Chapter 2

364 42 2
                                    

"Carissa, ano, kumusta naman ang pag-bi-break-in sa'yo kagabi ni Koronel?"

"Oo nga, Carissa, binyag mo nga pala kahapon, magkuwento ka naman."

"Akala ko nga hindi papasok ngayon si Carissa, eh. Sobrang libog kaya ng matandang 'yun!"

"Oo, ano. Malibog, manyakis, at higit sa lahat mahilig."

"Kaya nga, pero, bakit nandito si Carissa at mukhang nakakalakad s'ya nang maayos?"

"At mukhang hindi s'ya nakangiwi."

Kantiyaw sa akin ng mga kasamahan ko sa club. Alam kong ginawa nila akong katatawanan, ako kasi ang pinakabata sa lahat ng puta.

"Kayo naman, h'wag n'yo ngang binibiro 'yan si Carissa nang gan'yan, malakas ang backer n'yan!" pagtatanggol sa akin ng isa sa mga bugaw.

"Hoy, Bebet, talagang sipsip kang bakla ka, ano? Pake ko ba kung malakas ang kapit n'yan? Ako pa rin ang nag-iisang superstar dito sa Mahalimuyak! At kung karanasan lang din naman ang pag-uusapan ay walang-wala sa akin itong si Carissa!"

"Ibig mong sabihin ay inaamin mong gurang ka na, Maita?"

"Sabi nang tumahimik ka, eh!"

"Aray! Bitiwan mo ang buhok ko, babaeng haliparot kundi isusumbong kita kay Madam Carlota!"

"Tama na nga 'yan..." walang emosyon kong pahayag.

"Hoy, nagsalita na ang bunso natin, manahimik tayong lahat!"

Kinse anyos ako n'ung 'unang labas' ko. Labas ang terminong ginagamit namin kapag sumasama kami sa customer. Mahina kasi ang pera kapag kumakanta-kanta ka lang. Kung ang isang puta ay kayang kumita nang tatlong libo bawat gabi, ang singer ay hanggang four hundred lang. At kahit na pumapayag kang i-table ay lugi ka pa rin dahil ilang dosenang beses ka nang pabalik-balik sa banyo para maiihi 'yung in-order mong ladies drink at nakailang tsansing na 'yung kustomer sa'yo ay barya pa rin ang kinikita mo.

"Tumahimik nga muna kasi, itong si Bebet at Maita rin, eh, parang aso't pusa minsan. Itanong muna natin kung magkano ang bayad sa pagdonselya rito sa bunso natin."

"Oo nga, malaki ba ang ibinigay sa'yo na bayad, Carissa? Sa lahat ng baguhan, si Ging-ging yata ang pinakamalaki."

"Magkano nga ba 'yung kay Ging-ging? Si Koronel din nakauna d'un, 'di ba?"

"Siete mil 'yung kay Ging-ging," sagot ni Maita.

"At hindi s'ya nakapagtrabaho nang dalawang linggo. Ano ba naman kasi 'yung babaeng 'yun, ayaw na ayaw kaya ni Koronel ang maarte. Siguro may ipinagawa sa kanya na humindi s'ya kaya 'ayun nabugbog."

"Trulagen ka d'yan, Bakla. Pero, malaki na talaga ang presyohan ngayon, ano? Hindi katulad n'ung panahon natin na hindi man lang umabot nang limang libo."

"Tupayb nga lang 'yung sa akin, eh."

"Excuse me..." Nakangising turan ni Maita. "Ibahin n'yo ako..."

"Oo nga, si Maita ang record-holder ng pinakamahal ang ibinayad. Ikaw, Carissa, magkano ang natanggap mo?"

"Beinte mil," walang kalatoy-latoy kong sagot. "Pero, n'ung inawas 'yung komisyon ni Pot-pot, kinse mil na lang."

"Kinse mil?!" halos lumuwa ang mata ng star dancer naming si Maita sa narinig n'ya.

"Magkano nga ba 'yung kay Maita?" pabulong na tanong si Wilma.

Si Bebet ang sumagot. "Ocho mil kasi wala pa namang komisyon ang mga bugaw n'un."

"Bakit ba napakakontrabida mo, ha, Bakla?" Galit ang tono ng boses ni Maita.

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo."

She Will Be LovedWhere stories live. Discover now