Chapter 18

58 1 0
                                    

Habang nagkakainan ay bigla kong naisipan na ibigay kay marco ung Drawing na matagal ko ng ginawa simula pa nung sa unang naming pagkikita sa hospital.

Tumayo ako at pumunta kay athena.Bumulong ako kay Athena at Adrian.

"Athena Adrian can you guys help me?Balak ko kasing ibigay kay marco ung Drawing ko para sakanya saka para din masagot ko na sya"

"Sure Elaine don't worry kami bahala saglit"

Tumayo na ung dalawa at kumuha ng mic.

"Hello Hello po busog na po ba ang lahat?"Masayang Sambi ni Athena.

"Kung busog na po ang lahat pede na po tayo umuwi djoke lang po hehehe may inihanda na surprise ang ating bday girl"

"Yes po tama po ang narinig nyo may inihanda po ang ating Natalie...So Elaine"Inalayan ako ni Adrian pumunta sa unahan inabot sakin ni Athena ang mic.Si Marco nasa upuan lang naming dalawa.Lumapit sya kila Athena.

"Guys anong meron?"

"Basta bro"Sambit ni Adrian.

Nakatingin lang si marco sakin.Nagsimula na ako magsalita.Pero bago un tumunog ung kanta na favorite ni Marco.(PLAY"WITH A SMILE BY ERASERHEADS ENJOY READING:) )

"Good evening po sainyong lahat...Nais ko po munang magpasalamat sa inyo sa pagpunta at sa pagsama para maidiwang ko ang aking kaarawan.Hindi ko man po kayo nakikita pero ramdam na ramdam ko po ang pagmamahal nyo para sakin.Thank you po sa parents ko.Kung Wala sila wala din ako.Sa kaibigan ko si Adrian at sa bff ko na si Athena salamat sainyong dalawa.Sa parents po ni Marco maraming salamat po sa pagpunta at sobrang happy po ako na makilala kayo.Ngayon po gusto kong sabihin sa isang tao na nagpadama sakin na wala dapat akong ikatakot,ikatago dahil kung mahal mo ipaglalaban mo.Sya ung nagpatunay na hindi makikita sa Ganda at yaman ang isang babae.Sya ung taong kaya ako ipaglaban at mahalin na hindi natatakot na ijudge sya ng mga taong humahanga sa kanya kahit na ikasira pa un ng image nya.Siguro nga minahal nya talaga ako.Siguro nga ganto ang nagagawa ng pagibig.Kapag tinamaan ka tinamaan ka.Ngayon nais kong magpasalamat sa kanya sa pagbibigay ng pagmamahal na to sa pagbibigay ng mga kasiyahan na hindi ko inaasahan na mararanasan ko sa buhay ko.Ako nga lang siguro iniintay nya masyado na syang madaming pinatunayan sakin.Alam kong tamang tao sya simula pa nung una naming pagkikita..Para sa kanya ang ginawa ko tong"Inilabas ko ung Drawing na ginawa ko.Isang drawing na tungkol sakin at sakanya.Isang babae na may blindfold at isang lalaki na naka architect ang inidrawing ko."Para sayo to marco gusto kong sabihin sayo na simula ngayong araw na to hindi mo na ako kailangan intayin pa dahil ngayon sayong sayo na ako"Masaya kong Sabi gustong tumulo ng luha ko sa saya.Mixed emotions ang nararamdaman ko.Hindi ko alam pero umaapaw sa saya ang puso ko ngayon.Sobra akong nakukumpleto kapag kasama ko si marco.Basta kasama ko sya nakakalimutan ko ang kalagayan ko.

Lumapit sa akin si marco.Halos ang lamig ng kamay ko kinakabahan din kasi ako.

"Elaine"Mahinahon nyang Sambi sakin Hinawakan nya ang kamay ko at ang pisngi ko.

"Marco"Sagot ko naman sa kanya.

"I love you elaine hindi kita iiwan gaya ng mga pinangako ko sayo na mamahalin kita Hanggang sa makakaya ko"Niyakap nya ako naramdaman ko ang pagtulo ng luha nya.

"I see you marco"Napatingin sya sakin.

"I see you?"Pagtatanong nya.

"Ang ibig sabihin nun I love you"Napangiti naman sya.

"I see you too mahal ko"Niyakap nya ako ng mahigpit na mahigpit.

Matapos ang gabi na un sobrang saya ko.Halos parang isang panaginip lang.Ako may boyfriend na at si Marco un.

Kinabukasan nagising ako ng tanghali na.Kinapa ko ang kama ko para hanapin ang cellphone ko.Baka tumawag si Marco.Tinanghali na ako ng gising sobrang saya kagabi.Wala pa naman kaming pasok ngayon.Next week pa ang balik naming lahat sa univ.

Tumayo na muna ako dahan dahan na pumunta sa cr.After that dahan dahan din akong bumaba ng kwarto.Pagkababa ko.

I heard an familiar voice na nangagaling sa kusina namin.Kausap sila mommy at daddy.

"Elaine good morning"Masayang Bati sakin ni ate janella.

"Good morning ate ano meron?"

"Good morning Elaine"Bati sakin ni mommy at daddy

"Good morning po may Kasama po ba kayo dyan nila ate janella?"

Biglang may humawak sa kamay ko.

"Good morning Love"Sweet na sabi ni Marco sakin.

"Marco?"

"Nagising ka ba dahil samin?"

"No hindi tinanghali na nga ako e btw anong ginagawa mo dito?"

"Binibisita ko ung girlfriend ko"

"Sira ka"Hinampas ko sya sa braso.

"Naku Naku sige na pumunta na kayo dito at kakain na tayo"Sambit ni mommy.

Nagpray lang kami saglit at kumain na.

"Kamusta ang tulog mo?Ok ba?"Pagtatanong sakin ni Marco.

"Ayos naman Ikaw?Dapat nagpahinga ka muna"Hindi pa ata sya nakakatulog ng maayos.

"Nakatulog ako ng mahimbing na mahimbing "Hinampas ko naman sya ng mahina"Dami mong alam Winslet ha"Natawa naman sya.

"Daming langgam tita"Sambit ni ate janella bitter ngayon porket walang jowa.

"Ate may sinasabi kaba?"Sagot ko naman.

"Wala wala Sabi ko kakain ako ng Sweets mamaya"

"Ay bet ko din yan masarap kumain ng Sweets"Pangaasar ni mommy.

"Mommy pati Ikaw?"

"Bakit kakain lang kami ng Sweets"

"Hay naku"Natawa naman silang lahat.Matapos naming kumain ay pumunta kami ni marco sa may garden.Umupo kami sa duyan habang humahampas samin ang malamig na simoy ng hangin.

💌💌💌

BLIND DATEWhere stories live. Discover now