Chapter 3

393 39 5
                                    

Kapag binabalikan ko ang usapan naming 'yun ni Leandro ay alam ko at ramdam kong walang halong landi 'yung mga sinabi n'ya sa akin. Mabait lang talaga s'yang tao, pero, dahil na rin naghahanap ako ng gan'ung klaseng pag-aruga ay kinakitaan ko 'yun ng kulay.

"Bakit ngayon ka lang bumalik? Masyado ka naman yatang nagpapa-miss?" tanong ko sa kanya bago ipinulupot ang mga braso ko sa baywang n'ya na dahan-dahan din naman n'yang inalis. "Hmp. Ito naman masyadong konbersatib."

"Ha?"

"Konbersatib, 'yung makaluma. Na-miss lang naman kita kaya kita niyakap, eh."

"Conservative."

"'Yun naman ang sinabi ko, ah."

Isang ngiti ang iginawad n'ya sa akin. "Hindi ako conservative pero hindi tama na basta ka na lang yayakap sa isang lalaki."

"Grabe ka naman, pakiramdam ko talaga kapag ikaw ang kausap ko ay like a virgin ako ni Madonna. O, s'ya, hindi na ako yayakap. Pero, bakit naman ngayon mo lang ako dinalaw? Ikaw rin baka magtatampo na ako n'yan."

"Ang dami ko kasing inaasikaso sa trabaho 'tsaka midterm exams namin kaya busy ako sa pag-aaral. O, kumusta ka na?"

"'Yun lang ang sasabihin mo, kumusta lang? Ang tagal nating hindi nagkita, ah. Mahigit dalawang linggo kaya."

"Nagdesisyon ka na bang ipagpatuloy ang pag-aaral mo?"

"Ikaw, kailan mo ako pag-aaralang mahalin?"

Tumawa s'ya. "Ikaw talaga, masyado kang palabiro."

"Hindi joke 'yun, ano. 'Tsaka sabi nga d'un sa palabas na napanuod ko, jokes is half mend."

"Jokes are half meant," pagtatama n'ya. "Ibig sabihin ay lahat ng biro may halong katotohanan."

"Pareho lang din 'yun. Naintindihan mo naman, eh."

"May dala nga pala ako para sa'yo," sabi n'ya sabay abot ng isang brown envelope sa akin.

"O, ano 'to?"

"Listahan 'yan ng requirements para sa susunod na pasukan. Sinadya ko talaga 'yung eskwelahan malapit doon sa tinitirhan mo para d'yan. Ang sabi n'ung Principal na nakausap ko—"

"Paano mo naman nalaman kung saan ako nakatira?"

"Hindi ba ang sabi mo ay d'yan ka lang sa may bayan? Nabanggit mo na isang sakay ka lang mula rito."

"Nagpapalusot pa 'to, eh, 'di na lang aminin na stalker ko s'ya. 'Nubayan, kinikilig naman ako sa'yo!"

"Dapat hindi ka kiligin sa mga stalkers bagkus ay dapat matakot ka. Bakit, may nag-i-stalk ba sa'yo?"

"Bakit, selos ka?"

"Bakit ako magseselos? Ang sinasabi ko lang ay dapat nag-iingat ka."

"Ito naman kung makapag-deny, eh."

"Hindi ako nag-de-deny. O, ito kunin mo 'tong envelope nang makapag-enrol ka. Dala mo ba ang school records mo—"

"Teka nga muna."

"O, bakit?"

"Leandro, diretsahin mo nga ako kasi sa totoo lang naguguluhan na talaga ako sa'yo, eh."

Kumunot nang bahagya ang noo n'ya. "Bakit, anong problema?"

"Alam mo kung saan ako nakatira—"

"Hindi 'yung mismong tinitirhan mo kundi kung saan banda lang."

"It the same."

"It's the same. It apostrophe s. Contraction kasi s'ya ng mga salitang it is."

"O, bakit hindi na lang kaya ako sa'yo mag-enrol tutal mahilig ka namang turuan ako? Kahit katawan ko na ang pambayad ko sa'yo. Pati laman-loob ko ay ipagkakaloob ko na rin, eh, kasama na puso ko."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 27, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She Will Be LovedWhere stories live. Discover now