Chapter 40: Suicidal Hotline

276 1 0
                                    

Creepy story 10
xxx file || horror
Dedicated to: Moon WP and Ypril M. Castro
June 24, 2023

Ayo'ko na, ayo'ko nang mabuhay. Nakakapagod, nakakastress parang ayaw akong pagpahingahin ng mundo. Andami kong pasan sa buhay nagkasabay sabay. Bakit ganito? Akala ko ba ay pantay tayong lahat dito pero bakit? Bakit?! Gusto ko nang magpakamat*y pero hindi pwede dahil madami pa akong kailangang ayusin sa buhay, madami pa akong kailangang gawin, kailangan ko pang magtrabaho sa pamilya ko, ako na lang ang pag-asa nila at ang mag-aahon sa kanila sa hirap. Pero pagod na'ko. Hindi ba ako pwedeng magpahinga?
         
Nandito ako ngayon sa eskwela kakatapos ko lang nagtrabaho sa part time ko at talagang wala akong tulog. At ngayon ay ginagawa ko na ang mga assignments na binigay sa amin ng prof namin. Sunod-sunod naman ang kailangan gawin at ang problema dahil delay na naman ang sweldo namin. Kakaunti na nga lang ng sinusweldo ko at nadedelay pa.

"Good morning, Honorians!" Boses ng dean na nagmula sa speaker na nakakalat sa buong campus.

Hayyss, announcement na naman.

"Ngayong araw ay wala tayong klase." Napangiti ako dahil sa sinabi at kasabay noon ang paghiyaw ng mga estudyante dahil walang klase.

"Bago kayo magsaya ay hindi pa pwedeng umuwi. At dahil walang klase mamayang 8:00 ay dederetso kayong lahat sa basketball court number 3 dahil may gaganapin na orientation dahil madami sa kabataan ngayong ang nagpapakamat*y. Ang program na ito ay para sa mental health awareness kaya dumalo kayong lahat. Maraming salamat." Napawi ang ngiti ko ng marinig ko 'yong sunod niyang sinabi kasabay din ng mga estudyante na nagrereklamo dahil akala nila ay free time nila ngunit hindi pa pala.

Ayos na 'to at sakto ay kakailanganin ko itong programa dahil ay inaatake ako g thoughts ko na nagpakamat*y.

7:40 na at dumeretso na'ko sa nasabing lugar na gaganapin ang orientation. Madami na ding estudyante dito at sa taas ng stage ay naka ayos na.

20 minutes pa ang hinintay namin para tuluyan nang mag-umpisa ang event.

Nakinig ako ng mabuti sa mga sinabi nila para naman kahit papaano ay gumaan naman ang loob ko at maisip 'to 'pag binabalak kong kitilin ang buhay ko.

Tinatak ko sa isip ko ang mga 'to med'yo natamaan pa nga ako sa mga sinasabi nila dahil sa problema kaya ako nagkakaroon ng anxiety at depression at balak ding kitilin ang buhay.

Natapos na ang orientation at nag bigay sila ng number kung saan pwede ko silang contact-in kung sakali mang gawin ko ulit 'yon. O pag inaatake ako ng depresiyon.

Mabuti nalang at half day kami ngayon kaya katapos sa eskwelahan ay pumunta na'ko sa pinagtatrabauhan ko para kunin na ang sweldo ko.

Nang makarating ay agad na ako nagtungo sa office ng manager namin.

"Boss, meron na ba?" Sabi ko nang may ngit sa labi.

"Nako iha wala pa e baka bukas o sa susunod na araw pa delay pa daw kasi nagkarpon ng implikasyon ang mga nagpapadala ng sweldo para saintong mga crew." Pagpalaliwanag niya kaya nawala ang ngiti sa labi ko.

"Gano'n po ba, Boss? Sayang naman kailangan na namin, e."

"Oo, e. Kaunting hintay nalang iha ha pasensya na talaga kahit ang sa amin ay wala pa."

"Sige po." 'Di pa siya nakakasagot ay umalis na ako. Malas naman talaga ngayong araw.

Umuwi na lamang ako at bungad ng magulang ko sa akin kung meron na ba.

" Wala pa 'tay, e. Delay daw po." Sabi ko habang kinakamot ang ulo.

" Huh?! Wala pa?! E dalawang araw nang delay 'yan ah!" Sigaw niya kaya med'yo natakot ako dahil baka saktan niya ako.

"Eh tay 'yon kasi ang sabi ng manager namin wala pa raw pati nga 'yong kanila ay wala rin daw po." Pagpapaliwanag ko pa.

"Siguraduhin mo lang dahil 'pag nalaman kong tinatago mo lang 'yan sa amin ay tatamaan ka at papalayasin kita sa pamamahay ko." Pangtatakot niya pa.

"Eh pa wala pa nga po t'saka 'di ko naman po 'yon itatago dahil kailangan na natin ng pagkain natin dito sa bahay." Sagot ko sa kaniya.

At alam ko sa sarili ko na kung ibibigay ko naman sa kaniya ay ipangsusugal niya lang at ipambibili ng pang bisyo niya, kaya sa huli ay toyo ang inuulam namin. At tapos ako ang sisisihin niya kung bakit ganoon ang ulam namin.

"Dapat lang dahil wala na rin akong pangsugal at naiinip na'ko na nanonood lang sa mga kaibigan ko 'no ayokong mapahiya dahil wala na akong perang ipangsusugal kaya magtanong ka ulit kung kailan 'yang sweldo niyo." Sabi na nga ba.

Bago pa tumulo ang mga luha ko ay dumeretso na ako sa kwarto ko. Nakakapanghina at nakakapagod kaya wala akong ginawa kundi magmukmok at umiyak.

Sa kalagitnaan ng paglalabas ko ng sama ng loob ay naalala ko ang numero na ibinigay kanina sa orientation kaya ci-nall ko ito. Baka sakaling matulungan nila ako sa problema ko.

"Hello?" Pagtatawag ko sa kabilang linya.

"Hi, tell me your problem and we'll listen. " Sagot naman sa kabila kaya napangiti ako at may pagsasabihan na ako ng problema ko.

" Uhm...." Ani ko na nagdadalawang isip kung sasabihin ko ba. "Kasi nakakapagod na at nakakapanghina dahil 'yong mga pinagpaguran ko ay napupunta lang sa wala dahil pinagsusugal lang ni tatay tapos andami pang bayarin sa school at mukhang 'di ko kakayanin ang gastusin doon at dito sa bahay. Nakakaiyak nga dahil baka saktan nanaman ako ulit ni tatay kasi delay ang sweldo namin ngayon tapos wala na rin kaming makain dahil nga 'yong last kong sweldo ay napunta sa pagsusugal at pang-inom niya ng alak. " Pag o-open ko habang umiiyak.

Narinig ko pang tumawa ang sa kabilang linya kaya kumunot ang noo ko at medyo kinabahan.

" Hello po? " Tanong ko pa.

" Hahahah, sa tingin mo ba hindi 'yon totoo? " Nagulat ako dahil sa sinabi niya.

" H-ha? " Utal na saad ko at napalunok.

" Wala ka naman talagang kwenta diyan. Kung ako sayo ay  magpapakamat*y ka na lang. Ikaw ang problema diyan sa inyo kaya sila naghihirap. Kung wala ka edi sana ay maganda ang buhay ng mga tao diyan sa inyo." Narinig ko pa siyang tumawa sa huli. Dahil sa narinig ko ay tila nabingi ako.

" K-kala ko po ba ay tutulungan niyo ako?" Nanginginig kong tanong.

" Oo, ang hotline na ito ay tinutulungan ang mga tao na magpakamat*y. "Dahil sa sinabi niya ay lalo akong naiyak. Nablanko ang utak ko at tumayo para kunin ang taling nasa damitan ko.

" Ituloy mo na ang pagpapakamat*y mo para matapos na ang problema mo. Sundin mo kami dahil kami ang tama at makakabuti sa'yo. "Pagpapatuloy pa niya.

Para akong nahihipnotismo at walang malay akong naghahanap ng tali na matibay na tamang tama sa pagkitil ng aking buhay. Isinabit ko at itinali nang mahigpit ang tali dito sa bubong namin at sinisiguro kong mahigpit ito. Kumuha rin ako ng upuan at umapak doon. Hinawakan ko ang tali at isinukbit iyon sa leeg ko. Tama siya pagod na ako sa buhay ko at kung gagawin ko ito ay mawawala akong probelam ko. At isa pa tama siya na naghirap kami dahil nandito ako kung wala ako siguro ay giginhawa na ang kanilang buhay. Ngumiti ako bago ko inalis ang paa ko sa upuan at ang tali ngayon mahigpit na nakapalibot sa leeg ko hanggang sa kinakapos na ako ng hininga at mangilo ako. Ilang segundo pa ay unti unti nang pumipikit ang talukap ng mata ko at nawalan ng malay.

Its_GoldenDarkness || I.G.D

One Shot CompilationWhere stories live. Discover now