Chapter One

287 17 11
                                    

***
Capítulo Uno

Nag aayos ako ng gamit ko ngayon dahil kailangan ko nang lumipat sa bed space na lilipatan ko sa may Espanya dahil need ko na maging independent lalo ngayon sa college. Taga Tayuman lang naman ako kaya hindi na masyado mahirap ang pasikot-sikot dito sa Maynila dahil sanay na ako. Buti nga mura ang nahanap kong bed space at kaya ko naman bayaran gamit part time ko pero sabi nina Mayor na i-cocover na rin daw nila since included naman na daw yung sa scholarships na natanggap ko. Sino ba naman ako para mag inarte diba? Pagkain na lang problem ko.

I had the privilege to go to my dream school without spending a coin dahil nakapasok ako sa scholarship ng San Martin de Porres scholarship sa University of Santo Tomas so wala akong binayaran o babayaran for my entire college until matapos ako. Kailangan ko lang i-maintain yung grades ko na hindi dapat bababa ng 1.50. Kaya naman grabe na ang tuwa ni papa nang malaman nya ang balita lalo pa't lagi syang nasa munisipyo dahil Janitor sya roon. Kaya labis-labis na lang ang kaba nya nang ipatawag sya ni Mayor sa opisina para ibalita na nakapasa ako sa scholarship nya at sa UST. Akala nga raw nya ay sisisantihin na sya kaya labis ang pasasalamat nya kina Mayor De Leon nang sabihin na pasado ako sa scholarship at number 1 pa! Also Nursing pa kaya may pagka priority kasi under ng STEM and I graduated as the valedictorian of my class.

Alas otso nang umaga nang lumabas ako sa kwarto namin ni papa. "Ngayon na ba agad ang alis mo?" tanong nito sakin habang nag aalmusal ng pandesal sa lamesita namin.

"Opo pa. Sa October 3 na po ang pasukan namin eh kaya kailangan ko na pong mag ayos sa lilipatan ko." paliwanag ko dito at lumapit sa kanya para yumakap at kumuha na rin ng isang pandesal dahil gutom na rin naman ako.

"Osiya humayo ka na at magparami!" biro nito sakin kaya hinampas ko ang braso nya. Tumawa naman ito nang malakas dahil kala nya siguro slay yung joke nya.

Alam nyang bakla ako at simula pagkabata ay wala syang problema rito. Binibili pa nga ako ng papa ko ng barbie na naka sakay sa bike tapos yung ulo na hangin ang laman. "Mag ingat ka dun, Sydney." wika nito kaya tumango naman ako at nagpaalam para umalis na. "Ingat kayo ni Jade, Papa! Dalaw na lang ako soon, Mwah!" saad ko sa labas ng pinto at kumaway sa kanya palabas ng gate ng bahay namin. I'm gay pero not the typical gay or yung kapag sinabing gay eh may pre-conceived notion na sila about gay people. Hindi naman ako sobrang lamya hindi rin sobrang tigas, sakto lang.

Naglakad ako papuntang terminal ng jeep sa may Tayuman Jollibee dahil walking distance lang naman yun dala yung maleta na binigay ng tita ko na medyo may kaya at medyo may pagka baliw rin. Minsan kasi hindi maintindihan ugali ng baliw na yon, maayos minsan, minsan naman ubod ng sungit na kala mong nireregla pa sa edad nyang 53! Pero sobrang genuine nya nung nalaman nyang nakapasok ako ng scholarship sa UST. Sya din nagbigay ng pocket money ko at nitong maleta. Sobrang proud nya dahil first time daw sa mula pamilya nila ni papa na makapasok sa prestehiyosong paaralan.

Nakarating na ko sa tapat ng 4 storey apartment building na lilipatan ko. Apartment sya pero may kasama ako sa bahay na scholar din medyo kilala ko naman yung makakasama ko dahil schoolmate ko sya before like nung Elementary pa. Also parang dedicated tong building na to for scholars around espanya dahil yun yung preferred nung may ari.

Pumasok na ko at umakyat sa second floor and 007 yung room key na hawak ko dahil nagkita naman na kami last week para rin mabigay sakin 'tong susi. Pumasok na ko apartment namin at bumungad sakin ang malinis na apartment at meron namang dalawang kwarto kaya I know na may sarili akong space which is good. Wala sya si Atasha dito baka pumasok na sa school nila. Buti na lang ay malinis dito dahil kung hindi itatapon ko na lang si Atasha.

Am I Flawed By Design?Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum