Chapter 3

115 1 0
                                    

Pagkauwi ko ay umakyat na agad muna ako sa kwarto.Nang biglang pumasok si ate janella.

"Elaine"

"Ate bakit po?may kailangan ka?"Saad ko habang nakaupo sa study table ko para ayusin ung ipapasa kong plates bukas.Pakapa kapa pa ako kasi hinahanap ko ung lapis ko kanina pa.

"Naito ung lapis ito ba hinahanap mo?"Pagtatanong nya sakin Saka nya binigay ka sakin

"Oo ate salamat bakit ka pala andito ate may need ka?"

"Wala naman kakauwi ko lang galing Baguio"Nagbakasyon Kasi sya doon.Pinayagan naman sya ni mommy parang anak na Turing ni mommy kay ate janella.

"Ah Kamusta ate maganda ba dun?"Pagtatanong ko Hindi pa ako nakakapunta sa Baguio halos napuntahan ko palang ay Japan, Thailand,Taiwan,south Korea.Dahil sinasama ako nila mommy kapag may work sila doon.Lagi lang akong nasa hotel habang nagtratrabaho sila.Hindi naman ako pedeng maglayas magisa.Kailangan may kasama ako.Kung may kasama man ay hindi ko naman nakikita Ang paligid.How I wish nakikita ko ang mga lugar na un.

"Oo sobrang lamig pala dun literal na malamig.Btw may pasalubong ako sayo"

"Talaga ate?"

"Oo ito oh dinalhan Kita ng strawberry.Alam kong favorite mo yan"

"Wow salamat ate"

"Welcome sige baba na muna ako may niluluto ako doon"

"Ano niluluto mo ate?"

"Kare kare"

"Wow tawagin mo ko kapag kakain na Saka kapag andyan na sila mommy"

"Sige sige relax ka lang muna dyan"

"Sige ate salamat"

Lumabas na si ate janella sa kwarto ko.Nilagay ko muna ung strawberry sa mini ref ko na kalapit ko lang naman.Nakaupo lang ako sa study table ko.Nang maisip ko na magdrawing.Madaming nagtatanong sakin noon nasa high school kami ni athena.Bakit daw ang galing kong magdrawing e Hindi ko naman ko Naman daw nakikita ung dinadrawing ko.Sinasabi ko na galing sa puso ung pagdradrawing ko kaya siguro may ganun akong kakayahan.

Matapos nun ay tinawag na ako ni ate janella inalalayan lang nya akong bumababa ng hagdan.

"Elaine"Sinalubong kami ni mommy at pinaupo na ako upuan.

"Mommy daddy kanina pa po kayo?"

"Kakadating lang namin kamusta school?"

"Ok naman po nag kwekkwek kami ni Athena dahil ung crush nya na engineering ay kaklase ko pala at  seatmate ko na si Adrian kaya ayon nilibre nya ako"Pagkwekwento ko.

"Destiny nga naman sa daming naging crush ni Athena ay sa seatmate mo pala sya magkakagusto my sobra noe"Saad ni mommy.

"Iba nga po ung Kilig nya wari ko inlove na inlove na sya Masaya naman ako na kapag Masaya si Athena wag lang talaga nilang sasaktan"

"Ay oo naman"

"Teka ikaw ba anak Wala kabang crush"Pagtatanong ni daddy sakin nagulat naman ako.

"Daddy?ako?"

"Oo Wala ka bang nagugustuhan sa school nyo"

"Naku daddy ayaw ko sa mga ganyan"

"Bakit?"

"Basta ayaw ko lang po"

"Dad naman bata pa si Elaine hayaan mo syang maging Masaya muna"Saad ni mommy.

Sa totoo lang gusto ko din makaranas ng mainlove gaya ni Athena.Kaso paano naman sila magkakagusto sakin Wala akong nakikita at alam kong Mahihirapan lang sila.

Kinabukasan ay pumunta na kami ni ate janella sa hospital ni Tito Vince.Naan dito kami sa lobby at nagcr lang sya.Nang biglang may nakabunggo sakin at napaupo ako nabitawan ko pa ang phone ko.

"I'm sorry miss"Malagong nyang boses Nakita nya ata akong kinakapa ko ang sahig dahil nabitawaan ko Ang phone ko.Tinulungan nya akong tumayo.Saka inabot sakin Ang phone ko.

"Thank you"Habang pinapagpagan ko ang katawan ko.

"Sorry talaga miss"Pagaapologize nya sakin ulit.

"It's ok"

"Nasaktan kaba?"Pagaalalaa nya lagong ng boses nya.Mabango din.

"Hindi ok lang ako"

"Sorry talaga may kasama kaba?"

"Me-"Sasabihin ko palang na meron ay dumating na si ate janella.

"Elaine"Humawak sya sa kamay ko Nakita nya atang may kausap akong lalaki."Sino sya?"

"Ay sorry po nabungo ko po kasi sya kanina"Sagot Naman nung lalaki.

"Ah ganun ba pasyensya kana di Kasi sya nakakakita"Naramdaman ko naman ang pagkagulat nung lalaking nakabunggo sakin.Di pa obvious na kinakapa ko ung sahig Kanina para Mahanap ung phone ko.

"A-h ganun po ba sorry po ulit miss sorry talaga"

"Ok lang un di mo naman sinasadya"

"Sige una na ako sorry po ulit"

"Sige ingat ka"Pagpapaalam ni ate janella.

"Elaine gwapo ung lalaking nakabunggo sayo."

"Gwapo?"

"Oo"

"Kaya pala Ang bango nya tas Ang lagong ng boses"

"Mukhang green flag"

"Ano suot nya?"

"Naka hoodie na black sya tas nakashort lang simple ung suot nya pero Ang lakas ng dating"Saad ni ate janella.

"Simple naman nya"

"Oo bagay nga kayo Hanggang balikat ka nya e"Inaasar na ako ni ate janella graduate Naman na si ate janella ng college matagal na isa na syang accountant sa company nila mommy.

"Hayst ate Tara na iniintay na Tayo ni Tito Vince"

Nakarating na kami sa office ni Tito.Saka nya ako chineck up.

"Tito kamusta po?may pagbabago po ba?"Narinig kong huminga sya ng malalim.

"Sorry Elaine pero habang tumatagal lumalala ang mga mata mo"

"Ganun po ba"Malungkot kong Sabi.

"Bakit Hindi kapa pumayag na magpaopera Elaine may donor na ulit Nakita ang mga magulang mo pumayag kana Kasi sooner or later Wala na Tayong magagawa"

"Naiintindihan ko po Tito Vince"

"Oh sige ito ulit ung mga gamot mo as always I said pagisipan mo ulit Elaine ok nagaalala kami sayo"

"Yess Tito salamat po"

"Sige ingat kayo"

"Salamat po"Saad ni ate janella at lumabas na kami ng hospital.

"Elaine bakit ayaw mo pa magopera??"

"Ate alam nyo naman ung dahilan ko diba ayaw ko lang na may isang tao na mabubulag para lang makakita ako"

"Pero Elaine"Randam ko ang pagkalungkot nya sa boses nya.

"Ate tanggap ko naman na"Hinawakan ko sya sa kamay.

💌💌💌

BLIND DATEWhere stories live. Discover now