Chapter 16✰

196 3 0
                                    

Hawak hawak ko ang litrato ni papa habang nakaupo ako sa sala idinala nanamin siya sa huling hantunggan niya kahapon. Kailangan ko na talagang tanggapin na wala na siya.

2 weeks later.......

"Pat sige na magpaalam kana sa tita mo"

"Bye po tita..."

Aalis na si tita uuwi sa america at ako? Hindi na muna ako sasama mahirap na kasi mag iisa si mama pagkatapos ng libing ni papa. At oo alam na ni mama yung tungkol ki Ethan nabanggit daw kasi ni tita nung nag uusap sila ni mama.

Sabi ni mama ok lang naman daw pero wag muna daw higitan yung label nag aaral pa daw kasi.

"Anak halika nga rito"

"Opo ma" sambit ko tsaka tumabi kay mama.

"Anak anong pangarap mo?"

"Ewan ko po ma... Hindi pa po decided pero kung mamarapatin magiging teacher nalang po ako para makatulong po ako sa mga bata"

"Naku nak teacher rin sana ang trabaho ko ngayon kung pinayagan lang ako ng papa mo. Sabi kasi ng papa mo mapapagod lang daw ako kaya pinagbantay niya nalang ako dito sa bahay hanggang sa dumating ka mas lalo akong naging desididong maging teacher. Tumakas ako noon para kumuha ng licensure exam kaso nung nakapasa ako nalaman ng papa mo apat na buwan ka pa naman noon"

"Grabe talaga ma history mo"

"Ay oo talaga nak"

Ngumiti ako at nagpatuloy mag kwento si mama.

"Alam mo ba nak tumatakas ako sa lolo mo noon para magbenta ng mga toron para may pangdagdag ako sa pag aaral hindi niya kasi ako pinapalabas minsan lalo na't maraming nan liligaw saakin"

Habulin naman talaga kami.

"Ma..."

"Oh nak?"

"Ma natatandaan niyo po ba nung tumakas ako para makasama sa field trip tapos maling bus yung nasakyan ko? Grabe ma halos umiyak na ako nun"

"Pasaway ka kasi"

Nag tawanan kami ni mama.

Maya maya pa nag ayos na kami ng hapag kainan para makatulog na rin.

"Grabe ka Patricia isang school year sa america baka iwan mo nanaman kami kapag may presentation ha?"

"Hindi na noh. Walang kasama si mama sa bahay "

"Eh paano si Mr. Ethan mo?" Sambit ni Xandra.

"Alam mo Xandra kung sila talaga para sa isa't isa matututong maghintay si Mr. Ethan si Patricia nga eh"

"Ayy naku Patricia may chick's na yun"

"Tumigil ka nga jasper! " Usal ni Xandra.

Next year senior high na kami.

Nag lalakad kami ngayon pauwi grabe na miss ko to.

"Patricia... Baka ehem may pag asa pa ang isa diya ... Ehem"

"Hoy tumigil ka nga jasper taken na nga si Patricia binge ka ba?"

"Grabe ka naman sa binge eh binibigyan ko lang naman ng pag asa si ano malay mo"

"Sa tingin ko malabo na ang mata ko... Ikaw pa ba yan jasper? Akala ko mag kaaway kayo dati?"

"Dati na yun noh. Tsaka nag palaya na ako para sayo"

"Ahhh ewww"

"Eww nakakasuka ka talaga"

Hiyawan nila.

𝐈𝐬 𝗧𝗢𝗠𝗢𝗥𝗥𝗢𝗪 𝐬𝐭𝐢𝐥𝐥 𝐥𝐢𝐤𝐞 𝐭𝐡𝐢𝐬? ☕︎𝙲𝙾𝙼𝙿𝙻𝙴𝚃𝙴𝙳☕︎Where stories live. Discover now