Prologue

286 20 4
                                    

***
Prólogo


I was taking orders here sa part time ko nang biglang may naglapag ng black card sa counter kaya napaangat ako agad ng tingin nang makita ko ang isang gwapong matangkad na lalaki na nakatingin sa menu. Bumaba naman ang tingin nya sakin at bahagyang tumaas ng kilay nya nang makitang nakatitig ako sa kanya.

"U-uh good evening Sir! May I take your o-order?" kinakabahan kong wika dahil tumayo ito nang diretso at pinag cross ang braso nya sa dibdib nya kaya kitang-kita ang kanyang prominent well-built nyang muscles. Lalo na yung veins sa braso nya! Kaya agad akong nagkunwari na may pinipindot sa machine na nasa harap ko.

"I'll get a Venti drink of Italian coffee but with 2 shots of espresso and 3 pumps of pumpkin spice and extra almond milk. Less ice." wika nito habang hindi tinatanggal ang tingin sakin na ramdam na ramdam ko kaya medyo nanginginig yung kamay ko. Grabe ang tapang na ng Italian coffee tapos with 2 shots of espresso pa?! Anong klaseng kape to!

"Venti Italian coffee with 2 shots of espresso, 3 pumps of pumpkin spice and extra almond milk, right sir?" confirm ko sa order nya at tumingin ulit ako sa kanya at tumango naman ito. "Can I get your name please?" wika ko sabay kuha ng venti cup habang hawak ang pen ko.

"Gideon." simpleng wika nito kaya agad kong sinulat ang pangalan nya sa cup at kinuha yung black card na nasa harap ko para i-swipe sa machine para mabayaran. First time ko humawak ng black card!

"Thank you so much! You can wait somewhere I-I'll just call your name if y-your order's ready." sabi ko sa turo sa may vacant seat. Kinuha naman nito yung card nya at kinuha yung wallet nya sa bulsa at nilagay yun dun at tsaka umalis.

Inayos ko na agad yung order nya at nang maayos ko ang order nya ay agad kong tinawag ang pangalan nya. "Order for Gideon!" sabi ko at nakita kong tumayo naman ito at nagpunta sa claiming counter at tinignan ako mula ulo hanggang paa ko.

I don't know pero kinabahan ako the way he looked at me. Parang ina-analyze nya buong buhay ko with just a look. "A fucking gay. Great." sarkastikong wika nito at lumabas ng coffee shop at ibinato sa basurahan yung drink na inorder nya. Mukha syang galit na hindi ko malaman.

***
Please follow, like, share, and comment! Thank you, guys!

Am I Flawed By Design?Où les histoires vivent. Découvrez maintenant