang pito kong sambit ay ramdam kona ang paninikip ng aking hininga at pagkasakit ng leeg ko na para bang may sumasakal sa akin.

Kinakabahan na ako pero gusto ko pa din na patunayan sa mga tao na hindi ito totoo kaya ipinagpatuloy ko pa din ang pagsambit.

"Bloody mary... Bloody mary... Bloody mary..." Sa pang sampong sambit ko ay bigla akong nagulat dahil may kumalabog sa loob ng mansiyon, naiinitan na din ako at pinagpapawisan kahit malakas at malamig ang simiy ng hangin dito.

"Bloody mary..." Pang labing isa at bumibigat na ang akin likuran. Ramdam ko ang bigat na parang may pasan akong isang kaban ng bigas sa likod ko.

"Bloody mary..." Mas lumakas ang ihip ng hangin at biglang nabasag ang salamin sa harapan ko.

Nangingiyak na ako pero hindi ko pa din itinigil ang pagsambit sa pangalan na ito.

"Bloo...dy....mary" sa pang huling sambit sa pangalan na ito ay biglang nawala ang ihio ng hangin, pagkalabog sa loob at ang bigat ng pakiramdam ko.

Humarap ako sa camera at sinabi na hindi totoo ang bloody mary kumabaga ay isa lamang itong kathang isip at gawa gawa lamang.

Papatayin kona sana ang camera ngunit may nararamdaman akong papalapit sa akin humarap ako ng dahan dahan at napasigaw sa nakita ko. Isang babae na naka kulang puti na may dalang krus ngunit ito ay nakabaliktad, may ukit din sa noo niya ang numerong pinaniniwalanaang galing kay sat/nas na ang 666, at naliligo ito sa dugo.

Umatras ako ng umatras para hindi siya makalapit sa akin pero dahil wala na akong aatrasan ay sinakal niya ako. Naiiyak ako dahil sa sakit at takot pilit pa din akong sumisigaw at gustong kumawala sa pagkakasakal niya sa akin.

Totoo pala talaga itong bloody mary kaya nagsisisi ako sa ginawa kong desisyon. Mas hinigpitan niya pa ang pagkakasakal sa akin, isang kamay lamang ang gamit niya pero kaya biyang sakupin ang buong leeg ko.

Ang isa naman niyang kamay ay lumapit sa mukha ko at pilit ipinasok iyon sa mata ko.

"AAAAAAHHHHHHHHHHH TULONGGGGGGGGG!!!!!!!" Pag sigaw ko dahil hindi ko na kaya ang sakit. Hinugot niya ang mata ko. Mas lalo pa akong naiyak dahil wala akong makita. Naramdaman ko nalang na may matulis na bagay ang tumama sa ulo ko at bumagsak sa lupa. Iminulat ko ang natitirang mata ko at ang huli kong nakita...

Ay ang kalahati ng aking buong katawan.

Its_GoldenDarkness || I.G.D

One Shot CompilationWhere stories live. Discover now