Chapter 39: Suicidal Forest

385 0 0
                                    

Creepy story 9
xxx file || horror
Dedicated to: Dawn Karsen and Elijah Aki Lonhengrin
June 10, 2023

"Labing tatlo ang muling natagpuang estudyante ngayon dito sa kagubatan na namat*y at kagaya ng mga report noong nakaraang araw ay pinaniniwalaan din na nagpakamat*y ang mga ito."

Yan ang narinig ko sa pagmulat nang mga mata ko. Again? May mga estudyante ulit ang nagpakamat*y? Sa anong dahilan?

"Ayon sa mga nakakita ay nakapulot sila ng mga papel kung saan nakasulat sa mga ito ang pamamaalam ng mga biktima."

Nakakalungkot pero ano kaya ang posibleng dahilan nila kung bakit nila ginagawa 'yon? Hindi pagpapakamat*y ang solusyon sa mga problema hindi ba nila alam 'yon?

"Nakita din ng mga nangiimbestiga na pare pareho lang ang dahilan kung bakit sila nagpakamat*y at ito ang panonood ng-."

Napapikit ako sa inis nang patayin nila ang TV. Panonood ng ano? Nabitin tuloy ako sa balita ngayon. 'yon lang kasi lagi ang inaabangan ko kung bakit nila ginagawa 'yon. Dahil imposible namang mga problema ang dahilan ng mga iyon. At ang nakakapagtaka pa ay araw-araw may nagpapakamat*y doon.

Kasi kung titingnan mo ay imposible talaga na problema nila ang dahilan. Lalo na at sabi sa balita na sa panonood daw posibleng dahilan nito pero anong klaseng panoorin? Ang gulo!

Naputol ang pag-iisip ko nang tumunog ang alarm clock ko. Nanlaki ang mata ko dahil late na ako sa klase. Dali dali na akong tumayo at naghanda na sa pagpasok.
__________

Lunch break na namin at ang nangyari kanina ay literal na nakakapagod. Nalate nanaman ako ng isang subject at nag quiz sila kanina! Yong mga teacher pa naman dito ay hindi na magpapatake ulit kaya panigurado ay may kulang ako. Hayyys bagsak nanaman ata ako ngayon, nakakagig*l naman.

Nadaanan ko ang ibang mga estudyante na nanonood lima sila at medyo familiar sila sa akin dahil top students sila. I'm not sure but feel ko ay lower grade sila. Nakita ko sa likuran nila ang kaibigan ko kaya pinuntahan ko siya. Nadaanan ko din ang lima kahit lingom ay 'di nila ginawa, masyado silang busy sa panonood.

Nang makadaan doon ay lumingon ako sa pinapanood nila, kumunot ang noo ko dahil babae lamang ang nandoon. Hindi gumagalaw, hindi nagsasalita, at tanging music lang ang maririnig doon.

Hindi ko na pinansin at dumeretso na ako sa kaibigan ko para makakain na. Hindi kasi ako nakapag-umagahan dahil sa pagmamadali ko.

Nang makarating ay kumain na ako kaagad dahil may papasukan pa akong dalawang subject at panigurado ay may recitation at quiz doon.  Kaya katapos ko kumain ay nag review na din, para makapaghanda doon pambawi naman kahit sa na absent-an ko kaninang umaga.
_________

Nakakapagod at buti nalang at nag review ako kanina kung hindi ay nagisa ako noong teacher namin sa recitation.

Pauwi na ako sa bahay at nadaanan ko ulit ang limang estudyante kanina. Ngayon namn ay may isinusulat sila na parang nagmamadali sila pagkatapos ay isinilid nila iyon sa sobre.

Titingnan ko pa sana kaso ay hinila na ako ng kaibigan ko, nagmamadali nanamang umuwi.

Bago kami tuluyang umuwi ay bumili muna kaminng tusok-tusok sa tabi ng eskwelahan namin. Grabe at nalimas nanaman ang baon ko, sa susunod talaga ay hindi na'ko sasama sa kaniya nauubos lang naman ang pera ko.

Nang makarating sa bahay ay nadatnan kong nanonood sila ng balita.

"Nhadene diba 'tong nga estudyanteng ito nag aaral sa inyo?" Saad ni tita. Kaya sumilip na din ako sa TV at nakita 'yong limang estudyante kanina na nagsusulat.

One Shot CompilationWhere stories live. Discover now