Chapter Four

236 9 2
                                    

***

Capítulo Cuatro

Tapos na ang first day of classes and okay naman since may mga nakilala na ako bukod dun sa tatlo pero hindi naman super close. Nasabihan na rin ako na yung audition for cheerleading to be announced pa raw since hindi pa exactly alam kung kailan free and gymnasium pero possible raw na bukas after basketball so mag prepare na lang daw if ever. Kaya ngayon papunta na ko sa part time job ko since ngayon yung first day ko as a part timer sa Starbucks.

Nakarating naman ako nang matiwasay sa Starbucks kaya agad akong pumasok at dumiretso na sa locker namin para kunin ang uniform and nameplate ko para makapag simula na ng training. As if now ang job ko pa lang sa Starbucks is minor lang or baby barista and more on cashier muna since sabi naman ng manager ko I look pleasing naman daw aesthetically and physically speaking daw. O diba! Ikalalaki na naman ng ulo ko 'to.

"Lance andyan nag time-in ka na ba?" tanong ng kawork ko na si Andrew. Kilala ko na sya dahil nung nag apply ako sya nag assist sakin papunta sa manager namin.

"Ngayon pa lang salamat!" ngiti ko sa kanya at tinapik naman nya balikat ko at lumabas na ng locker since baka raw dumami ang tao kaya nagmadali na ako mag time-in paara lumabas at makapag assist ng customers.

Nakatalikod ako sa entrance dahil nagpupunas ako ng table top ng mga equipments namin nang narinig kong tumunog ang pagbukas ng entrance ng store kaya humarap ako at nagulat naman ako nang nakita ko sila Faith, Brian, and Alyana na nagpunta dito.

"Oh my god! Dito ka pala nag wowork!" patiling sabi ni Alyana. Hindi naman halatang excited sya na malaman na dito ako nagpa-part time job.

"Oo eh, by the way can I get your orders, Ma'am?" sabi ko sa kanila at tinawanan naman ako ni Brian. As much as gusto ko syang pakyuhan hindi ko magawa since I need to be professional.

"Uh yes, I'll get a venti iced mocha frappuccino with an extra pump of vanilla. Then these two will just get a venti Iced americano the other one has cinnamon and whipped cream on top while the other one has drizzle caramel on the side. Thank you, cutie!" asar nito sakin at tinawanan pa ako nito. Nakakatuwa lang na sa sobrang close nilang tatlo ay kabisado na nila gusto nilang coffee.

"That would be 832 pesos, Ma'am." inabot naman nito yung 1k sa akin. "Take the change as your tip Mr cutie cashier." sabi ni Alyana at bigla namang naglapag si Faith ng 200 and si Brian ng 500 pesos as a tip daw. Aba! Dapat lagi sila nandito. Nakatanggap naman ako ng tip kanina pero 50 pesos na yung pinakamalaki! Sabagay, galing pala sa marangyang pamilya si Brian unlike yung dalawa. Mayaman rin naman sila pero compared kay Brian he's way more wealthier.

"Wow naman Brian! Iisipin ko talaga crush mo ako." asar ko kay Brian nang mahawakan ko yung binigay nya. Hindi ko muna inasar baka bawiin eh!

"I need a reimbursement pala ng binigay kong tip." wika nito at nagtawanan naman kami. I assisted them sa pinaka malamig na pwede nilang upuan. Yes lumabas ako ng counter since pwede naman so I assisted my friend knowing na reklamador tong tatlong 'to sa mainit since nagsama sama kami nung Anaphy class namin and hindi masyado malakas aircon sa classroom nagrereklamo sila samantalang ako nilalamig.

Dinala ko na sa kanila yung orders nila at talagang hinawakan ni Brian kamay ko nung kinuha nya yung drinks nya. Ah ganon ha!

"You can hold my hands naman sa school para walang drinks eh." tinawanan ko ito at sumakay naman sya sa trip kaya nagtawanan kami.

"By the way, Cheszka told me to tell you na tuloy na raw yung auditon for tomorrow sa gymnasium, sa gilid na lang daw tayo para makapag try out din daw mga basketball players." sabi sakin ni Brian at tumango naman ako at nagpaalam na sa kanila para mag work na ulit.

"Excuse me! Can I have some napkin please." sabi nung white american kaya agad akong nagpunta sa counter at kumuha ng tissue.

"Here you go, sir!" abot ko sa kanya at nagpasalamat naman sya sa akin kaya ngumiti na lang ako.

Nagpupunas ako ng cashier counter ko nang biglang nagpaalam sila Brian sa akin bago lumabas ng Starbucks. "Good bye, cutie! Next time ulit!" sabi ni Brian tapos nag handsign pa ng blowjob si bakla kaya ngirian ko sya pero yung sarcastic na ngiti tapos sinamahan ko rin ng disgust kaya tumawa yung tatlo. Nang makaalis sila ay pumunta ako sa pwesto nila to clean and to my surprise wala silang kalat miski isa. Sabagay, clean freak nga pala si Brian tapos si Faith sobrang bait, tapos si Alyana—Alyana lang. Joke!

It's almost 7PM and I was taking orders and nagpipindot sa machine ko nang biglang may naglapag ng black card sa counter kaya napaangat ako agad ng tingin nang makita ko ang isang gwapong matangkad na lalaki na nakatingin sa menu. Bumaba naman ang tingin nya sakin at bahagyang tumaas ng kilay nya nang makitang nakatitig ako sa kanya.

"U-uh good evening Sir! May I take your o-order?" kinakabahan kong wika dahil tumayo ito nang diretso at pinag cross ang braso nya sa dibdib nya kaya kitang-kita ang kanyang prominent well-built nyang muscles. Lalo na yung veins sa braso nya! Kaya agad akong nagkunwari na may pinipindot sa machine na nasa harap ko.

"I'll get a Venti drink of Italian coffee but with 2 shots of espresso and 3 pumps of pumpkin spice and extra almond milk. Less ice." wika nito habang hindi tinatanggal ang tingin sakin na ramdam na ramdam ko kaya medyo nanginginig yung kamay ko. Grabe ang tapang na ng Italian coffee tapos with 2 shots of espresso pa?! Anong klaseng kape to!

"Venti Italian coffee with 2 shots of espresso, 3 pumps of pumpkin spice and extra almond milk, right sir?" confirm ko sa order nya at tumingin ulit ako sa kanya at tumango naman ito. "Can I get your name please?" wika ko sabay kuha ng venti cup habang hawak ang pen ko. "Is this to-go sir or you'll dine here?" dagdag tanong oo sa kanya.

"Gideon and to-go." simpleng wika nito kaya agad kong sinulat ang pangalan nya sa cup at kinuha yung black card na nasa harap ko para i-swipe sa machine para mabayaran. First time ko humawak ng black card! Pero parang pamilyar yung boses nya. I think narinig ko sya somewhere.

"Thank you so much! You can wait somewhere I-I'll just call your name if y-your order's ready." sabi ko sa turo sa may vacant seat. Kinuha naman nito yung card nya at kinuha yung wallet nya sa bulsa at nilagay yun dun at tsaka umalis.

Inayos ko na agad yung order nya at nang maayos ko ang order nya ay agad kong tinawag ang pangalan nya. "Order for Gideon!" sabi ko at nakita kong tumayo naman ito at nagpunta sa claiming counter at tinignan ako mula ulo hanggang paa ko. Mas tumagal yung pagtingin nya sa nameplate ko at kumunit pa yung noo nya at biglang nagtiim yung panga nya kaya mas lalo naging prominent yung V-shaped jaw nya na ang gwapo tignan not gonna lie.

I don't know pero kinabahan ako the way he looked at me. Parang ina-analyze nya buong buhay ko with just a look. "A fucking gay. Great." sarkastikong wika nito at hinablot yung kape sa counter at tsaka lumabas ng coffee shop at ibinato sa basurahan yung drink na inorder nya. Mukha syang galit na hindi ko malaman. And not just like that, binato na na pabalibag yung drink kaya nagkalat yung talsik nito sa labas. Tumama din sa salamin yung talsik nung drink at tsaka bumaling ng tingin sa pwesto ko at ngumiti nang nakakaloko at hinawi pataas yung buhok nya.

"Fucking disgusting!" basa ko sa pagbukas ng bibig nya at kinuha yung susi ng kotse nya at binuksan. Bago pumasok ay nakita ko pang sinuntok nito yung side mirror ng sasakyan nya kaya lumipad din yung parts non sa harap ng coffee shop at tsaka binalibag yung pintuan ng kotse nya. Ano kayang ikinagalit non? Pero alam kong parang damay ako sa galit nya. So dapat umiwas ako sa kanya hanggat maari.

***

Hello, hi, Mabuhay! We have a new chapter! Hope you like it babes!

Please Vote, Follow and Comment!

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Oct 18, 2023 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Am I Flawed By Design?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora