Chapter 20✓✰

191 1 0
                                    

Last day of camp. Inayos na namin nila mixy ang tent namin tsaka linagay na ang mga gamit namin sa classroom. Medyo malaki naman ang classroom kaya kasya naman kaming mga grade 10. Mamaya na pala ang evening party.

Lumabas kami nila Xandra sa classroom para maglakadlakad. Nauumay kasi kami sa loob ng classroom. Pagdating namin sa may stage umupo kami sa may upuan tsaka nagtambay. Oo uupo lang kami iba kasi ang umay sa classroom kesa sa labas.

Kinuha ko ang cellphone ko tapos inopen ang data walang wifi. I mean merong wifi kaso ayaw kami ipa connect.

Nag scroll lang ako sa Facebook ng mga kunwari di ko pa nakikitang post pero dalawang araw na talagang nasa timeline ko nakalimutan ko kasing mag paload.

"Psst bili tayo buko juice" pang aaya ko actually may malapit na canteen dito sa pwesto namin pero iba talaga kasi kami. Pipiliin pa naming bumili sa malayo kesa sa malapit.

"Let's go" sambit ni Xandra.

Nagsimula kaming maglakad papunta sa canteen na nasa dulo. Isa rin sa gusto namin sa paglalakad papunta sa malayo eh makikita namin ang designs ng garden na nasa harap ng bawat classrooms. Diba?.

"Luh diba bawal yan?" Sambit ni Mixy at natigilan kami ni Xandra. Akala niya ata bulong lang pero rinig na rinig namin pati na ang sinasabihan niya. Naglalandian kasi. Parang statwa ang dalawa lalo na kami ni Xandra lahat kami naging statwa dahil sa hiya maliban kay mixy na patuloy sa paglalakad para bang wala siyang nagawa.

Maya maya pa naramdaman ko na ulit ang paa ko at sinipa ng marahan si Xandra sa paa niya. Senyales na umalis na kami at tumakas sa kahihiyan na ito. Mixy talaga parang ano.

"Mixy ilibre mo ko buko juice" usal ni Xandra.

Naglakad lang si mixy na parang walang narinig.

"Mixy libre mo ko buko juice" sigaw ni Xandra na naiirita na. Lumingon samin si mixy na blanko ang mukha.

"Ha?" Sambit niya tsaka tinangal ang earpods"

"Sabi ko libre mo ko buko juice pati na rin si pat pinahiya mo kami kanina"

"Ha? Pano?"

"Bigla ka nalang kayang nagsalita doon sa mag jowa na ang asim"

"Ha? Talaga?"

"Oo kaya ilibre mo kami"

"Grabe di ko nga alam ang nangyari tapos dapat bayaran ko pa kayo. Sige na nga"

"Yes!" Sambit ni Xandra.

Pagdating namin agad naman kaming bumili at naglakad pabalik. Oh diba ang sipag naming maglakad. Lahat ng classroom naming madadaanan nag pi picture kami para may souvenir noh. Tsaka ang ganda ng designs nila yung may pang japan, america, Africa. Basta ganoon maganda.

Umupo na muna kami sa tabi medyo malayo pa ang classroom namin. Uminom na muna kami ng buko juice at nag cellphone sila. Habang ako umiinom lang habang tumitingin tingin sa paligid. Ang weird rin ng iba noh? Yung I na admire mo lang kagandahan nila at ka gwapuhan and styles tapos parang creep kana sakanila. Wow sorry ganda mo lang kasi teh inggit lang ako.

"Patricia mag make up ka mamaya"

"Huh? Di nga ako marunong baka maging si pennywise ako mamaya eh"

"Don't worry ako naman mag me make up sayo noh. Anong color ng dress mo?"

"Wala akong dress akala ko kasi camp lang" I mean i really don't have an idea you know.

"Ok lang buti dalawa yung dress ko sayo nalang yung floral hindi kasi bagay sakin" weh? Sa Ganda mong yan Xandra? Lahat kaya bagay sakanya. Ewan ko ba magaganda talaga.

𝐈𝐬 𝗧𝗢𝗠𝗢𝗥𝗥𝗢𝗪 𝐬𝐭𝐢𝐥𝐥 𝐥𝐢𝐤𝐞 𝐭𝐡𝐢𝐬? ☕︎𝙲𝙾𝙼𝙿𝙻𝙴𝚃𝙴𝙳☕︎Where stories live. Discover now