Chapter 10

67 1 0
                                    

Sabay alis nya naiwan akong nagiisip. You're special?Bumalik nalang ako sa loob at sumalubong sakin sila ate janella.

"umuwi na si Marco?"Tanong sakin ni ate.

"yes ate"

"mabait si Marco I like him"Saad ni mommy.

"Yahh mabait sya saka may pangarap talaga sya.Mukhang magiging magaling na architect sya"Saad ni daddy.

"Thanks dad"

"nililigawan ka ba nya?"Tanong sakin agad ni Mommy.

"po?"

"I mean sa mga tingin nya sayo kanina mukhang "

"Mom magkaibigan lang po kami ni marco"

"ok ok gusto ko pa din sya kahit di ka nya nililigawan "

"ok fine mom aakyat na po ako"

"sasabay na ako sayo Elaine matutulog na din ako"

"ok ate"

Pagkahiga ko ay biglang tumunod ang phone ko.Unknown number sinagot ko naman to at baka mamaya importante.

On Call~

~hello Elaine?

~hello?sino to?

~this is Marco

~marco?Paano mo nalaman number ko

~kay Athena

~ahh bakit ka napatawag

~wala lang patulog kana ba?

~oo sana

~ah sorry

~bakit??

~naistorbo ko ung pagtulog mo

~haha ano kaba ok lang ano oras mo ko susunduin bukas?

~mga 6:30 ulit ok lang ba?

~yah kahit anong oras ok lang vacant naman kami nila adrian.

~ok sige

~sige

~good night Elaine

~good night Marco

End Call~

After nun natulog na ako.Kinabukasan ay naligo na ako agad.Nakaupo ako sa sofa at iniintay si Marco.Kanina pa ako nagtatanong ng oras kay ate janella.

"Ate ano oras na?"

"6:15 palang Elaine kalmahan mo pupuntahan ka nun"

"baka kasi 6:30 na e"

"wag kang magaalala sasabihin ko sayo kapag 6:30 na"

"ok ate thanks"

6:30 na ng dumating si Marco.

"Good morning Elaine"

"Good morning Marco"

"kanina ka pa nyan hinihintay tanong ng tanong sa oras"Saad ni ate

"ate!"

"haha miss mo ba ako agad?"

"loh hindi ah"

"sige na pumasok na kayo at baka malate pa kayo "

"bye ate"Saad ni Marco kay ate janella.

"bye ate janella"Sambit ko naman at sumakay na ako sa kotse ni Marco.

"nilagay mo na ba ako sa contact mo?"

"ha?"Naalala ko bigla na di ko pa nalalagyan ng pangalan ung number nya balak ko kasi ay kay Athena ko palagyan.

"Di mo pa nilalagay name ko?"Tuno na nalulungkot sya.

"ah ano kasi nakalimutan ko kasi palagyan kay ate janella e kay Athena ko nalang ipapalagay"

"ah ok"

Nang makarating kami sa school.

"Good morning love birds"Bungad sakin ni athena at adrian.

"May atraso ka sakin ha"

"bakit?"

"Basta mamaya nalang recess"

Pumasok na kami sa kanya kanyang classroom.Vacant naman kami nila adrian.Pumunta muna ako sa cr.Papasok palang ako ng biglang may bumungo sakin.

"aray"

"ops sorry blind girl anjan ka pala"Saad ni Sofia alam kong sya un dahil boses palang nya kilala ko na.

"Sofia bat mo naman binunggo si elaine kawawa naman"Sambit naman ni aimie.Isa sa mga kaibigan ni Sofia.

"pahara hara sa daan e"

"dapat tinulak mo nalang"Sambit ulit ni aimie.

Paalis na sana ako ng biglang.

"hey Elaine"

Tumigil ako sa paglakad

"bakit?"

"close ba kayo ni Marco?"Tono palang ng pagtatanong nya ay galit na sya sakin.

"ano naman kung sabihin kong close kami"

"girl ayusin mo ang sagot mo sakin.Baka hindi mo ko Kilala"

"Kilala Kita"

"Ganun pala eh so layuan mo si Marco or else makikita mo ang tunay na ako"

After that hindi nalang ako dumeretso sa cr.Hindi nalang ako sumagot ulit kay Sofia.Kilala ko Sofia isang mayaman at malaki ang pamilya nila.Madami na syang nabully dito sa school.Hindi sya napapatanggal dahil ang pamilya nya ay isa din sa mga may Malaking nadonate dito sa school namin.Mahirap kalabanin si sofia at ang mga kaibigan nya.Alam kong Galit sya sakin dahil nakikita nyang close kami ni Marco.Hindi ko alam pero natatakot ako at kinakabahan.

Nang makabalik ako sa classroom.

"San ka galing Elaine?"Pagtatanong sakin ni adrian.

"sa cr"

"hinahanap ka ni Marco galing nga dito kanina"

"ah bakit daw?"

"sabay daw kayo umuwi mamaya"

Hindi nalang ako umimik Hanggang sa matapos ang klase namin.

After class ay nasa labas na si Athena.

"sis sabay kana ba samin or ihahatid ka ni Marco?"

Narinig kong lumabas na din ng Class sila Sofia.Nagtatawanan sila.

"Hahaha ang tapang kala mo naman kaya nya ako"Sambit ni Sofia.

"Elaine"Biglang dating ni Marco.

"hi Marco"Pagbati ni Sofia kay Marco.

"hi"Maiksing sagot ni Marco.

"Sabay na ako sainyo athena tara na"Hinila ko na si Athena.

"Elaine wait"Hinabol nya ako at hinawakan sa braso."Akala ko Sabay tayo uuwi?"

"sorry marco may bibilhin pa kasi ako and sasama ko si athena next time na lang bye ingat ka"

"sige ingat ka athena Adrian"

"kami na bahala kay Elaine marco"

"chat kita kapag naihatid na namin si Elaine bro"

"Salamat bro"

Umalis na nga kami.

"Pauwi ka na ba Marco?"Pagtatanong sakin ni Sofia.Naiinis ako sa kanya bukod sa alam kong bully sya masyado syang maarte at OA.Gets ko naman na gusto nya ako.

"oo"

"well ako din gusto mo sabay na us"

"naalala ko may dadaanan pa pala ako"

"samahan kita"

"Wag na hindi naman ako bata para samahan.Una na ako"Umalis na ako at pumunta na sa carpark.

💌💌💌

BLIND DATEOù les histoires vivent. Découvrez maintenant